Part 79

2.8K 78 32
                                    

"YOU'RE saying na ibang-iba ang kilos ng Jessica ngayon sa kilos ng Jessica na nakasama mo noon sa apartment?" tanong ni Santi. Lucille agreed to meet him on a café.

"Well, yeah. Honestly, ibang Jessica talaga siya ngayon. Why are you asking me about this?" may pagdududang tanong ni Lucille.

"Lucille, please, I want to know more about her. Makakatulong nang malaki ang ano mang sasabihin mo."

Tinitigan siya ni Lucille. Siguro ay nakita nito ang sincerity sa kanya kaya bumuntong-hininga ito. "It really feels like they are two different persons. Magkaiba ang personality ni Jess bago at pagkatapos ng aksidente." Kinuha nito ang bag, binuksan iyon, inilabas ang cell phone at nagpipindot roon. "Tingnan mo."

Inabot ni Santi ang cell phone at tinunghayan iyon. Isang litrato. Litrato nina Lucille at si Jessica. At... napatitig siya kay Jessica, partikular sa mga mata nito. He zoomed the picture. Zoomed it to her face. What the hell!

"Magkaiba, ano?" ani Lucille. "Magkaiba sila ng mga mata. Iba ang mga mata ng Jessica na nariyan sa litrato at sa Jessica na kasama natin ngayon. Would you even believe na iba rin dati ang timbre ng boses ni Jessica? Oo nga't anim na taon siyang na-comatose but I know my friend so well."

Oh, my, God! Magkaiba talaga. Dahil ang mga matang taglay ni Jessica ngayon ay katulad na katulad ng kay Kara. Eyes are the window of the soul pa naman daw!

"Napakaraming pagkakaiba ng Jessica noon sa Jessica ngayon. Pilit ko lamang iyon binabalewala. Minsan nga, iniisip ko na baka may kakambal si Jessica at iyong kakambal niya ang kasama ko ngayon. Pero hindi eh... I don't know... there was something so mysterious about her." Nagpatuloy si Lucille. 

He gasped. Halos hindi kinakaya ang natutuklasan. Ang mga balahibo niya sa katawan ay hindi kumakalma, patuloy iyong naninindig. "I don't know. Iniisip ko na lang na binago talaga ng aksidente ang ugali niya. O baka naman sadyang hindi ko lang siya kilala nang lubusan. Ang tungkol sa 'yo ang pinakamalaking puzzle na hindi ko mabuo-buo. Hey, you okay?" tanong nito ng mapansin ang pagkatigagal niya.

Ibinalik niya kay Lucille ang atensiyon. "Yeah. Yeah, I'm okay."

"She was so in love with you, Santi. So please don't break her heart."

"I... I won't," sabi niyang nag-iinit ang mga mata. Posible nga ba? Bumalik sa kanya si Kara? His one great love? Mariin niyang kinagat ang kanyang dila habang sa isipan ay bumabalik ang mga engkuwentro nila ni Jessica. God... All the signs were all there, under his nose! Nasa ilalim na ng ilong niya pero hindi pa rin niya maamoy. Ang mga mata ng dalaga, ang boses, ang pagtibok ng puso niya, ang pamilyar na init ng katawan, ang tila magnet na paghatak nila sa isa't-isa. Oh, God. Pero kunsabagay nga, kahit napakaraming senyales, never in his wildest dreams na iisipin niya na nabuhay si Kara. Napakahirap lang talagang paniwalaan. Pero ngayon... ngayon...

Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Nakita niya si Kara sa kanyang balintataw. Nakangiti sa kanya, punong-puno ng pagmamahal ang mga mata. Kara... Mahal ko...

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon