"SIGURADO ka ba sa desisyon mo?" tanong ni Lucille kay Jessica habang iminumuwestra nito ang kabuuan ng condo unit na titirahan niya. Nakapagdesisyon na kasi siya na magsolo ng tirahan. Of course dahil iyon sa relasyon nila ni Santi. Lucille and Vernon gave her her bank account. Sa labis na pasasalamat daw ni Lucille sa perang napanalunan sa lotto ay nagtabi ito ng para sa kanya. Nang magtayo ng negosyo si Vernon, ipinasok daw ang pera niya doon. Kaya stockholder din siya sa company. "I mean, hindi pa bumabalik ang kumpletong alaala mo so..."
Umupo si Kara sa sofa. "Siguradong-sigurado, Luce. I want to do this. Gagawin ko ang lahat mapalapit lang kay Santi." Nalaman kasi niya na bakante ang katabing condo unit ni Santi kaya agad niyang ipinaasikaso sa secretary ni Vernon ang pagbili sa unit na iyon.
"Damn, friend, ibang-iba ka na talaga sa Jessica na nakilala ko." Tumabi ito sa kanya at tinapik nito ang kanyang tuhod. "Pero tulad nga ng payo ko, trust your instinct Jess."
Pagkaraan ng ilan pang minuto ay nagpaalam na sina Lucille. Tiningnan niya ang kanyang cell phone. Nadismaya nang hindi pa rin nagpaparamdam si Santi.
Tiis lang, Jess, absence makes the heart grow fonder daw. Kung gusto mo siyang mahumaling sa 'yo, magpa-miss ka. Hayaan mong siya ang komontak sa 'yo.
At iyon nga mismo ang ginagawa niya. Hindi siya nagparamdam dito maghapon kahapon. She ignored his calls. Nagtimpi talaga siya para hindi sagutin ang mga tawag nito. Ayon sa text message nito ay out of town umano ito. Sagutin umano niya ang tawag dahil gusto nitong marinig ang boses niya pero hindi niya ginawa.
Jessica shed her clothes. Naligo siya. Hanggang sa humalo sa lagaslas ng tubig ang tunog ng nag-iingay niyang telepono. She smiled wickedly. She stepped out of the shower. Kumuha siya ng roba at isinuot iyon. Ang buhok ay ibinalot niya sa tuwalya. Nawala ang pagri-ring pero agad din uli iyong tumunog. Lumapit siya sa kama, dinampot ang telepono na nasa ibabaw niyon.
"Santi..." aniyang may ngiti ng tagumpay sa labi. Dinala niya tainga ang telepono at tinanggap ang tawag. "Hi. Missed me?" aniya, sadyang pinalambing ang tinig. Kailangan niyang i-level up ang plano niya para lalong mahumaling sa kanya si Santi.
"Where the hell are you?" agad na banat nito, halata ang pagkairita. "Narito ako sa bahay ng kaibigan mo pero sabi ng isang katulong ay lumipat ka na daw ng tirahan? Dito na ako dumeretso pagkagaling ko sa probinsiya. And you're not even answering any of my calls!"
Napangiti siya. "Sinagot ko ang tawag mo ngayon."
Umungol ito. "Pinaglalaruan mo ba ako, Jessica? Where are you? Gusto kitang makita."
"Sabihin mo munang na-miss mo ako." Hindi ito tumugon. "Okay, fine. I've got to g—"
"Wait! Okay you win. I miss you."
Lumawak ang kanyang ngiti. "I miss you, too, Santi..."
"Where are you?" he asked in a very demanding tone. Sinabi niya tinitirahan. Naiimagine na niya ang pagkagulat sa mukha nito. "Stay put. Malapit na ako sa vicinity."
Ni hindi siya nakasagot dahil naputol na ang linya.
BINABASA MO ANG
One Love, One Soul (completed)
RomanceMula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namaya...