Part 43

3.4K 102 1
                                    


KATULAD ng nangyayari pagkatapos managinip ni Jessica, hindi na naman siya nakabalik pa sa pagtulog. Ni hindi niya namalayan ang tuluyang paglipas ng oras. Ang sunod niyang namalayan ay ang pagbukas ng pintuan at pagpasok ng personal nurse niya para sa kanyang sponge bath at iba pa.

"Ang ganda-ganda n'yo po talaga, Miss Franklin. Noong natutulog pa kayo, alam n'yo 'Sleeping Beauty' ang tawag sa inyo ng lahat," pagkukuwento ng nurse niya. Sinusuklay na nito ang buhok ni Jessica. Kahapon ang Speech and Vocal therapy niya, maya-maya ay ang Physical theraphy naman. Salitan sa araw ang schedule niya sa bawat theraphy.

"T-talaga?"

"Naku, opo. Lahat nga kami naghihintay kung sino ang Prince Charming na hahalik sa inyo nang sa gayon eh magising na kayo. Eh, kaso, Miss, sa loob ng anim na taon eh wala namang prince charming na dumadalaw sa inyo. Noong una, akala namin si Sir Vernon Valderama na ang prinsipe. Eh, kaso sila pala ni Ma'am Lucille ang magkakatuluyan."

Napangiti si Jessica. Ah, Lucille and Vernon. Naikuwento na rin sa kanya ng dalawa kung ano ang love story ng mga ito. Nang maaksidente umano siya ay palaging dumadalaw sa kanya si Vernon. Siyempre pa ay nagpapang-abot ang dalawa. Nag-aaway, nagbabangayan. Pero sa huli ay narealize na lang ni Vernon na umiibig na ito kay Lucille. Noong mga panahong iyon ay lihim na lihim pa ang perang napanalunan ni Lucille sa lotto. Vernon finally confessed his true feelings. Pero nang matuklasan umano ni Vernon ang tungkol sa pera ay lumayo ito, sa dahilang ayaw maakusahan na ang pera ni Lucille ang habol nito. Sa huli ay nagkaayos din ang dalawa at nagbunga agad ng isang supling na lalaki na pinangalanang Jordan. Nagtayo umano ng negosyo ang dalawa. And Vernon seemed to have the so-called Midas' Touch. Paano ay lumalago ang bawat negosyong pasukin nito. Sa katunayan, ayon kay Lucille ay buong-buo na umanong nabawi ang principal amount, o iyong perang napanalunan nito. Maayos na nakaimbak na umano iyon sa isang bangko.

"S-so, w-wala talagang ibang la...lalaki na d-dumadalaw sa akin?" she asked while thinking of that mysterious man in her dreams.

"Wala na po eh maliban sa mga doctor, kay Sir Vernon, at sa tatay ni Ma'am Lucille."

Nadidismayang tumango si Jessica. S-sino ka ba talaga? Ano kita?


One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon