Part 11

4.3K 103 0
                                    


TINITIGAN NI Jessica/Vaya ang noo ni Kara. She will read her thoughts. Gusto niyang malaman kung ano ang dahilan ng mga luha ni Kara. Gusto niyang malaman kung bakit ito miserable.

Bumigat ang dibdib niya sa nabasa. Kaya pala... kaya pala miserable si Kara.

"I...I'm d-dying," halos pabulong na sabi ni Kara sa basag na boses. Humagulhol na naman ito.

Jessica/Vaya took a deep breath. Iyon din mismo ang nabasa niyang impormasyon sa isip nito. This woman was so pure she can easily read even her deepest thoughts. At naaapektuhan siya. Bumibigat din ang dibdib niya na para bang ramdam rin niya ang bigat ng mundo na pasan-pasan ni Kara sa mga balikat.

Nabasa niya sa isipan nito ang lahat, lahat-lahat. Walang labis, walang kulang. Nalaman din niya kung kailan mamamaalam si Kara sa mundo. Coincidence lang ba na kung kailan siya uuwi sa Dehava ay saka mamamatay si Kara? Coincidence rin lang ba na si Kara ang una niyang makakaengkuwentro noong pumunta siya sa Earth? Coincidence lang ba na si Kara ang nasa tabi ni Jessica ng mamatay ito, at si Kara rin ang nasa tabi ni Vaya nang sapian niya ang katawan ni Jessica?

No. Vaya strongly believes that there was no such thing as coincidence. Everything was happening because it was meant to happen. At kapag imposible ang isang bagay, the Universe will conspire to make a plan happen.

Tinuyo niya ang luhaang mukha ni Kara. Ah, Kara, kung alam mo lang na nababasa ko ang lahat nang iniisip mo ngayon. Kung alam mo lang na minsan na tayong nagtagpo. Kung alam mo lang na hindi na si Jessica— na isang Tao ang hawak at inaalo mo noon kundi isang alien na.

Nang matuyo niya ang pisngi ni Kara ay agad ding nabasa iyon ng mga luha dahil walang tigil ang pagtulo niyon. Para bang sa sandaling ito ay walang karapatang matuyo ang mga pisngi ni Kara. Bakit hindi? Nadiskubre ni Kara na bilang na ang oras nito sa mundo. She was sick... and dying.

"P-pahiram ng... ng taynga mo, h-ha?" nanginginig ang labi na sabi ni Kara. Kapagkuwan ay dinala nito ang isang kamao sa tapat ng dibdib at marahang sumuntok doon. "P-parang... parang puputok na ang dibdib ko sa... s-sa nararamdaman ko ngayon."

Mariing kinagat ni Jessica/Vaya ang kanyang dila. Hindi niya napigilan ang panunubig ng mga mata niya. It was so heart-breaking. Alam ko, Kara, alam ko. I can feel it, too.

"Magkuwento ka. Makikinig ako," sabi niya kay Kara bago inabot ang kamao ni Kara na ipinangsusuntok nito sa dibdib para pigilan ito.

When she held Kara's hand, may pumitlag uli sa kalooban ni Jessica/Vaya. That hand... that warm, courageous, and trembling hand. Ganoong-ganoon ang init ng palad nito noon. It was so familiar. Kahit siguro nakapikit siya ay makikilala niya ang init ng palad ni Kara. It was as if it was already imprinted in her heart.

"S-sige, ha. A-aalis na ako. S-salamat sa p-pakikinig mo," sabi ni Kara pagkatapos magkuwento. Tumayo na ito at dali-daling umalis.

 "Magkikita pa tayo, Kara," siguradong sabi niya.

Tulad ng inaasahan niya, tumigil sa paghakbang paalis si Kara. Lumingon ito sa kanya, nasa luhaang mukha ang pagtataka. Namamaga na ang mga mata at ilong ni Kara sa kaiiyak.

"H-hindi ko naman sinabi sa 'yo kung sino ako, 'di ba?"

Ngumiti siya. Pinili niyang sumagot sa pamamagitan ng telepathy. Magkikita uli tayo, Kara, at sa muling pagkikita natin gagawa ka ng isang malaking desisyon.

Nanlaki ang mga mata ni Kara. Bumuka pa ang bibig nito bago dali-daling umalis.

"Prinsesa Vaya...?" sabi ng boses sa isip niya. Si Vrigo, ang kapatid niya.

"Siya ang batang iyon, Vrigo..." sagot niya. Tiningnan niya ang mga palad. "I can still feel the warmth of her shaking hand. I can still feel her courage. Hindi ko malilimutan ang naghahalong takot at tuwa sa mga mata niya noon."

"Oo, nakikilala ko rin siya."

"She will die."

"I know."


One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon