HINDI MAN tingnan ang sarili sa salamin, alam ni Santi na nakasungaw ang pagmamahal sa mga mata niya. Pagmamahal para kay Kara. He knew it was radiating all over him. Kasalukuyan itong kausap ng mommy niya. Kapag ganoong umuuwi sila ng probinsiya ay unang mararating ang Hacienda de Angelo. Dumadaan sila doon. Kapag nasa mansiyon ang mga magulang niya ay saglit na makikipag-usap muna si Kara sa mga ito habang nagmemeryenda. Oh, his parents adore her. Kapamilya na rin naman ang turing sa kanya ng papa ni Kara.
Kara was naturally gorgeous. Kapag may okasyon lang ito nagsusuot ng make up pero ganoon pa man pansinin ang natural nitong ganda. Alon-alon ang maitim at malambot na buhok nito. Ah, gustong-gusto niyang isuklay ang mga daliri niya sa buhok ng dalaga at amuyin ang bango. Very feminine ang facial features ni Kara. She has full, luscious lips. Her button nose was perfect. Bilugan ang kulay brown na mga mata, binagayan iyon ng mahahaba at malalantik na pilik. Maganda ang hubog ng kilay. She was tall, and has a curvaceous body to flaunt. Kapag nasa tabi niya ang dalaga ay hindi matatawarang pride ang nararamdaman niya.
That woman was his, forever and ever.
Nagulat pa si Santi nang iharang ng daddy niya ang ulo nito, blocking his view of Kara. Nakangisi ang daddy niya. He came from behind. Ni hindi niya namalayan ang paglapit nito. "Aba'y parang matagal mong na-miss si Kara kung makatingin ka ah. Kailan ba kayo huling nagkita, ha?" tudyo nito sabay tapik sa balikat niya.
Napakamot ng ulo si Santi. Hindi sa pagmamayabang pero aware naman siya na marami ang sumusubok na makuha ang atensiyon niya. But he had only eyes for Kara. Kahit sa murang edad, kahit wala pang muwang kung ano ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay espesyal na ang nararamdaman niya kay Kara. She was lodging in his heart ever since he could remember. Wala siyang ibang gusto kundi si Kara. Wala siyang ibang gustong makita at makasama kundi ang dalaga. It was always Kara, Kara, Kara... He was loving her all his life, and loving her more each day. Hindi na niya mabilang ang mga pagkakataon na pinapangarap niya ang sandaling naroon siya sa harap ng altar at hinihintay si Kara. She'll be dressed in white, immaculately. Tutugtugin ang paborito nilang kanta habang magkaugnay ang mga mata nila at naglalakad ito sa aisle.
"Mana lang ako sa 'yo, dad. Why, you're always looking so mushy at mom."
"Kuh. Ibinalik pa sa akin," natatawang sabi nito. "Tingnan mo ang mommy mo, ayaw na ring pakawalan si Kara," anito.
"See? Kanino pa ba ako magmamana kundi sa inyong dalawa," he said, chuckling. Ang mommy niya at mama ni Kara ang talagang magkaibigan. Nang maulila sa ina si Kara ay naging pangalawang ina na rin nito ang mommy niya. Kung hindi si Kara ang nasa hasyenda ay siya ang dumadayo sa bahay ng mga ito. Ang pinakamatagal na paghihiwalay nila ni Kara ay kapag bumibisita sila sa mga kamag-anak nila sa US. Though, magkahiwalay man, ilang beses naman sa isang araw kung magtawagan sila. Kara was his world. She was the center of his universe.
"I'm loving her more intensely each day, dad," usal niya habang nakatingin sa dalaga. Oh, hindi siya nahihiyang makipag-usap sa ama ng tungkol sa nararamdaman niya dahil bata pa lang ay bukas na siya sa mga ito. "Like... lahat ng senses ko ay parang nakaprograma para lang kay Kara." Bawat minuto gusto niya itong nakikita, naririnig, nadarama, at nahahalikan. Gusto niyang laging taglay ng hanging nilalanghap niya ang amoy nito. God, he loves her too much. Hindi niya ma-imagine ang bukas na wala si Kara. Lahat ng pangarap na binuo niya, laging nandoon si Kara.
"Hinay-hinay lang. Alam mong lahat ng sobra ay masama," anito.
"I know. Yet, I can't help it. Hindi po ba, marami ang nagsabi na kapag lumawak ang mundo namin ni Kara ay magbabago na ang nararamdaman namin sa isa't-isa? Sabi nila ay ma-a-outgrow daw namin ang nararamdaman namin. They said we'll grow apart. Magkakaroon daw kami ng kanya-kanyang buhay at tatahak ng magkaibang landas. But we proved them wrong. We're getting stronger each day instead." Lumawak ang mundo nila; marami silang nakilala, maraming lugar na narating. Pero nananatiling pag-aari ng bawat isa ang mga puso nila. Bukod sa common friends ay may kanya-kanya rin naman silang circle of friends, pero at the end of the day ay ang isa't-isa pa rin ang hinahanap. Sumasama siya sa mga gimik at boys night out ng barkada pero ni minsan ay hindi siya nag-cheat kay Kara kahit haos maghubad na sa harap niya ang babae. He only wants her.
"Masuwerte kayo at maaga ninyong natagpuan ang isa't-isa."
He couldn't agree more.
BINABASA MO ANG
One Love, One Soul (completed)
RomanceMula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namaya...