KARA COULDN'T believe it. Hindi pumayag si Santi na hindi agad siya bumalik sa Maynila. At naiinis siya dahil hindi marami pa sana siyang balak puntahan sa San Ildefonso.
Nagmamartsa na dumeretso siya sa condo unit niya. Binuksan niya iyon. Nakasunod sa kanya si Santi. Pumasok din ito. Nagdadabog na ibinaba niya ang bag niya bago humalukipkip.
"Huwag ka na uling babalik sa San Ildefonso, nagkakaintindihan ba tayo?"
Binalingan niya ito. She wrinkled her nose at him. "Don't talk to me. Hindi kita iimikan ng isang linggo!"
Natigilan si Santi. At na-realize niya kung bakit. Her last line was Kara's line. Nawala ang inis niya. Napalitan ng lungkot. Tinalikuran niya ito bago pinakawalan ang malungkot na ngiti. Tears stung her eyes. Kailan niya masasabi sa asawa na siya si Kara? Tamang oras kaya ang sandaling ito?
"In-stalk mo talaga si Kara, ano?" May pag-aakusa ang boses ni Santi. "Pinag-aralan mo ang mga mannerism niya, mga bagay na ginagawa, mga sinasabi. The way you dress, the way you smile, the way you flip your hair, the way you look at me... Of course, that was the most effective way to get my attention."
Nakagat niya ang labi. Sumakitp ang lalamunan niya at sumikip ang dibdib. I'm Kara, I'm Kara... paulit-ulit na sabi niya sa isipan. She bit her trembling lips.
"Well I'm sorry," mahinang sabi ni Santi. "Even if you tried so hard. Kahit kopyahin mo siya sa maraming bagay, hindi mo pa rin mapapalitan si Kara dito sa puso ko."
Tears run down her cheeks. I'm Kara, I'm Kara...
BINABASA MO ANG
One Love, One Soul (completed)
RomanceMula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namaya...