Part 40

3.7K 89 1
                                    


Six years later

The Medical City

BINUKSAN ng babaeng ilang taon nang nakaratay sa isang hospital bed ang mga mata nito. Malabo, maulap, walang makita na anuman ang babae.

"Oh, God! Gising na siya. Gising na siya, Vernon," narinig niya na sabi ng isang babae. Umiiyak ito. "Jess...? Jessica?" Sabi uli nito. Kasabay niyon ang mahigpit na paghawak sa palad niya.

Ipinikit niya ang mga mata, pagkatapos ay iminulat uli. She blinked, hoping she could see something. Isa, dalawa...unti-unting nagkakaroon ng imahen ang maulap niyang paningin. Hanggang sa tuluyang luminaw iyon at makita niya ang isang babaeng may luha ang mga mata. Sa likod ng babae ay naroon ang isang lalaki.

Sino ang mga ito? Nasaan siya? Sinubukan niya na ibuka ang kanyang labi para magtanong pero walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig. Tanging mga ungol ang lumalabas roon. She felt panicky. Sinubukan niyang igalaw ang mga kamay niya pero nahihirapan siya.

"Jess, it's all right. It's all right. Darating ang mga doctor at aasikasuhin ka nila, ha? Gagamutin ka nila. You'll be all right, Jessica," anang babae sa nagpapakalmang tinig. "God! Thank God you're back."

Jess? Jessica? Sinong Jess? Sino ka? Ano ang nangyayari? Bakit hindi ako makapagsalita? Bakit hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko? Gusto niyang itanong rito. Ah, hindi lang iyon ang mga tanong na gusto niyang magkaroon ng kasagutan. Pakiramdam niya isang bakanteng tangke ang ulo niya. Wala iyong laman.

Walang laman?!

Oh, my God! A realization hit her. Isang bakanteng tangke ang ulo niya dahil wala siyang maalala. Wala ni katiting na memorya.

She cried in desperation. Ang babae ang dumalo sa kanya. Pilit siya nitong pinapayapa. "J-Jess, it's okay. Vernon, bakit wala pa ang mga doctor?"

Siyang pagdating ng mga humahangos na doctor. Pero hindi siya kumalma. Jess, Jessica, iyon ang itinatawag sa kanya ng babae. Ibig sabihin ay iyon ang pangalan niya? Wala siyang maalala. Wala kahit ano. At hindi siya makapagsalita, hindi niya mahagilap ang boses niya.

Isa pa ay... ay para siyang paralyze. Hindi niya maigalaw ang mga kamay at mga binti. She couldn't move anything. Ni hindi siya makapagsalita! Sino ang hindi magpa-panic sa ganoong sitwasyon? Patuloy siyang umuungol. Nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luha. Nagpa-panic siya. What the hell was happening?

"Miss Franklin take it easy," sabi ng isang doctor. "Alam namin na marami kang tanong at narito kami para sagutin ang mga iyon. Pero kumalma ka. Hindi makakatulong sa kondisyon mo ang depresyon."

Pero hindi niya magawang kumalma. Sino ba ang kakalma sa kondisyong iyon?

Hanggang sa mapilitan ang mga doctor na turukan siya ng kung ano. Tranquilizer, maybe.


One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon