Pumalit sa tabi ni Kara ang kanyang ama.
Huminga siya nang malalim. But damn, pakiramdam niya ay nakaabang na sa mga mata niya ang luha at kaunting kanti lang ay walang babalang aagos iyon mula sa kanyang mga mata. Nagsimula nang pumailanlang ang isang malamyos na musika.
"H-handa ka na, anak?" masuyong tanong ng kanyang papa, mamasa-masa ang mga mata nito. Her own emotion surged because of that. Hell, lahat yata ng tao roon ay emosyonal. Lahat ay nangingilid ang luha sa mga mata.
"H-handa na, Papa." Ikinawit niya sa bisig ng ama ang isa niyang braso.
Sa unang hakbang, hinanap na ng mga niya si Santi. Nanginig ang kanyang labi. Nanlabo ang kanyang mga mata. Ang mga luha niya ay gusto ng kumawala. She bit her tongue, trying to contain her emotion.
As expected, Santi was a dashing groom. Katulad ng madalas niyang imagine-in. Kumikinang ang mga mata nito sa pagmamahal para sa kanya. Tanging sa kanya lamang. They were soulmate. He was the one for her. And she was the one for him. But then, but then... "H-hindi lahat ng fairy tales ay... ay nagtatapos sa happily ever after..." nausal niya, nanginginig ang labi. Hindi na niya napigilan ang mga luha niya at nag-unahan iyon sa pagpatak.
"A-anak, minsan h-hindi mahalaga ang katapusan ng kwento. Minsan..." Lumunok ang kanyang papa. "M-minsan mas mahalaga pa rin kung... k-kung paano ka nabuhay sa loob ng kwentong iyon. K-kung paano isinulat ang kwentong iyon. Hindi mahalaga kung narating mo man ang tuktok ng pinakamataas na bundok, ang mahalaga ay kung paano mo iyon inakyat. H-hindi mahalaga k-kung nasisid mo man ang pusod ng pinakamalalim na dagat. A-ang mahalaga ay kung papaano ka l-lumangoy at l-lumaban sa agos ng tubig. Ang naging paglalakbay lagi ang mahalaga, Kara. Naiintindihan mo ba?" anang kanyang ama na naging dahilan para lalong magkumawala ang mga luha niya. He was speaking based on experience kaya tagus na tagos iyon sa puso ni Kara.
Tumango siya. Tama ang kanyang ama. Dapat na mabuhay siya sa kasalukuyan at lasapin ang bawat sandali niyon. Simula ngayon, blessings na lang ang bibilangin niya at hindi na ang mga disappointments na hatid ng buhay. May magulang siya na nagmamahal sa kanya, may mga kaibigan siya na laging nariyan para sa kanya. Higit sa lahat, may isang Santi siya. Isang lalaking nagmamahal sa kanya ng buo. He was a gift. She knew he was a gift from up above.
"I love you," Santi mouthed at her.
"I love you, too," balik niya. Naiiyak siya sa damdaming nakapaloob sa mga mata ng binata. Gusto niyang bumulalas ng iyak sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Tinitingnan siya nito nang buong pagmamahal. Nag-uumapaw iyon, na para bang siya lang ang mahalaga para rito. Ang paglalakad sa aisle ang paborito niyang parte ng kasalan. Partikular iyong pag-uugnay ng mga mata ng dalawang pusong nagmamahalan habang dahan-dahang sinasakop ang distansiya sa pagitan ng bawat isa. For her, that was the best statement of what love is. Sa mga mata nila, doon makikita ang wagas na pag-ibig na laan para sa isat isa.
Ilang hakbang pa at tuluyang nakalapit na siya binata. Magkahawak-kamay, may ngiti sa labi, may luha sa mga mata, at puno ng pagmamahal na humarap sila sa dambana ng Diyos. Sa buong durasyon ng kasal ay hindi binitiwan ni Santi ang palad niya habang madalas ay titingnan siya nito at nginingitian. Sa bawat ngiti nito ay lalong lumiliwanag ang mundo niya.
"In sickness and in health, for richer and for poorer...'till death do us part." Sabay nilang wika bilang pangako sa katapatan at kawagasan ng pag-ibig para sa isat isa.
Napaka-solemn ng ceremony. It was very moving. Very touching. Hindi lamang sila ni Santi ang may luha sa mga mata kundi ang lahat ng naroon.
Ilang sandali pa at tuluyang nabigkis ang mga puso nila sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
One Love, One Soul (completed)
RomanceMula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namaya...