Part 84

2.2K 62 0
                                    


"JESS... JESS..." anang boses ni Lucille kasabay ng mahinang yugyog sa braso niya.

Kara opened her eyes. Blangko ang isipan niya kaya pilit niyang inaalala ang nangyari.

"Ginising na kita kasi parang balisa ka. Maybe you're dreaming. You're calling his name. Kumusta ang pakiramdam mo?"

Ah, yeah, right. Gumising na siya kanina. Pero nag-panic siya nang maalala ang aksidente. She thought she lose Santi. Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag ng sabihin ni Lucille na comatose pa rin si Santi. Para sa kanya, mas okay na iyon kesa malamang wala na ang lalaking pinakamamahal. Pagkatapos ay hindi niya napaglabanan ng bigla na lang siyang hilahin ng antok. Bumigat ang talukap ng mga mata niya na kahit anong gawin niya ay hindi niya mapaglabanan.

"S-si Santi... please I need to see him." Pakiusap niya kay Lucille. "Please let me see him..." Sabi nito kanina ay sa hospital ding iyon naka-confine si Santi. Hindi siya mapalagay. Hindi siya matatahimik hangga't hindi nakikita ng mga mata niya ang asawa. Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nalalamang okay ito.

"Okay. Hmm. I'll see what I can do," ani Lucille. "Wait. I think kailangan muna akong tumawag ng doctor para matingnan ka."

Determinadong umiling siya. "That can wait. I'm fine, I promise. Please, Luce, I need to see him..."

Nakakaunawang tumango si Lucille. "Okay. Okay. Here. I'll call you kapag nasa room na ako ni Santi." Ibinigay nito sa kanya ang isang cell phone.

"Thank you."

"No worries," anito bago lumabas.

Kara closed her eyes. Comatose si Santi pero sana... sana ay wala itong tinamong ano mang pinsala. Sana hindi ito tulad ng ibang comatose na naka-life support. At sana isang araw ay gigising din ito tulad niya. Ah, parang sasabog ang dibdib niya sa lakas ng tibok ng puso niya habang naghihintay ng tawag ni Lucille.

Tumunog ang cell phone. Ganoon na lang ang pag-alon ng sikmura ni Kara. It was a video call. Nanginginig ang kamay na tinanggap niya ang tawag.

"K-Kara... Kara, mahal ko."

Natutop ni Kara ang bibig. It was Santi! Gising na ito. He was crying. Ganoon na lang ang paglukob ng relief sa katawan niya. "S-Santi..." umiiyak niyang tawag.

"A-are you okay?"

"I—I'm... I'm okay. I'm more than okay." Hindi niya napigilan ang paghikbi. "Ikaw? Tell me you're okay?"

"I'm okay. And I'm loving you with all my heart."

Hot tears run down her cheeks. "I know, I know. At mahal din kita. Mahal na mahal. God, hindi ito panaginip lang, hindi ba? B-buhay tayo?"

Santi nodded. Hindi niya alam kung may kasama ito sa hospital suite pero mukhang wala itong pakialam kung may kasama o wala, why, he was crying and sobbing. Oh, maybe he was alone because he was calling her 'Kara.'

"I... I d-don't know kung panaginip lang ang lahat. B-but our soul... Our soul met, Kara."

Impit na humikbi siya. "It's not a dream. Nangyari talaga iyon, Santi." Naalala niya ang nangyari. Sila ni Santi— ang mga kaluluwa nila ay nasa isang lugar na puro bulaklak. He could see the real Kara. Naglaro sila doon. They walked down memory lane and reminisced everything. Tumawa sila. Umiyak. Pagkatapos, ipinaliwanag niya kung papaanong nangyari na nabubuhay siya sa katawan ni Jessica. "O kung panaginip man iyon, it was a shared dream. Panaginip na pinagsaluhan nating dalawa."

"I can recall everything. Naalala ko ang paliwanag mo kung papaano ka nakabalik sa akin. That Walk-In thing, aliens, and soul switching thing. It felt so surreal. It felt so magical..."

Kahit tumutulo ang luha ay pareho silang nakangiti ni Santi. "We're meant to be happy in this lifetime, Santi. The universe wants us to be happy."

"I told my parents that I love you. You as Jessica," pagbabalita nito.

"R-really? At ano ang sabi nila?"

"Oh, knowing them, alam kung naghahati ang kalooban nila. Part of them was still loyal to you— as Kara. Part of them was rejoicing because, you know, I'm inlove again."

Natawa siya. Kapagkuwa'y tinitigan niya ang screen. "I love you. Paghiwalayin man tayo ng tadhana, we'll always find a way back to each other's arms."

"Malito man ang mga mata ko, lagi kang makikilala ng puso ko, Kara. I'll only love you. In any dimension. In any version of reality."

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon