"KAHIT ANONG paglaban sa sakit ang gawin ko, my body was failing..." garalgal ang boses ni Jessica. Pinapakinggan ni Santi ang lahat ng voice messages nito. Galit na galit pa rin siya noong una pero unti-unti ay natatagpuan niya ang sarili na naniniwala rito.
"I died in your arms, Santi." Santi ground his teeth. Siya ay luhaan at nalilito. Papaanong naging posible na alam nito ang lahat? Lahat-lahat. Bawat detalye, bawat importanteng pangyayari. Wala siyang makitang loophole. Her stories were all so precise. It was so accurate and detailed like it was coming from a person who has firsthand information. Jessica knew all the damn secrets! Okay, sinabi nito na in-stalk sila nito. May mga bagay na madali lang nitong malalaman. Pero papaanong nangyari na pati ang mga sekretong sila lang ni Kara ang nakakaalam ay alam din nito? And hell, maging ang intimate moments nila ng kanyang asawa? Ang mga nangyari sa rest house, maging sa apat na sulok ng kanilang silid?
God, kinikilabutan si Santi.
Jessica is Kara? That was fucking impossible. His wife died in his arms! Bakit hindi lang tanggapin ni Jessica ang alok niyang pagsisimula uli?
Naisabunot ni Santi ang mga palad sa kanyang buhok.
"Kung gusto mong malaman kung papaano nangyari na nabubuhay ako ngayon bilang Jessica Franklin, alam mo kung saan mo ako maaaring makita. Nakikiusap lang ako, Santi, ipikit mo ang mga mata mo at ang puso mo ang pakinggan mo. Ako lamang ang mamahalin mo pero ginugulo ni Jessica ang sistema mo. May nararamdaman ka sa kanya. That was because I am her. Iisa kami."
For some reason he already know where to find her.
Tumunog ang door bell. He'll just ignore it. Pero sa kung anong dahilan ay natagpuan niya ang sarili na binubuksan ang pinto. "Books delivery for Mister Santino de Angelo," anang lalaking napagbuksan niya. Nakita niya ang pagtataka nito sa ayos niya. Yeah, he looks like a mess. Baka nga may luha pa ang mga mata niya. "From Miss Vaya."
Books? Miss Vaya who? Imbes na magtanong ay pinirmahan niya ang resibo, tinanggap ang package at isinara ang pinto. Iniitsa niya sa mesita ang package bago pasalampak na naupo sa muli sa sofa. God, what to do?
Napatingin siya sa package, parang hinihila niyon ang kanyang atensiyon. Until he couldn't ignore it anymore. Kinuha niya ang package at binuksan. Mga libro nga iyon. Strangers Among Us, ang titulo ng nasa ibabaw. Meeting Familiar People, The Friendly Aliens, iyon ang title ng dalawa pang libro.
Curious, he skimmed the content of one of the books, looking for the important details. Habang lumalalim ay kinikilabutan si Santi. "Oh, my God," bulalas niya panay ang pandalas na pagbasa sa mga page. Nang matapos ang isang libro ay ang isa naman ang isinunod niya. At ang isa pa. At iba pa. "Oh, God. Oh, God..." nanlalaki ang mga mata at kinikilabutang bulalas niya. All the books tackled about soul switching, Walk-Ins, and aliens who might be living among humans.
Nanuyo ang kanyang lalamunan. Soul switching. Walk-Ins. Kaluluwang nakikipagpalit ng katawan. Nagmamadali na hinagilap ni Santi ang kanyang cell phone. Idinayal niya ang numero ni Lucille.
"I told you hindi ko alam kung nasaan si Jess. Nagpaalam lang siya na mag-a-out of town," agad na sabi nito.
"Lucille can we talk? Please?"
"S-sure."
![](https://img.wattpad.com/cover/124628881-288-k278771.jpg)
BINABASA MO ANG
One Love, One Soul (completed)
RomanceMula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namaya...