"I'M SORRY. Hindi ko sinasadyang napasok ang room mo. I mean no harm," ani Santi— her husband. Ang lalaking dahilan kung bakit tinanggap ni Kara ang alok ni Vaya. Ah, hindi nga niya kinaya ang pagbabalik ng alaala kaya nahimatay siya. Sino ba naman ang hindi hihimatayin sa nangyari sa kanya?
Imagine, namatay na siya pero p'wede palang gamitin ng kaluluwa niya ang ibang katawan. And Vaya... the alien— really? Alien... soul switching... Shit. Ano ba ito panaginip lang? Produkto lamang ng imahinasyon niya? Pero hindi eh, kahit anong isip ang gawin niya nangyari talaga ang lahat. Ah! Tunay na maraming hiwaga sa mundong ito. Mga hiwagang mahirap paniwalaan hangga't hindi nakikita mismo o nararanasan.
Six years! Six years had passed since her 'death'. Looking at Santi now... nag-mature ito. Authority was all over him. Siguro ay dahil sa kaarogantihan ng mukha. At hindi nakaligtas sa kanya ang malungkot na mga mata nito. Punong-puno iyon ng pangungulila. Walang kislap ang mga mata nito, walang buhay. Wala na ang bakas ng dating Santi na masayahin at mapagbiro.
At kanina, kanina tinawag siya nitong 'Kara'...
Napaiyak lalo si Kara. Tinawag siya nitong Kara dahil, subconsciously, alam ng sistema ni Santi na siya si Kara. Alam nito na siya ang babaeng nagmamay-ari ng puso nito. Maybe his heart told him so. Maybe his soul told him so.
God! How she miss him. Gustong-gusto niya itong yakapin. Gustong-gusto niyang sabihin na siya si Kara. Na may pagkakataon na sila para ituloy ang pagmamahalang namagitan sa kanila mga bata pa lang sila. May pagkakataon na sila para tuparin ang mga pangarap na binuo nila.
Lumapit sa kanya si Santi. Iniabot sa kanya ang isang panyo. "Can I go now?" kunot ang noo na tanong nito. Kunot man ang noo at tiim ang labi, sumusungaw din ang pagkalito sa mga mata nito.
Lumunok siya. Sinubukang pigilan ang emosyon. Nasa harapan niya ang asawa pero parang napakalayo nito at hindi niya maabot. Paano ba niya sasabihin na siya si Kara? Paano niya ipaliliwanag? Dahil siguradong marami ang magtataas ng kilay. They won't believe her... maliban na lang siguro sa puso ni Santi.
Lumunok siya. She tried to swallow the invisible big lump in her throat that was making her breathing difficult. "T-tinawag mo akong... K-Kara," aniya. "Bakit?" Hindi siya kumurap dahil gusto niyang makita ang magiging reaksiyon ni Santi. There, naging malikot ang mga mata nito.
Ah, patuloy na nagwawala ang puso niya. Ganoon din siguro ang nararamdaman ni Santi. Na kung nakakapagsalita lang ang puso nito ay kanina pa nito ipinagsigawan na siya si Kara. Maybe Santi was confused now. Oh, he is. Patunay ang mga mata nito. At kilala niya ito kaya alam niya ang bawat kahulugan ng mumunting kilos nito.
Hello! :) Leave a comment. Let's talk. :)
BINABASA MO ANG
One Love, One Soul (completed)
Lãng mạnMula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namaya...