HINDI NAPIGILAN ni Kara ang hagikhik nang pumasok sa isipan niya ang isang alaala. Alas dos pa lang ng hapon pero makulimlim na ang panahon. May low pressure area daw kasi. Nagbaba-bike sila. Oh, well si Santi ang nagpi-pedal. Siya ay patayong nakaangkas sa may likuran nito. Nakasampay lang ang mga barso niya sa magkabilang balikat nito. Papunta sila noon sa resthouse ng mga ito, sa dulo ng Hasyenda de Angelo. It was so beautiful there. She was in love with the place.
"At ang dahilan ng hagikhik na iyan ay...?"
Dumikit siya rito at iniyakap ang mga braso. Bahagya siyang dumukwang para maipatong ang ulo sa balikat nito. "Naalala mo 'yung pagkakataon noong mga bata pa tayo na nagkaroon ng kuto ang buhok ko?" masigla niyang tanong. Pagkatapos ng nasaksihan niya kay Santi kahapon, ipinangako niyang magiging matatag na siya sa harap ng binata. Kapag malungkot siya, malungkot din si Santi. Kaya pipilitin niyang maging masaya para laging may ngiti din sa labi nito.
Santi chuckled. "You freaked out then. Wala kang tigil sa pag-iyak. Ililipad ka kamo ng kuto at dadalhin sa kawayanan. Pagkatapos, 'pag nandon ka na 'kamo sa kawayanan, papasok na sa mga mata mo ang kuto at kakainin ang utak mo. Kaya kinulit mo ako nang kinulit na tanggalin ang kuto mo."
"Hinanapan mo nga ng kuto ang ulo ko, hanggang sa makatulog na ako. Natulog ka rin pala. Hanggang sa pareho tayong magising sa malalakas na pagtawag sa mga pangalan natin. Apparently, may search team na pala na naghahanap sa atin. Gabi na kasi."
"Grabeng sermon ang inabot ko kay daddy," tumatawang sabi ni Santi.
"Pinagalitan din ako ni Papa," aniya. Ipinikit niya ang mga mata at dinama ang paligid. Halos magkasama sila sa buong buhay nila. Nineteen years... Bawat araw ay may kaakibat na alaala. Hindi niya— natigilan siya sa pag-iisip nang maramdaman ang patak ng ulan sa balat niya.
"Malapit na— Jeez, umuulan. At malalaki ang patak," anang binata bago dinala ang bike sa isang mayabong na puno para makasilong sila. Bumaba siya. In-stand ng binata ang bike bago bumaba din. Tumabi ito sa kanya. "Bahagi ng kabataan natin ang ulan. Tuwang-tuwa tayo kapag umuulan. Naliligo tayo at naglalaro sa ilalim ng ulan. We— Kara!" pagtawag nito nang tumakbo siya palabas ng lilim ng puno.
She grinned. "Come on. Bata pa rin naman tayo."
Santi smiled, and sighed in surrender. Kapagkuwa'y pumailalim na din ito sa ulan.
BINABASA MO ANG
One Love, One Soul (completed)
RomanceMula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namaya...