"What's her name?" impatient na tanong ni Santi.
"Jessica Franklin."
Natigilan si Santi. Kumabog ang kanyang dibdib. He straightened his back. Bigla ay nawala sa isip niya ang tungkol sa binabasa. Funny, pero parang biglang sumigla ang pakiramdam niya.
"Ano daw ang sadya niya?"
"Hindi sinabi, Boss."
Santi subtly groaned. Bakit ganoon, bakit parang kating-kati ang mga paa niya na lumabas ng opisina at puntahan si Jessica? Why his heart was beating like that again? Why?
Lihim na nagbilang si Santi sa isipan. Kapag umabot sa lima ang pagbibilang niya ay hindi niya haharapin ang babae. One. Two. Thr— "Send her in," agad na sabi niya. Ni hindi nakarating sa tatlo ang pagbibilang. He couldn't help it. Gusto niyang makita si Jessica. Gusto niyang malaman kung ano ang sadya nito sa kanya.
"Yes, Sir." Lumabas ito. His fingers were thumping on the table. Hindi malaman ang gagawin na muling itinuon ni Santi ang paningin sa nakabukas na papeles sa harap niya kahit wala na doon ang atensiyon. Muntikan pa niyang mahugot ang hininga nang marinig ang muling pagbukas ng pinto.
Oh, heart, why are you beating like that?
Narinig niyang tumikhim ang babae. Parang biglang nanuyo ang lalamunan ni Santi. Ano ba ang meron sa babaeng ito at binibigyan siya ng kakaibang pakiramdam? He calmed himself. Nag-angat siya ng ulo. There, nakita niya si Jessica. And he didn't know what to do 'cause he can't take his eyes off her.
Ngumiti si Jessica. "Thank you for seeing me, Mister Santi de Angelo."
Oh, God! Ka-boses nga talaga niya si Kara! Hinamig niya ang sarili, pilit pinanatili ang kapormalan.
Tumayo siya. "Please have a seat." Iminuwestra niya ang upuan sa harap ng kanyang desk. Nang maupo si Jessica, umupo na rin uli siya.
Ngayong malapit na ito sa kanya, napansin ni Santi na katulad ng kay Kara ang hugis ng mukha ni Jessica. She has kissable lips, all right. She had long, black hair.Matangos din ang ilong at ang mga mata nito ay... yeah, Jessica's eyes were like Kara's. Pakiramdam niya ay tinitingnan niya ang mga mata ng asawa.
"Can I offer you coffee, or some cold drinks?" aniya.
Umiling ito. "N-no. I'm good. Thanks anyway." Kung siya ay gustong titigan si Jessica, ganoon din siguro ang gusto ng babae. She was looking at him. Staring, in fact. May nababasa siyang longing sa mga mata nito. Parang marami itong gustong sabihin pero hindi alam kung saan magsisimula.
"You're staring, woman," aniya. Hindi siya nakatiis. Dahil... well, honestly her stare was making him hot. And hard.
Lihim siyang napangiti nang agad nag-iwas ng paningin si Jessica. Her cheeks flushed. They're beautiful. Beautiful. Ah, alam pa pala niyang ipantukoy iyon sa ibang babae.
Pagkatapos ay iniipit ni Jessica ang ilang hibla ng buhok sa likod ng taynga. There, muntikan na siyang mapasinghap. Why, ganoong-ganoon din kung paano hawiin ni Kara ang buhok nito at iipit sa likod ng taynga.
"Katulad ng sabi ng secretary ko, busy ako. So, kung maaari, sabihin mo na ang sadya mo," kunwa ay malamig niyang sabi. But no, parang ayaw niyang alisin agad ito sa kanyang paningin. He wanted to see more of her eyes. He wanted to hear more of her voice... Dahil aminin niya, para bang napupunan kahit papaano ang pangungulila niya kay Kara. Parang gumagaan ang pakiramdam niya. Sumasaya siya. Parang... parang kasama uli niya ang asawa. Gusto nga niya itong yakapin para madama uli ang pamilyar na init ng katawan ng asawa.
Baliw ka na, Santi, sabi ng isang bahagi ng kanyang isipan.
Wala sa loob na sinalat niya ang suot na wedding ring. He's missing his wife so much. Six years, kailanman ay hindi niya ito nalimutan. Kailanman ay hindi niya hinubad sa daliri niya ang singsing na tanda ng pag-ibig at commitment niya kay Kara.
"W-wala naman talaga akong sadya sa 'yo," anito.
He raised an eyebrow.
Lumunok si Jessica.
"G-gusto lang talaga kitang makita," dugtong nito na ikinasinghap niya.
BINABASA MO ANG
One Love, One Soul (completed)
RomanceMula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namaya...