Part 60

1.6K 58 0
                                    


"DAMN!" mahinang pagmumura ni Santi nang mapansin niyang lumalalim na ang gabi. Lumalalim na ang gabi pero hayon at ni hindi siya dalawin ng antok. Iyon ay dahil ukupado na naman ang isipan niya ng babaeng iyon sa hospital. Ni Jessica. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagba-buckle ang pagsingit sa isip niya ng mukha nito. Kahit hindi siya nakapikit ay lumilitaw sa balintataw niya ang hitsura nito.

Oh, for Christ sake! It had been two weeks since he saw her at walang araw o gabi na hindi niya ito naiisip. He wanted to see her again. Sa totoo lang ay patindi nang patindi ang urge na makita ito sa bawat pagdaan ng araw. May mga araw na nagugulat na lang siya na tinutumbok na pala niya daan papunta sa hospital.

Did Jessica cast a spell on him?

Malakas na napabuga siya ng hangin. Bumaba siya ng kama. He eased all of his clothes while walking towards the shower room. Pinihit niya ang shower knob. Agad namang nalaglag ang malamig na butil ng mga tubig. Maybe the coldness of the water could clear his mind.




"UHM, SIR...?"

"Yes?" tanong ni Santi sa secretary. Ni hindi siya nag-abalang mag-angat ng mukha para tingnan ito. Busy siya sa pagbabasa ng quarterly company reports.

"I am sorry to interrupt you but there's this certain lady na gusto kayong makausap. Pero wala siyang appointment. I told her you're busy but she's persistent on seeing you and—"

"What's her name?" impatient niyang tanong.

"Jessica Franklin."

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon