Part 2

7.4K 159 3
                                    


Present day

PANDALAS SI Kara sa pagbabasa ng libro. Nasa isang hallway siya, malapit sa classroom ng first subject niya sa araw na iyon. Nakaupo siya sa sahig. Her bag was on the floor. Ang libro ay hawak-hawak. Tiningnan niya ang suot na wristwatch. May fifteen minutes pa siya bago magsimula ang klase. Kaya pa, makakapag-review pa siya.

Mula sa pagbabasa ng libro at tahimik na pagme-memorize ng mga keywords, nakita niya sa gilid ng mga mata ang isang papalapit na bulto ng katawan ng isang lalaki. Hindi na kailangang mag-angat ng paningin si Kara para tingnan kung sino ang papalapit. She knew it was no other than Santino de Angelo. Sinabi ng puso niya.

"Hindi ka nag-aral kagabi, ano?" anito. May bahid ng panenermon ang boses. Napangiwi si Kara dahil guilty siya. At kahit mag-deny, hindi siya paniniwalaan ng binata.

Nag-angat ng ulo si Kara. She smiled sheepishly. May hawak na mansanas si Santi na ibinabato-bato nito sa ere at sinasambot.

Naupo ang binata sa may harapan ni Kara, sumandal sa dingding. Nakaunat ang isang binti nito, ang isa ay nakatiklop patayo. Kinagat nito ang dalang mansanas habang iiling-iling. "Hulaan ko, napuyat ka na naman sa panonood ng Korean Drama, ano?"

"Don't ask the obvious," masungit na sagot niya. Kailangan niyang magsungit dahil siguradong lalo siyang sesermunan ng binata kapag nanahimik lang siya. Though, he was right. Isa siya sa mga kinain ng sistema ng Korean Drama. Na-addict siya sa panonood ng iba't-ibang series.

"KDrama Is Life. Song Joong Ki Is Love," anito sa nang-aasar na boses. Facebook status lang naman niya ang binanggit nito. "Song Joong Ki? I kind of researched him. I saw his pics on the net and... really Kara?" Tinaasan siya nito ng isang kilay.

"Siyempre mas love naman kita," agad na sagot niya bago nginitian ng matamis ang binata.

Tumaas ang sulok ng labi ni Santi. Kilala niya ang binata. Alam niya ang kahulugan ng bawat mumunting kilos nito. At that moment, alam niyang nagpipigil ito ng ngiti. Ngiti pa lang niya iyon, lalo na kung maglalambing pa siya. Those tricks never fail her. Kaya minsan, kahit na anong pagkaasar sa kanya ni Santi ay napapangiti niya ito.

As expected, lumaking hearththrob talaga ang damuho. He was tall in his six feet and four inches' height. Expressive ang mata nito. Matangos ang ilong, at kissable ang lips. He had a prominent jaw. Madalas itong mag-experiment ng style ng buhok na lagi namang bumabagay dito. Aminado si Kara na guwapo at malakas ang appeal ni Santi. Isa ito sa mga kinakikiligan ng mga kolehiyala sa university. Nang magsabog yata ng kaguwapuhan at appeal ang diyos ay gising na gising si Santi. Hindi lang gising, nakabuka pa yata ang mga bisig kaya marami itong nasalo. Aware siya na marami ang nababaliw sa kaguwapuhan ng lalaking ito.

But sorry girls, Santi was hers. He was hers eversince she could remember.

Patuloy na umusbong ang mga damdamin nila para sa isa't-isa. Sa pagdaan ng mga taon ay patuloy na lumago ang pagmamahal na naroon sa puso nila. Hindi nawala ang spark, ang chemistry, at ang attraction. Hindi sila nagsawa sa isa't-isa. Lalong tumibay ang kagustuhan na ang bawat isa ang makasama sa hinaharap. Marami na silang pangarap na binuo. Maraming pangako ang binitiwan.

Tinabihan siya ng binata. Kumagat ito sa mansanas, pagkatapos ay iniumang sa bibig niya ang mansanas. Umiling siya. Maya-maya, iniharang nito ang mukha sa aklat. Ngising-ngisi ito, dini-distract siya. "Santi," saway niya. "Huwag mo akong guluhin."

Hindi pa rin ito tumigil; parang nagpapansin na binibigyan nito ng matutunog na halik ang pisngi niya. Iniharang niya ang isang palad sa mukha nito at itinulak ito palayo. "Huwag ka sabing magulo, nagla-last minute review ako," aniyang sa aklat nakatutok.

He snorted. "Last minute review. Habit mo na 'yan mula nang ma-addict ka sa mga Korean Drama na yan." He exclaimed. Tumayo ito. Akala niya ay aalis na pero nagulat siya ng inagaw nito ang libro. "Humingi ka ng grades sa mga K-Drama mo."

"Aba't—!" Dali-daling tumayo si Kara. Hinabol niya ang papalayong si Santi. Hinawakan ang braso nito. "Give me my book and leave me alone," napipikong sabi niya. Nangangarag na nga siya, nangungulit pa ang damuho.

Kinagat ni Santi ang mansanas, bago itinaas ang kamay na may hawak ng aklat. He was making fun of her. Panay naman ang paghawak at pagtalon niya pero bukod sa matangkad ang binata ay sadyang iniiwas pa nito ang kamay. "Santi, ano ba!"

Kumikislap sa kapilyuhan ang mga mata nito habang umiiling. Patuloy niyang inaagaw ang aklat. Patuloy namang iniiwas iyon ni Santi. "Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, ha!" singhal niya. Dahil may mansanas ang bibig, hindi ito makapagsalita. Pero kailangan pa ba nitong magsalita para malaman niyang inaasar siya nito? Nope, she can read it in his naughty eyes.

Hanggang sa pumailanlang sa paligid ang buzzer na hudyat ng pagsisimula ng unang klase. Nagdadabog na bumitiw si Kara. "Humanda ka kapag bumagsak ako sa exam! Malilintikan ka sa akin," naiinis niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ni Santi. Bumakas ang pagtutol sa mukha nito. "Excuse me po, Miss, kung babagsak ka man, iyon ay dahil hindi ka nag-aral kagabi." He wrinkled his nose at her. "Don't put the blame on me."

"Basta," aniya bago umirap. "'Pag ako bumagsak. Hindi kita iimikan ng isang linggo!"

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon