Part 73

2.3K 78 33
                                    

FRUSTRATED, SANTI took a deep sigh to calm his nerves. Nagagalit siya pero hindi niya alam kung kanino. Sa sarili niya siguro. Damn, kaninang umaga lang ay kating-kati na siyang lumuwas ng Maynila para makita si Jessica. He wanted to hold her, kiss her, and be one with her.

Nalululong siya kay Jessica. At unfair ang lahat ng ito kay Jessica. Kahit okay at ginusto nito ang sitwasyon, unfair pa rin para rito.

"I'm sorry," sabi niya. Frustrated na ipinaloob niya ang mga daliri sa sariling buhok at kumapit ng mariin. Gusto niyang gisingin ang sarili. Bakit ba napakahirap kalabanin ng guilt? Ipinamulsa niya ang mga palad. He took a deep breath. "I think... I think we need to stop it now."

Biglang baling ni Jessica. Gusto niyang magmura nang makitang umiiyak ito. Pero natigil ang mga luhang iyon dahil sa sinabi niya. She looked alarmed. Nanlaki pa ang mga mata at bumuka ang labi sa gulat. "A-ano ang ibig mong sabihin?"

Nag-iwas siya ng paningin. Hindi niya kayang makita si Jessica sa ganoong hitsura. "Let's stop seeing each other, Jessica."

"A-ano?" bakas ang pagpa-panic sa boses nito.

"Magiging unfair para sa 'yo ang—"

"U-unfair?" natatarantang putol nito sa kanya. She harshly wiped away her tears. "S-Santi what are you talking about? Pareho nating gusto ang atraksiyong namamagitan sa ating dalawa, hindi ba? W-we both agreed to acknowledge it and act on it. I told you alam ko at naiintindihan ko ang sitwasyon." Hindi magkandatutong sabi nito.

He smiled sadly. "For once let me be honest to you, completely honest... I'm sorry pero ginagamit lang kita, Jessica." Hindi makaimik ang dalaga. Nagpatuloy siya, sa pagkakataong iyon ay may bahid na ng depresyon ang boses, "Bawat sandali na kapiling kita... nakikita at nadadama ko sa 'yo ang asawa ko. Si Kara ang nakikita at nadadama ko sa 'yo at unfair iyon sa iyo kaya tapusin na natin ito habang maaga pa. I'm so sorry."

Naging madalas ang pagpikit-pikit niya ng mga mata dahil sa luhang namumuo. Naaawa siya kay Jessica kaya kailangan na niyang putulin ang kahibangang iyon. And maybe, maybe he really needs to see a doctor. Jessica turned her back on her. Nakikinig ito at tahimik na umiiyak. "I love Kara so much, so much na sa nakalipas na mga taon ay hindi siya nawaglit sa puso at isipan ko. Then I saw you— I saw her in you. Kaya lumapit ako sa 'yo, Jessica, dahil nakikita ko si Kara sa 'yo. I know that's cruel and I'm sorry. G-gustong-gusto kong magpatuloy— ituloy ang namamagitan sa atin dahil 'buhay' ako kapag nakikita kita. Hindi malumbay ang araw kapag naririnig ko ang boses mo. I felt like the angels are singing whenever I hold you. Pero hindi naman ikaw ang nagbibigay sa akin ng mga ganoong pakiramdam kundi si Kara. Dahil nakikita at nadadama ko nga sa 'yo si Kara!" Tuluyang nalaglag ang mga luha niya. "I—I know, I know I'm c-crazy. Baka nga nababaliw na ako. But I can't help it. Kara's still here, in my heart. She'll be here until my last breath. At kahit sabihin mong naiintindihan mo ang sitwasyon... unfair pa rin para sa 'yo, Jessica. Putulin na natin ang kahibangang ito habang maaga pa. Habang alam pa natin ang daan palabas sa sitwasyong ito. You deserve someone na mamahalin ka bilang ikaw. Mamamahalin ka ng totoo at hindi gagamitin lang. Kara's my destiny. At ikaw, nakatadhana ka para sa iba. You deserve—"

"Ako si Ka—ra!" sigaw nito na ikinatigagal niya.

Nanigas siya. Nagpapanting ang tainga niya sa narinig. Paulit-ulit na bumabalik sa tainga niya na parang echo ang sinabi nito. "W-what did you say?" mahina ngunit delikadong tanong niya.

Humarap si Jessica. Luhaan ang mukha. Bakas ang pinagdaraanang hirap. Sumigok ito. "A-ako si K-Kara. A-ang asawa mo. It's me, Kara. I'm Kara," anito sa garalgal na boses.

Bumangon ang galit sa dibdib niya. That was too much.

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon