Part 50

4K 102 5
                                    


LUMABAS NG suite ang doctor at si Lucille, leaving her and this man.

Jessica sobbed.

Jessica? Hindi. Hindi siya si Jessica. Hindi Jessica ang pangalan niya kundi... Kara!

Yes, she was Kara. Bumalik na ang memorya niya at siya si Kara, Kara Agustin. Bumalik na ang memorya niya. Naalala niya ang lahat mula pagkabata niya, pagdadalaga, pagkakasakit, at maging ang pagkamatay niya. Naaalala niya lahat. Siya si Kara, siya si Kara. And she was now living in Jessica's body!

Malinaw niyang naaalala kung ano ang nangyari. Naalala niya kung papaanong nasa katawan na siya ni Jessica. Nangyari ang lahat noong hinuhugot na niya ang huling hininga...

"M-maha—l n-na m-mahal d-din ki...k-kit—a." Paalam na mahal ko. Hihintayin kita sa kabilang buhay. Doon, itutuloy natin ang ating pagmamahalan. Tik. Tik. Tik... Nauubusan na si Kara ng oras. Hangang sa wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang hugutin ang kanyang huling hininga.

Humiwalay ang kaluluwa niya sa kanyang katawan. Napuno ng pighati ang puso niya dahil sa nakikitang pagtangis ni Santi habang yakap ang kanyang katawang lupa na wala ng buhay. "Kara, n—o! Mahal na mahal kita, Kara. Ikaw lang. Tanging ikaw lang dito sa puso ko. Kar—a."

Kara couldn't cry because she was already in energy form. Pero ramdam niya ang walang kapares na sakit at pighati. Kaluluwa na siya pero ramdam pa rin niya ang sakit. Mas lalong ramdam pa rin niya ang pag-ibig na meron siya para sa lalaki. Ah! Bakit kailangang magkaganito ang kuwento nila ng kanyang pinakamamahal? Bakit kailangang mauwi sa isang malungkot na wakas ang kanilang pag-iibigan? Bakit kailangang may pighati at pagdurusa?

"S-Santi, hihintayin kita sa langit. Sa kabilang buhay nating itutuloy ang atig pag-ibig. Hihintayin din kita maging sa ibang buhay, sa ibang henerasyon..."

Nang walang ano-ano ay biglang may humigop sa kanya. Hindi niya iyon mapaglabanan. Ang sunod na namalayan niya ay nasa harap na siya ng isang tila munting ipuipo na may mga glitters na kulay puti.

"Kumusta, Kara?"

Nagulat si Kara. Ang enerhiyang iyon ba ang nagsalita? Hindi. Hindi ito nagsalita, sa halip ay naririnig niya sa kanyang isipan ang sinabi nito.

"Oo, ako nga. Katulad ng sinabi ko sa'yo noon, magkikita uli tayo, Kara, at sa muling pagkikita natin gagawa ka ng isang malaking desisyon."

Suminghap si Kara. "Ano ang sinasabi mo? Sino ka ba?" tanong niya. Para itong ipuipo na may glitters, makinang na umiikot habang siya ay mukhang tao pero nasa anyong enerhiya, isang kaluluwa.

How was it possible na naririnig niya ito sa kanyang isipan?    "Tumingin ka sa kanan mo," utos nito na ginawa niya. Only to gasped again. Nakita niya ang isang kotseng baligtad, sa basag na bintana, naroon at nakita niya ang isang babae. May dugong umaagos sa mukha nito pero parang pamilyar sa kanya ang babae. Sa isang iglap, naalala niya ang nurse sa roof top ng hospital! 

"Ako nga iyon, si Jessica Franklin. Makinig kang mabuti, Kara, hindi ako taga-Earth. Ang aking lahi ay nakatira sa ibang daigdig. Alien kung tawagin kami ng mga Tao. Matagal na panahon na ang nakararaan ng ipadala ako dito sa Mundo ng aming lipi para mangalap ng kaalamang pang-medisina. Dehava ang pangalan ng aming planeta. Ako si Vaya. Ngayon ay oras na para ako ay umuwi bitbit ang mga kaalamang aking natutunan."

Hindi makapagsalita si Kara. Namamangha sa mga naririnig ngunit hindi maramdaman sa sarili na question-in iyon. She was trusting her, trusting every word she says. Nagpatuloy si Jessica—Vaya, iyon daw ang pangalan nito.

"At hindi sa rooftop ng hospital tayo unang nagtagpo, Kara. Natatandaanmo noong twelve years old ka pa lang? May isang aksidente. May dalagita kanoong inaalo."

Agad pumasok sa isipan ni Kara ang aksidenteng dinaluhan nila ni Santi noon. Iyong kotseng nahulog sa zigzag road. 

" Ako ang dalagitang iyon, "  ani Jessica.

Kara gasped.   

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon