"JESSICA!"
Tumigil si Jessica sa paghakbang at humarap sa tumawag sa kanya. Si Lucille iyon, kaibigan niya, ka-trabaho, at kasama sa apartment. Pareho silang nurse at nagtatrabaho sa St. Matthew Hospital. Magkaiba ang shift nila ni Lucille kaya hindi sabay ang break time nila. "Aakyat ka na naman sa rooftop?" tanong nito.
Nakangiting tumango siya. "Oo. Bakit?" Break time niya. At kapag break time ay pumupunta siya sa rooftop ng hospital para doon palipasin ang oras.
Umiling si Lucille. "Wala naman. Nakita lang kita kaya tinawag kita. Sige, may iniuutos sa akin si Doctora," sabi nito bago umalis.
Itinuloy ni Jessica ang pag-akyat sa rooftop. Naupo siya sa isang bench na madalas niyang tambayan. Pa-hapon na kaya hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw. Tumingala siya't pinagmasdan ang langit.
Somewhere out there, a billion lightyears away from planet Earth has a planet called Dehava. And Dehava is... her planet. Her home...
"And I'm missing home so much..." bulong niya.
Miss ka na rin namin dito, Prinsesa Vaya... ang sabi ng boses sa isip ni Jessica. Napangiti siya. Nabawasan ang pangungulila sa dibib. Si Prinsipe Vrigo iyon. Ito ang nakababata niyang kapatid.
Malapit ka ng umuwi... anito.
Malapit na. Malapit nang maghanay ang mga planeta, natutuwang sagot niya. Nasa Dehava si Vrigo at nasa Earth naman siya pero nakakapag-usap sila sa pamamagitan ng isip o telepathy.
Oo, isa siyang alien sa planetang ito. Vaya ang pangalan niya sa kanilang planeta. Oh, she looks like a normal human being. Iyon ay dahil sumapi siya sa katawan ng isang Tao— si Jessica. Seven years ago, she walked-in at Jessica's body and made the body hers. Inangkin niya ang katawan ni Jessica. Dito sa Earth, nabubuhay siya sa pagkatao ni Jessica. Naparito siya sa Earth dahil sa isang misyon. Misyong mapakikinabangan ng kanilang lahi.
Sandali, putol niya sa pagkukuwentuhan nila ni Vrigo. Napansin ko na sanay ka na rin sa wikang ito, ah?
Tumawa ito. Dahil sa 'yo. Sa madalas nating pag-uusap ay natutunan ko na rin ang language na iyan. Hindi na ako mahihirapan sa pakikipagkumikasyon kapag ako naman ang pumunta riyan para mangalap ng kaalaman. Kaya ko na nga ring mag-English.
Hindi na nagulat si Jessica/Vaya. Ang lahi nila ay likas na matalino at madaling maka-adapt.
Sasagot pa sana siya nang pumasok sa pandinig ang hagulhol ng kung sino. Mabilis na nagpaalam siya kay Vrigo para hanapin kung sino ang umiiyak. Babae iyon. Tumayo siya at pinuntahan ang pinagmumulan ng pag-iyak. Nakita niya ang babae sa kabilang panig ng rooftop. Pasalampak na nakaupo ito sa maalikabok na sahig, nakayuko at nakalaylay ang buhok na tumatabon sa mukha nito. Ang mga palad ng babae ay nakatuon sa Bermuda grass. Mukhang miserable ang babae. Para bang dala-dala nito sa balikat ang bigat ng buong mundo.
Nakadama siya ng awa. Hindi maintindihan ni Jessica/Vaya kung bakit parang bigla siyang nagkaroon ng koneksiyon sa babae. Tinanggal niya ang suot na headset at ipinamulsa iyon. Sa kabilang bulsa ng suot na nurse's uniform ay hinugot niya ang isang puting panyo.
Tumikhim siya para kunin ang atensiyon ng babae.
Tumigil ito paghagulhol nang mapansin ang presensiya niya. Wala nang tunog ang pag-iyak ng babae pero nakayuko pa rin ito at yumuyugyog ang mga balikat. Her tears were overflowing. It was unstoppable. Sa katunayan ay basa na ng luha ang sementong kinayuyukuan nito.
"Uhm," muling pagtikhim ni Jessica/Vaya. "Mas makakaluwag sa dibdib kung ilalabas mo ang ano mang mabigat na alalahaning nariyan sa iyong kalooban," sabi niya. "I'm... I'm a stranger. Someone you don't know. 'Di ba sabi nila ay mas maganda daw magbukas ng saloobin sa isang estranghero dahil masasabi mo sa kanya ang lahat at wala kang kailangang isaalang-alang?" dagdag pa niya. Umupo na siya para magpantay sila ng babae. Hinawakan ni Jessica/Vaya ang balikat nito. Nang tuluyang maglapat ang mga balat nila ay napasikdo siya. May naramdaman siya. Something strange, yet powerful. The connection was too strong it was making her gasp in amazement. Hindi siya nakaramdam ng ganito kanino man, kahit sa pinakamalapit niyang kaibigan na si Lucille. Why?
Hindi na mabilang ang mga Taong nakita niya na umiiyak. Hindi na mabilang ang mga tao na nakita niyang nagdurusa, pero sa babaeng ito lang siya nakadama ng kakaibang koneksiyon. Something was familiar about her though.
Ang babae ay dahan-dahang nag-angat ng mukha. Sumisigok ito. Halos matunaw ang puso ni Jessica/Vaya nang makita ang buong mukha nito na basang-basa sa luha. And then... Jessica/Vaya's lips parted in surprise when their eyes met. Nakita na niya ang mga matang ito. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga matang ito. Because it was imprinted in her...
?>
Naaalala niya kung saan at kung kailan sila unang nagtagpo ng babaeng ito. It was seven years ago. Noong ihatid siya ni Vrigo sa Earth. Noong sapian niya ang katawan ng batang si Jessica. Ang babaeng ito ay si... Kara— ang batang sumaklolo noon sa nag-aagaw buhay na si Jessica.
BINABASA MO ANG
One Love, One Soul (completed)
RomanceMula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namaya...