Part 85 (Ending)

3.7K 137 48
                                    



"I THINK may taga- Dehavan pa rin dito sa Earth. Naaalala ko na yung mga librong nabasa ko ay galing daw kay Miss Vaya," ani Santi. Nasa rooftop sila ng hospital. Nakahiga sila sa Bermuda grass. Nakaunan siya sa braso ng asawa. Pareho nilang hinahangaan ang mabituing langit.

Kara smiled. "Oh, sigurado iyon. Alam ni Prinsesa Vaya na makakatulong sa iyo ang mga libro para mas madali kang maniwala. Ikaw naniniwala ka ba sa aliens? Do you believe that there are lifes out there?" Dalawang linggo na ang matuling lumipas at sa pagkamangha ng lahat ay mabilis ang recovery nila. Ilang araw pa at tuluyan na silang makakalabas ng hospital. Thank God, walang iniwang pinsala ang aksidente. Siyempre pa ay hindi na nila itinago ang relasyon nila. Maging ang papa niya na dumalaw kay Santi ay nakilala na rin siya. Santi being in love again was okay with her father. Though napapatitig ito sa kanya. She knew why. Subconsciously, nararamdaman din siguro ng papa niya na siya ang anak nito. Kapag okay na ang lahat. Hihilingin niya sa matanda na tawagin

Gumalaw si Santi. Niyakap siya nito. "I do. Hindi lang sa mga aliens ako naniniwala kundi pati na sa mga engkanto. I do believe in stranger things. Ngayon pa ba ako hindi maniniwala?" Hinaplos ni Santi ang kanyang buhok. "So, hmmm... ano ang desisyon mo? Magpapakilala ka ba sa papa mo?"

Saglit na nanahimik si Kara. Pagkuwa'y nagpakawala siya ng buntong-hininga. "I think it's best kung... kung itutuloy ko na lang na mabuhay sa identiy ni Jessica. Less explanation, less complication. Magiging napakahirap naman kasi talaga ang maniwala. Mostly, people's comprehension is limited by the Earth's perceivable atmosphere, and more so by our human sensory limitations. Ang mga bagay na misteryoso at kakaiba ay hindi agad pinaniniwalaan, malibang maranasan mismo iyon," Iniangat niya ang ulo, tiningan ang asawa. "Huwag mo na uli akong tatawaging 'Kara'. Baka kasi may makarinig pa at alam mo na..."

He sighed. "I think that's really the best thing to do right now. Pero, napapansin mo ba na, tulad ko, nakakadama din agad sila ng koneksiyon sa 'yo. You seemed familiar to them. Ganoon talaga siguro, may invisible na tali na nagdudugtong sa ating lahat. Kaya kapag kaharap mo ang isa sa mga taling nakadugtong sa 'yo, mararamdaman mo ang koneksiyon sa kaniya."

She couldn't agree more. Isiniksik ni Kara ang mukha sa dibdib ng asawa. She filled her lungs with his scent.

Santi held her tenderly. Dinampian nito ng masuyong halik ang ulo niya. "Magpakasal tayo agad, Ka—Jessica. Bawiin natin ang anim na taong lumipas."

"Y-yes," naiiyak niyang sagot. "Let's get married. Huwag na tayong mag-aksaya ng oras."

Sa isang mabilis na kilos ay napailalim siya sa katawan ng asawa. "Santi," saway niya. "Huwag ka ngang masyadong magpupwersa ng kilos at baka mapasama—"

He silenced her with a hungry kiss. Na siyempre pa ay tinugon niya. Sa ilalim ng mabituing langin, pinagsaluhan nila ang halik ng pagmamahal.

"I will love no one but you. Only you Kar—Jess," anas ni Santi sa pagitan ng mga halik. "In this lifetime, and beyond."

"In this lifetime, and beyond," pag-ulit niya.

Ah. Their love was one of the greatests. And one of the most mysterious. Dahil sa matinding pagmamahal nila sa isa't-isa ay naranasan nila ang isa sa mga misteryo ng mundo. Bagaman tunay na napakahirap paniwalaan ng nangyari sa kanya. But it really happened. Soul Switching and Walk-In's are really happening in this world. Hindi tayo nag-iisa dito sa mundo.

Because when two people are meant to be; when they are meant to live and love in this lifetime, the universe will conspire to make it happen. Maraming hiwaga, misteryo, mahika, at milagro ang nangyayari sa paligid pero hindi lahat ay nakakaranas at nakakasaksi niyon. Oftentimes, all it takes for a miracle to happen is a pure heart, and a pure love.

Wakas



Thank you so, so much for reading! <3 <3 <3

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon