Part 30

3.7K 103 2
                                    


STOP IT. Guard your emotions now! Damn you, Santi, stop it, stop it! saway ni Santi sa sarili dahil napupuno na naman emosyon ang kanyang dibdib. Umaga. Maaga siyang gumising para ipaghanda ng breakfast in bed ng kanyang asawa. Pero... ang magandang mood ay napalitan ng paninikip ng dibdib. Paano ay nakatambad sa mga mata niya ang nakahantad na parte ng katawan ni Kara tulad ng braso at binti na puno ng mga pasa. She was black and blue, na para bang binugbog ito ng isang batalyong terorista. Humapak at namumutla ang mga pisngi nito. Ang paligid ng nakapikit na mga mata ay nangingitim. She looked so fragile. God, she was losing weight. Mahirap na hindi iyon mapansin dahil sa humpak na mga pisngi at mga butong nagiging prominente.

Maingat na bumaba ng kama si Santi. Tinungo niya ang banyo na halos hindi gumagawa ng ingay. Nang nasa loob na ay sumandal siya sa pinto at tsaka tahimik na pinakawalan ang maiinit na likido na walang awat na sumusungaw sa mga mata niya. Bakit si Kara pa ang dinapuan ng ganoong karamdaman? Bakit hindi na lang siya? Sabi nila, Prayers can move mountains. Pero bakit ganoon? Gabi-gabi naman siyang nagdarasal pero tila hindi naririnig ng Diyos ang daing niya. Gusto lang naman niyang gumaling si Kara at maalis ang paghihirap nito. Noon, humiling lang siya sa mga magulang niya, maglambing lang siya sa mga ito ay nakukuha na niya ang gustuhin niya. Pero bakit ngayon ay napakailap ng iisang bagay na pinakamimithi niya. He's been making promises with Him, trading with Him, negotiating with Him...pero wala...wala siyang matanggap na tugon.

Kara...daing niya.

"S-Santi...?" pagtawag ni Kara.

Dali-daling tinungo ni Santi ang sink. Binuksan niya ang gripo at naghilamos para alisin ang luha roon. "I-in here, my love," sagot niya. 

Inhale, Santi, Exhale... Umakto kang normal sa harap niya. Huwag mong ipakita sa kanya ang pagdurusa mo. Alam mong hindi iyon makakatulong! 

Humugot siya ng face towel sa towel rack bago lumabas ng banyo. "Good morning," aniya habang tinutuyo ang mukha. Nakaupo sa kama si Kara. Lumapit siya at naupo sa gilid. He kissed her lips.

"'Morning," anito. Kahit pinasisigla ang boses ay hindi pa rin nakaligtas sa kanya ang pananamlay na kaakibat niyon. His chest tightened. At gusto na naman niyang magpakawala ng malulutong na mura hanggang sa magluwag ang kanyang dibdib. Damn it! Hindi siya magaling umarte, hindi niya kayang itago ang nararamdaman niya. "May pasok ka ngayon, 'di ba? Ipaghahanda kita ng breakfast," anito, pasimpleng iniiwas sa kanya ang mga braso nito. Pinilit naman ni Santi na umakto na hindi niya iyon napapansin.

"Nag-drop na ako sa mga klase ko."

Natigilan si Kara. "Ano?"

"Ganoon din naman. Papasok din ako next year para kunin ang mga remaining units ko. Eh di mas mabuti pa na huminto na ako ngayon at mag full load next year," aniya. Gustong niyang magtunog kaswal hangga't maari. Hindi rin naman kasi niya magawang tutukan ang pag-aaral kahit iilang units iyon. Hindi siya makapag-concentrate. Ang gusto niya ay nasa asawa ang buong atensiyon niya. All he always wanted is to be with his wife.

"G-ginagawa mo ito dahil sa akin..." garalgal ang boses na tugon nito.

"Yes," agad na sagot niya. Tumalikod siya dahil anumang sandali ay siguradong papatak ang mga luha niya. "B-because I can't..." Lumunok siya. The invisible lump in his throat was so big he could hardly breathe. 

Because I can't stop you from leaving me. You will leave me, Kara. Iiwan mo akong mag-isa. Kaya hindi mo ako masisisi kung naisin kung gugulin ang lahat ng oras ko sa nalalabing oras mo! My fucking studies won't go away. Ano mang oras ay nariyan lang iyon at pwedeng balikan pero ikaw...? Iiwan mo ako! I was asking God na ibigay Niya sa 'yo ang buhay ko, na ako nalang ang kunin Niya pero ayaw niyang makinig, Kara. Bakit ba kasi nangyayari ito? This is so unfair. So unfair! And I fucking hate it! I hate it dahil wala akong magawa para sa 'yo! I hate it dahil pinapangako mo ako na hindi ko sasaktan ang sarili ko. Pinapangako mo ako na hindi kita sasamahan sa kabilang buhay, na hindi kita susundan agad, d-dahil sabi mo... sabi mo may plano ang Diyos. And, in His time muli tayong magsasama! 

Iyon sana ang gusto niyang isagot sa asawa, ang pakawalan ang frustrations niya pero pinigilan niya ang sarili. Hindi iyon makakabuti sa sitwasyon nila. Kinalma niya ang sarili. He took a deep sigh to calm his nerves.

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon