Part 81

1.8K 61 3
                                    


DITO NAGSIMULA ang lahat... ani Kara habang nakatayo sa pinangyarihan ng aksidente. Dito nagtagpo ang mga landas namin ni Jessica. At ni Vaya. Who would have thought na ang pagtatagpong iyon ay magiging bahagi ng hinaharap ko, namin ni Santi? Who would have thought na ang katawang inaalo ko noon ay siya palang katawang aariin ko ngayon? 

She wondered, ilang tao pa kaya ang nabubuhay na may kasong tulad ng sa kanya? Mapagbiro talaga ang tadhana. Mapaglaro. And this universe... it holds so many secrets and mysteries. Mga bagay na mahirap paniwalaan, unless you've been a witness, unless you experience it firsthand.

Ah, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga siya makapaniwala sa mga nangyari. Parang panaginip. Parang istorya sa pelikula. Parang kuwento sa mga libro. She searched the net at nalaman niya na marami na rin palang naitalang kaso ng soul switching. Some even write a book of their experience. Maraming dalubhasa ang nagpapatunay sa mga kakatwang nangyayari sa ating paligid. Marami daw talagang kababalaghan at hiwaga ang nangyayari sa Mundo, mahirap lamang paniwalaan hangga't hindi ikaw mismo ang nakakakita o nakakaranas.

"K-Kara..." Pagtawag ng garalgal na tinig na nagpasikdo sa puso ni Kara.

She gasped. Ang emosyon ng boses na iyon... ang pangalang ipinangtawag sa kanya. Nag-init ang mga mata niya. Tuloy-tuloy na nanlabo dahil sa luha. Nanindig ang mga balahibo niya dahil tila ibinulong lang sa hangin ang pagtawag sa kanya. Ibinulong sa hangin at dinala sa kanyang tainga.

Pigil ang emosyon na lumingon siya. There she saw him. Standing next to his car. Sa sobrang dami ng iniisip niya ay hindi na niya namalayan ang pagtigil ng sasakyan.

Halos hindi niya makita ang mukha ni Santi dahil nanlalabo sa luha ang mga mata niya.

"S-Santi..." usal niya, kasabay ng tuluyang pagtulo ng butil ng mga luha.

Nagsimulang humakbang nang malalaki si Santi, hanggang sa tumakbo na ito papunta sa kanya. Humakbang siya at sinalubong ang asawa. "Oh, God!" bulalas niya nang buong higpit na yakapin nila ang isa't-isa. "Santi..." umiiyak na daing niya. "It's me. It's me..." paghagulhol niya.

"G-God, Kara, m-mahal ko," umiiyak ding daing nito, nasa mahigpit na yakap ang pangungulila at pagmamahal. He believed in her. Oh, God, he finally believed in her. Naniniwala na ito na siya si Kara. Sinapo ni Santi sa mga palad ang luhaang mukha niya. Pareho silang naglulunoy sa luha. Tinitigan siya nito. Tinitigan nang buong pagmamahal. Ang mga labi ay bahagyang nanginginig, ang ilong ay namumula. "M-mahal na mahal kita, Kara. Hindi ko magawang lumimot. Hindi magawang lumimot ng puso ko. Maybe because my heart knew you'll be back. Oh, Kara..."

Iyak lang nang iyak si Kara habang nakasubsob sa dibdib ng asawa. Ah! Totoo ito, nangyayari talaga at hindi isang panaginip lang. Nasa bisig na uli siya ng asawa at may pangalawang pagkakataon sila para dugtungan ang kanilang pag-iibigan. Love really moves in mysterious ways!

Nag-angat siya ng mukha. "What made you believe?" mahinang tanong niya. Huminga siya, pinuno ang kanyang baga ng lalaking-lalaking amoy ng asawa.

"Dahil sa mga ebidensiya..." sagot nito. Sinabi ang tungkol sa pagkausap kay Lucille, sa mga pagkakataong nakikita umano nito sa kanya si Kara, at sa mga librong binasa nito. "Nagresearch din ako sa internet. Higit sa lahat..." Pumikit si Santi. Ang palad nito ay marahang humaplos sa kanyang mukha. "Higit sa lahat ay ipinikit ko ang mga mata ko at pinakinggan ang tibok ng puso ko."

"It's so hard to believe, right? But strange things really happens, anywhere, everywhere. This is kind of far beyond the current level of human comprehension. The universe is complex, so does the nature of life. Nakakagulat lang talaga. Parang napakahirap paniwalaan pero totoo...."

Huminga ng malalim si Santi. "I know. Isa ito sa mga misteryong—"

Hanggang sa pareho silang magulat sa malakas na busina ng sasakyan. A car was just a few meters away from them. Matulin iyon at direktang tumutumbok sa direksiyon nila. Nanlaki na lang ang mga mata niya sa gulat. Para siyang biglang naestatwa habang nakatitig sa papalapit na sasakyan.

Sa huling sandali sinubukan ni Santi na itulak siya. He was trying to save her. That action would save her and would kill him. Hindi siya pumayag. Mahigpit na yumakap na lang siya sa asawa. Santi accepted their fate. Yumakap din ito sa kanya. "I'll see you again, Kara."

She closed her eyes and hugged him tight. "I'll see you again..." Hanggang sa maramdaman niya ang napakalas na impact ng pagkakabunggo sa kanila. The pain was so blinding it felt like she was crushed into pieces. Umangat ang katawan niya at tumilapon ang sa kung saan.

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon