Part 71

1.8K 60 1
                                    

"PAPA, PAPA..." Pagtawag ni Kara sa ama sa kanyang isip. 

She was in San Ildefonso. At dahil linggo at alam niyang magsisimba ito, sa simbahan na lang siya nag-abang. Sinundan niya ang ama. Naupo siya sa may likuran nito.

God! Gustong-gusto niyang yakapin ang ama. Parang hindi lang anim na taon ang itinanda nito. He looks sad and lonely. Sumisikip ang dibdib niya dahil doon. Hindi niya mapigilan ang pamumuo ng mga luha.

"Nandito po ako, papa, sa likuran mo. 'Pa... 'Pa..." pagtawag pa rin niya sa isipan. Muntikan na siyang mapasinghap nang unti-unting lumingon ang ulo ng papa niya. His eyes met hers.

Oh, my God. Oh, my God!

Sinubukan ni Kara na ingiti ang nanginginig na labi. Her father smiled back at her. Bahagyang tumango pa ito, as if he was acknowledging her presence. Pagkatapos noon ay umayos na ito ng upo.

Tuluyang pumatak at namaybay sa magkabilang pisngi niya ang maiinit na butil ng luha. She wiped her tears away. Ang sakit sa dibdib na ang lapit-lapit na ng papa niya pero ni hindi niya ito mayakap. She was Kara— his daughter, pero heto siya at nasa ibang katawan.

Maya-maya pa ay tumayo na ito para umalis. Tumayo din si Kara at desimuladong sinundan ang ama. Gagawa siya ng paraan para makausap ito. Kahit na anong pag-usapan nila ang mahalaga ay makakausap niya ang ama, maririnig ang boses.

Patuloy na sinundan ni Kara ang ama sa parking lot ng sasakyan. Nang, walang ano-ano ay may mahigpit na humawak sa braso niya. Dahil sa lakas ng p'wersa ay napaharap siya sa salarin. It was Santi!

"What are you doing here?" iritadong tanong nito. Salubong ang mga kilay nito.

"I... A-ano..."

Hindi siya nakasagot ng hilahin na siya ni Santi. Before she knew it, binubuksan na nito ang pinto ng passenger's side ng isang sasakyan. "Get in," mariing utos nito. Sumakay siya. Agad ding naupo si Santi driver's seat. Tiim ang labi nito. Madilim ang mukha. Obvious na hindi gustong makita siya roon. Hindi rin naman niya inaasahang makita doon ang asawa. Akala niya ay nasa Maynila ito. "What are you doing here? At bakit parang sinusundan mo ang biyanan ko?"

"Ahm..." hindi niya malaman ang isasagot. "W-wala naman akong s-sinusundan. Papunta lang ako sa sasakyan ko. S-so, that man was K-Kara's father?"

Lalong kumunot ang noo ni Santi. "I thought you used to stalk Kara's Facebook account? Bakit hindi mo kilala ang ama niya?"

Ah, shit. Right, puro tungkol sa ama at kay Santi nga ang mga post niya. "H-hindi ko nakilala, okay? At narito ako sa San Ildefonso dahil... well, gusto ko lang balikan yung pinangyarihan ng aksidente," palusot niya.

"Do you think I'll buy that?" aroganteng sagot nito. "If you want us to continue dating, huwag mong i-involve ang sarili mo sa pamilya ko. And that include Kara's family. Kung ano mang mamamagitan sa atin, sa ating dalawa lang iyon, naiintindahan mo?"

"Bakit?" balik niya. She was provoking him. "Takot ka bang malaman nila na... after six years, may babaeng kumuha sa atensiyon mo?"

Nagngalit ang panga nito. "Kumuha sa atensiyon ko?" Pagkatapos ay nakakaasar na tumawa ito. "After six years I am fucking someone. That's more like it, Jessica. I thought you understand? Sabi mo, alam mo kung saan mo ilulugar ang sarili mo? Ha. I knew it, you want more than sex... Well, I'm sorry to disappoint you."

Hindi siya dapat masaktan dahil alam niya ang totoo. Santi was just being defensive. He was in denial. He was being loyal to her memory. Pero bakit ganoon, nasasaktan pa rin siya? "Tama ka," sabi niyang nakataas ang noo. "I want more than sex. I want all of you. Your body, your heart, your soul! I want your name. Gusto kong pumalit sa lugar ni Kara!"

Namula ang mukha ni Santi sa galit. "Hindi mangyayari iyon," nakakalokong sabi nito. "Walang sino mang makakapalit sa lugar ni Kara."

"Let's see," balewalang hamon niya. She couldn't help but smile. Ah, ang sarap sa pakiramdam ng narinig niya. Pumapalakpak ang tainga niya. Nagsasayaw at kumakanta ang puso niya.

Santi scowled. Pagkatapos ay ipinaloob nito sa buhok niya ang isang palad nito, sa likod ng ulo niya. Iginiya nito ang ulo niya papalapit. He moves closer, too. "Let's see," he said nonchalantly. Pagkatapos ay hinalikan siya nang mariin. He was kissing her hard, as if he was punishing her. Marahas ang atake ng labi nito. His teeth were even grazing on her lips. Hindi siya magugulat kung magkaroon ng hiwa ang labi niya.

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon