Part 75

1.7K 69 0
                                    


NAPAIGTAD si Kara sa tunog ng door bell. Mula sa pagkakasalampak sa sahig ay dali-dali siyang tumayo at binuksan ang pinto. She wiped away her tears. Umaasang si Santi iyon at binalikan siya. Maybe he needs an explanation. Well, she will explain everything.

Si Santi nga. Pero maigting pa rin ang facial muscles nito. "Santi..." luhaang pagtawag niya.

Mariin ang pagkakatikom ng labi ni Santi. Ang mga mata ay namumula. His jaw was tensed. Pumasok ito. Isinara ang pinto. "Ikaw si Kara?" nakakakilabot ang boses na tanong nito.

Impit na tumango siya. "O-oo. Ako si Kara. Y-you can feel it, right?"

Nangatal ang labi nito. Kumislap ang galit sa mga mata. Sa isang mabilis na kilos ay hinapit siya nito at marahas na inangkin ang kanyang labi. Nagpaparusa ang halik na iyon, mariin at walang ingat. He was grazing his teeth against her lips. Nasasaktan siya pero naiintindihan niya ang frustrations nito. Hell, maging siya ay tatawaging sira-ulo ang sino mang maniniwala agad sa claim niya. Namatay ang katawan niya. Namatay mismo sa bisig ni Santi.

Pinakawalan ni Santi ang labi niya, ang labing nagkaroon ng hiwa dahil sa ngipin nito. Pumuslit doon ang dugo, naramdaman niya ang hapdi. Pero walang pagsisisi sa mukha ni Santi sa halip ay naging mas marahas ito sa sunod na ginawa. "Ikaw ang asawa ko, ha? P'wes makinig ka Kara..." mariing sabi nito habang bago walang ingat at puwersadong hinubad ang kanyang blouse maging ang kanyang bra. Hindi nanlaban si Kara, hinayaan lang niya ang asawa. She could understand where he's coming from. Isinandal siya nito sa dingding. Pagkatapos ay hinuli nito ang mga pulso niya. He pinned her hands above her head while his tensed body was crashing hers.

Bilanggo ng isang malakas na palad nito ang kanyang kamay, ang isang palad ay mariing dumakot sa isa niyang dibdib at kinuyumos iyon. Kara bit her lips. The harshness of his touch sent agony to her being. Pero kakatwa na ang sakit ay napapalitan ng nakakakiliting sensasyon. Matiim na tiningnan siya ni Santi sa mga mata habang ang isang palad nito ay palipat-lipat sa magkabila niyang dibdib, madiin at mapagparusa ang haplos.

"Mahal na mahal pa rin kita, Kara," mariing sabi nito, galit na galit pero obvious na totoo ang sinasabi nito. "Walang babaeng nakapalit sa iyo dito sa puso ko. Araw-araw akong nangungulila sa 'yo, Kara." He clenched his teeth. Namula ang galit na mga mata ni Santi, kumislap doon ang luha at tuloy-tuloy iyong namuo at nalaglag. Pero walang pakialam doon si Santi. He was too angry to care. Her hands were still pinned above her head. "Tinatanong ko pa rin ang diyos kung bakit kailangang kunin ka niya sa akin. Kung bakit naging ganoon ang katapusan ng kuwento natin. G-gabi-gabi akong tumitingin sa mga bituin, Kara. Hinahanap ko ang sabi mong bituin na ngingiti sa akin. Lagi akong naghahanap, Kara, lagi kong kinakausap ang pinakamaningning na bituin. Pero hindi napapawi ang pangungulila ko sa 'yo..." galit na sabi nito. He kissed her again, harshly. "Sabihin mong mahal mo ako, Kara!" mariing utos nito.

She cried. "M-mahal na mahal kita, Santi."

"Fuck you," he said, full of hate. Binitiwan nito ang mga palad niya bago lumayo sa kanya. Nag-aapoy ang mga mata nito sa galit. Tumaas ang mga palad nito and Kara thought he would hit her. Pero sumabunot sa sariling buhok nito ang mga palad at mariing humawak roon. Tumalikod ito. Namaywang. Halata ang tensiyon sa katawan. "Huwag na huwag ka na uling magpapakita sa akin," malamig nitong sabi bago umalis. At walang magawa si Kara kundi ang umiyak nang umiyak. Alam naman niya na hindi iyon magiging madali.

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon