Part 15

4.1K 111 4
                                    


KARA, KARA... Hindi mapakaling pagtawag ni Santi sa dalaga sa isip niya. Kahapon pa ng tanghali niya ito hindi makontak. Oh, wait, nagri-ring ang cell phone nito pero hindi sinasagot ang tawag niya. Nag-aalala na talaga siya. At ang dami-daming eksena na ang naiimagine niya. May nagawa ba siyang mali? May kasalanan ba siya? Sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip kung bakit nagkaganito. Noong huling mag-usap sila ay okay naman. Sweet sila at palitan pa ng 'I love yous'.

"Please pick up. Please pick up the phone," paulit-ulit na sabi niya habang nagri-ring sa kabilang linya. Kapag hindi pa talaga sinagot ni Kara ang tawag niya, tatawagan na niya ang iba nitong kaibigan para magtanong. Kahit ang papa nito tatawagan talaga niya.

Palakad-lakad siya habang mariing nakakapit ang isang palad sa baywang. Kapag galit si Kara ay sumasagot pa rin naman ito sa tawag. So what was happening?

Nahigit niya ang hininga nang komonekta sa wakas ang tawag. "Kara, love! Thank God you finally picked up the phone. Hey, how are you? Is everything okay?" aniya. Dapat ay magagalit siya at susumbatan ang dalaga kung bakit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Pero hindi niya magawa. Ang galit ay natatabunan ng pag-aalala. At pagmamahal. "Tell me you're okay..."

"I—I'm n-not..."

Nilukob ng kakaibang lamig ang katawan niya. Kara's crying. She seemed miserable. "Kara... w-what's happening? Come on, love, tell me..." Lalo siyang hindi napakali. Nahiling niya na sana ay kaya niyang mag-teleport para sa isang kisap-mata ay nasa tabi na siya ng dalaga. Kara's always been tough. Mabibilang sa mga daliri niya sa kamay ang mga pagkakatong nakita niya itong umiyak. At hindi lahat ng luhang iyon ay dahil sa sakit o pighati. Some of them were tears of joy.

"K-kailan ka uuwi?" paos ang boses na tanong nito.

 Napapikit siya. Sigurado na siyang hindi tumitigil sa pag-iyak si Kara. Kaya ba hindi nito masagot ang tawag niya dahil umiiyak ito?

I need you now, iyon ang dating sa kanya ng sinabi ng dalaga. Kaya lalong hindi siya mapakali.

 "ASAP. Lolo and Lola are both okay. P'wede na daw silang ilipat sa recovery room. Magpapaalam na ako kina dad. I'll see kung may makukuha akong flight mamaya. Kara... tell me what's happening... y-you always tell me everything..." 

Narinig niya ang impit na pag-iyak ng dalaga. Siguro ay tinatakpan nito ang microphone ng cell phone habang impit na umiiyak pero narinig pa rin niya ito. And it pained him. Parang siyang paulit-ulit na sinusuntok sa sikmura. God, he so loves this woman so much. Sana'y nasa tabi siya ng dalaga para maalo ito.

"Nagko-complain ako tungkol sa m-migraine, hindi ba? A-and then napapansin mo ang... ang mga pasa ko sa katawan. I... I am also experiencing night sweats. K-kaya n-noong umalis ka, n-nag... nagpa check up ako. K-kahapong nag-usap tayo, hindi ako nanonood ng KDrama no'n, I... I was a-actually in the hospital. S-sa opisina nang doctor. I d-din't tell you d-dahil ayaw kong dumagdag pa sa pag-aalala mo..." garalgal at paputol-putol nitong sabi.

"And...?" nakabitin ang hiningang tanong niya. Nakakaamoy siya ng  bad news. Iyong pakiramdam na may masamang balita siyang maririnig. Parang bomba na nakaambag sumabog. His heart was pounding hard against his chest. Biglang nanlamig ang kamay niya. He felt so eerie.

"S-Santi..." she sobbed miserably. "I... I h-have a rare and aggressive type of L-Leukemia. The d-doctor said that the median survival time of patient with this rare kind of leukemia was... was s-seven and a half m-months after d-diagnoses. A-and m-mine w-was already a-advanced..."

Napasinghap si Santi. His eyes grew big in horror. Nanginig ang mga tuhod niya. Parang biglang ninakaw ang lakas niya. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa tainga niya ang pagsabog ng bomba. It shook his world. Ramdam niya ang pamumutla. 

"N-no..." walang-lakas na sabi niya. A tear fell. "K-Kara, no..." Lumunok siya at pilit kinakalma ang sarili. "P-pina-prank mo lang ako, h-hindi ba? Well, it's not funny Kara. It's not f-funny. Huwag na huwag kang magbibiro ng ganyan!" singhal niya.

Humagulhol si Kara. Kaya naman napakapit sa pader si Santi para kumuha ng suporta. His body was trembling at the horror he felt right now. Parang na-drain ang lahat ng dugo niya sa katawan.

Ilang ulit siyang lumunok para hagilapin ang boses. "W-who's with you right now?" God! Mag-isang nagpa-check up si Kara. Mag-isa lang ang babaeng mahal nang sabihin dito ng doctor ang sakit nito. Hindi niya ma-imagine ang paghihirap ni Kara. Kaya pala hindi nito tinatanggap ang tawag niya kahapon dahil miserable ito at walang-tigil sa pag-iyak. Ah! Gusto niyang sisihin ang sarili dahil wala siya sa tabi nito nang marinig nito ang balita.

"P-papunta na si papa dito," halos walang boses na sagot nito. "I—I'm sorry kung hindi ko n-nasagot ang mga tawag at text—"

"Kara, I love you!" putol niya rito. Hoping his love could somehow ease her burdens. His lips were trembling. Oh, God, anong pagsubok ito?

"S-Santi..." garalgal na umiyak ang dalaga.

"B-be strong, okay? L-lalabanan natin 'yan, Kara, lalabanan natin yan... I'll be there."

Nang magpaalam si Kara ay nanghihinang sumandal siya sa pader. But his trembling and weak knees can't support him, kaya padausdos na napaupo siya sa sahig habang patuloy na umaagos ang luha sa mga pisngi.

The d-doctor said that the median survival time of patient with this rare kind of leukemia was... was s-seven and a half m-months after d-diagnoses, para iyong bomba na paulit-ulit na sumasabog. He bit his lips hard, umaasang panaginip lang iyon, isang bangungot. Umaasa siya na magigising siya mula sa bangungot na iyon. Pero hindi, hindi siya magising. Dahil hindi naman iyon panaginip lang. This is reality.

"Santi!" anang nag-aalang boses ng mommy niya. Agad siya nitong dinaluhan. "Son, what's wrong?"

"I— I n-need to go home, Mom. I need to go home," sagot niya sa nanginginig na boses. Yumakap siya sa ina. "K-Kara needs me, Mom."


One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon