Part 44

3.5K 97 0
                                    

"READY, Jessica?" anang physical therapist ng dalaga. Nasa parke sila noon ng hospital at doon ipinasyang isagawa ang exercise niya sa araw na iyon.

"Ready," sagot niya. Nakatayo na siya bagaman mahigpit na nakahawak sa stainless steel stand na nasa magkabila niya. Sumagap siya ng hangin at inipon ang lahat ng determinasyon at tapang na meron siya. She will walk again. Kung nakaya niyang magsalita uli, makakaya rin niyang malakad at makatayo uli sa sarili niyang mga paa.

"Oopss, you're hunching your back, Jessica. Tumayo ka nang tuwid." Sinubukan niyang ituwid ang likod niya. Mahirap. Masakit. Para bang isang maling kilos lang ay parang lantang gulay na babagsak na lang siya. Kaya nga napakahigpit ng pagkakahawak niya sa stainless bar. "Ready?"

Tumango siya. Naging alerto naman ang isa pang staff na aalalay sa kanya kung sakaling hindi niya kayanin ang sarili at bumagsak siya.

"Basta kumalma ka lang, ha. Huwag kang mag-panic. Isipin mo na kaya mo 'to, na makakalakad ka."

"Okay," tugon niya, nakakadama ng kakaibang determinasyon.

"Okay. On my count. In one, two, three. Go. Let go, Jessica. Walk. "

I can do this! Ibinitiw ni Jessica ang isang kamay mula sa pagkakahawak. Naging magalaw ang katawan niya. Nag-concentrate siya. Nang sa palagay niya ay kaya na niya, ibinitiw na niya ang isa pa. Pero agad nangatog ang tuhod niya. At kung hindi sa maagap na pag-alalay ng staff at therapist ay baka humandusay siya sa Bermuda grass. Natakot si Jessica. Nag-panic. Pakiramdam niya ay takot na uli siyang sumubok na bumitaw sa pagkakahawak.

"Tita Ninang!" sabi ng matinis na tinig ng isang batang lalaki. Nang mag-angat si Jessica ng ulo nakita niya ang tumatakbong si Jordan. Sa likod nito ay naroon ang inang si Lucille at ang amang si Vernon.

"Jordan, hey. Careful," ani Lucille. Pero tuloy-tuloy na tumakbo ang bata papunta sa kanya. Dahil nanginginig pa, muntikan nang mawala sa balanse si Jessica nang mapuwersang yumakap sa mga binti niya si Jordan. "Jordan, baka mapuwersa ang Tita Ninang mo. Nakita ka niyang natumba kaya timakbo na."

Ohh! she mouthed. Kaya pala nag-aalala ang bata.

"I got worried po. Are you hurt, Ninang?"

"No, handsome. I'm not hurt. Okay lang si Ninang. Don't you worry, okay? I'm a big girl. I can do this," aniya. She can do this. Kakayanin niya.


One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon