Part 42

3.7K 101 11
                                    


NAGMULAT ng mga mata si Jessica. Narinig niya ang mahinang tunog ng orasan na hudyat ng pagpatak ng hating-gabi. Inilinga niya ang ulo at tumuon ang mga mata sa nakabukas na bintana. May mosquito net na nakaharang roon. Ang laylayan ng kurtina ay mahinhing nagsasayaw dahil sa pumapasok na hangin. Oh, the room isn't all darkness. Pumapasok sa nakabukas na binata ang kulay pilak na sinag ng buwan. It was full moon.

Hindi maintindihan ni Jessica kung bakit hindi siya nakadama ng pagpa-panic. Wala ni katiting takot sa kanyang dibdib. Ang naroon lang ay isang katanungan: Sino ang lalaking napanaginipan niya? Ang napakaguwapong lalaking iyon pero nagtataglay ng pinakamalulungkot na mga mata?

"I will always love you, Kara. P-pakakawalan kita ngayon pero...p-pero sa tamang panahon, itutuloy natin ang pag-ibig natin..." Sabi nito sa paniginip niya. Sinabi nito sa kanya. Pero hindi naman Kara ang pangalan niya, 'di ba? She was Jessica. Jessica Franklin

God! Paano ba niya sasagutin ang mga tanong sa ulo niya kung nawawala ang memorya niya? Anim na taon siyang natulog, imagine that. Ni hindi niya alam kung papaano lumipas ang panahon. Ah, paano nga ba niya malalaman gayong comatose nga siya. Sa totoo lang ay hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya ang nalaman.

Pasensiya. Kailangan niya ng maraming pasensiya. She knew she had a lot of catching up to do. Pero pasasaan ba at babalik din ang mga alaala niya. Pasasaan ba at makakapagsalita uli siya ng normal at makakalakad ng normal. Babalik din sa normal ang buhay niya. Sana.



"IN SICKNESS and in health, for richer and for poorer...'till death do us part."

Malakas na singhap ang pinakawan n Jessica bago siya nagmulat ng mga mata. Lumunok siya at hinabol ang hininga. "S-s'ya na...n-naman," usal niya habang sa balintataw ay malinaw na nakaguhit ang hitsura ng lalaking iyon. Ang lalaking iyon na hindi niya alam ang pangalan. He was talking to her. Yes, to her. Pero hindi Jessica ang itinatawag nito sa kanya kundi 'Kara'.

Mabilis na lumilipas ang mga linggo. Bagaman wala pa ring maalala si Jessica ni katiting tungkol sa sarili ay nagiging tuloy-tuloy naman ang recovery niya. Maganda rin ang pagtanggap ng katawan niya sa mga therapies. Kaya na niyang magsalita, bagaman garalgal pa. Naigagalaw na rin niya ang upper at lower extremities niya. Hindi pa nga lang siya makatayo at makalakad kung walang aalalay sa kanya, o kaya ay wala siyang walker na ginagamit. Pero ayon sa mga doctor at therapist niya, base umano sa bilis ng recovery niya ay hindi magtatagal at tuluyan ng babalik sa normal ang lahat. She will walk again. Iyon nga lang, hindi masagot ng mga doctor kung ang amnesia niya ay pansamantala lamang o permanente na. Malalalim kasi ang mga head injuries niya. In fact, nakakapa pa nga niya ang mga peklat na naiwan sa ulo niya.

Sa nakalipas na mga buwan, sa tulong ni Lucille ay marami nang nalaman si Jessica tungkol sa pagkatao niya . "Pareho na tayong nurse noong maging magkaibigan tayo at magsama sa bahay, Jess. Ayon sa kuwento mo sa akin ay ulila ka na sa magulang at nag-iisang kapatid. Sabi mo namatay sila sa isang aksidente sa sasakyan. Tapos, dahil masakit sa 'yo ang manatili sa probinsiya ninyo, ibinenta mo ang mga ari-arian n'yo roon at pumunta ka ng Maynila, iyon ang sabi sa kanya ng kaibigan nang magkuwentuhan sila. Nakadama siya ng lungkot. Nag-iisa na pala siya dito sa mundo at si Lucille na lamang ang meron siya.

Muli niyang binalikan sa isip ang pinag-usapan nila;

"Bu...buti na lang at nariyan ka. I-Imagine s-six years, anim na taon mo akong inalagaan. H-hindi sinukuan. A-ang laki ng utang na loob ko sa 'yo," aniya.

"Sshh," putol nito sa kanya. "Ano ka ba? Ako nga itong napakalaki ng utang na loob sa iyo at—Oh, hindi mo nga pala naaalala...Jess, tinatanggap ko ang pasasalamat mo, pero sinasabi ko sa 'yo, wala ito sa mga tulong na naibigay mo sa akin. Sa laki ng utang na loob ko sa 'yo, handa akong pagsilbihan ka," natatawang biro pa nito pero hindi malaman ni Jessica kung bakit nababasa niya ang katotohanan sa sinabi nito. Bakit? Ano ba ang ginawa niya kay Lucille?

"Ga...g-ganoon? N-nasa tabi kita da—d-dahil sa utang na l-loob?" kunwa ay nagtatampo niyang tanong.

"Siyempre hindi!" agad na reaksiyon nito. "Mahal na mahal kaya kita kahit may pagka wirdo ka." Inabot ni Lucille ang isang orange at binalatan iyon.

Kumunot ang kanyang noo. "Ako w-wirdo?"

"Okay, sige pagandahin natin ang tawag. Hmm. Hindi ka wirdo, may pagka-psychic ka lang," natatawa nitong tugon, nililinisan na ang binalatang orange. "Heto. Kumain ka at ng mapabilis ang paglabas mo dito sa hospital. Teka, pinagtitiwalaan mo naman ako 'di ba? I mean wala ang memorya mo, so you are vulnerable right now and—"

"W-wala man akong m-maalala, nararamdaman k-ko naman na mabuti ang puso mo. N-na pwede kitang pa—pagkatiwalaan," aniya. Nangilid ang luha sa mga mata niya. "T-thank you..."

"Sus! Huwag ka ngang umiyak, pati ako naiiyak eh," saway nito sa kanya, naiiyak din.

"S-saan ka nga p-pala k-kumukuha ng...n-ng pambayad s-sa hospital? S-six years..."

"Oh, that. Mahirap lang ako, Jess. Baon pa sa utang ang pamilya ko. Ikaw nga ang nagiging tagasalo ng mga hinaing ko. One time, sabi mo ay hindi ko na kailangang mag-abroad pa na tutulungan mo ako. Alam mo ba? Isang araw bago ka maaksidente, binigyan mo ako ng mga numero. Sabi mo tayaan ko sa lotto," nangilid ang mga luha sa mga mata ni Lucille. "At...at n-napanalunan ko nga ang pinakamalaking winning jockpot sa kasaysayan ng 6/55. M-mahigit kalahating bilyong piso, Jess. Imagine..."

"Ta-talaga?" namamanghang sabi niya. "N-napakasuwerte mo."

"You gave me the numbers, Jess," nangangatal ang labi na tugon nito. "A-alam nina nanay at tatay ang bagay na iyon. They were grateful, too. Pabalik-balik din sila dito sa hospital. Bukas nga ay luluwas na sila para makita ka."

Inabot niya ang palad nito at hinawakan iyon. "H-hindi ko man maalala...I—I t-think it's for you. It's meant to be yours."

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon