Part 68

2.1K 68 2
                                    

"FUCK, JESSICA, you were a virgin," iritadong usal ni Santi nang humupa na ang init at bumalik na sa normal ang kanilang mga paghinga. Katabi niya ang asawa sa kama. His back was lying flat. Ang isang braso nito ay nakapatong sa noo.

"Paano ko malalaman, may amnesia nga ako, 'di ba? Tungkol lang sa 'yo ang naaalala ko. That memory came back noong mapasok mo ang silid ko. Nahimatay pa nga ako, 'di ba?" sagot niya. Shit, nagulat din siya na virgin pa ang katawang iyon.

She was happy. So happy.

Santi let out a deep sighed. "I'm sorry. Hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko and I lose control and—"

"Shhh," putol niya rito. "Wala akong pinagsisisihan sa nangyari."

Tumagilid ng higa si Santi. Kunot ang noo at naguguluhan ang hitsura nito. "Tinawag ko ang pangalan ng asawa ko, and you're not even offended?"

Kaya nga doble-doble ang saya niya eh. Dahil pangalan pa rin niya ang sinasambit nito habang inaakyat nila ang langit.

"You're unbelievable," anito. "You're puzzling me."

Unbelievable. Oo, mahirap ngang paniwalaan ang nangyari sa akin. Kaya nga hindi ko magawang lumantad agad. Pero kung alam mo lang, Santi. Kung alam mo lang... 

"I told you, alam ko kung saan ako lulugar," aniya. "A-alam ko kung ano ang pinapasok ko. I had you investigated remember? Alam ko na iisa pa rin ang may-ari ng puso mo. Suot mo pa rin nga hanggang ngayon ang wedding ring mo.

Bumangon si Santi. "Good. Mabuti na iyong malinaw kung ano ang meron tayo. We just date exclusively and consume the attraction. I can't commit anything because I am already committed. I'm glad it's clear," anito bago bumaba ng kama at naglakad patungo sa banyo.

"Ikaw, Santi," aniya na nagpatigil sa paglalakad nito. Kipkip ang comforter na bumangon siya at naupo. Dinampot niya ang frame na nasa bed side table. Picture 'niya' at Santi iyon. "Hindi ka ba nagi-guilty? Mahal na mahal mo si Kara and yet here we are..."

Her question hit a nerve on him. Natigilan ito. "Do you really wanna talk about that?" tiim ang labi na tanong nito. Bumalik ito at naupo sa gilid ng kama. Kinuha sa kamay niya ang picture frame at ibinalik sa dating puwesto. And then he held her gaze. "Okay let's talk about that. Since I saw you, maraming tanong na hindi ko mabigyan ng kasagutan, Jessica. Maraming 'bakit' na wala akong masagot ni isa." Tumaas ang kamay nito at humaplos sa balikat niya. "Bakit nakikita ko sa 'yo si Kara? Bakit pamilyar ka? Your warmth, your kiss, your eyes..." Patuloy na marahang humahaplos ang palad nito sa naka-expose niyang balat. Kara was catching her breath. Every touch was creating a sensation that seems to ripple though every fiber of her being. Hanggang tuluyang ibaba ni Santi ang comforter na tumatabon sa dibdib niya. Santi drew a sharp breath at the sight of her breasts. His finger lightly touches one crown and goose bumps appeared all over her skin. Lumunok siya nang sunod-sunod. "You remind me so much of Kara. You felt so right in my arms... And guess what? Isa ang tanong mo sa hindi ko mabigyan ng kasagutan. Bakit hindi ako nagi-guilty? Bakit feeling ko, hindi naman ako nagtataksil sa asawa ko? Bakit feeling ko, si Kara ang kasama ko? Can you answer that?"

Nangilid ang luha sa mga mata ni Kara. Hindi niya makayanan ang pagkalito at paghihirap sa mga mata ng asawa. Hindi niya makayanan ang napakaraming tanong na nagsiksikan sa mga mata nito. Oh, she can answer his questions! May sagot siya sa bawat tanong nito. Pero ngayon na ba ang tamang panahon?

"I'm sorry," anito nang makita ang pangingilid ng luha niya. Akala siguro ay nasaktan siya dahil puro si Kara ang bukambibig nito. Marahas na huminga ito. "Let's not talk about my wife again," anito bago tumayo at tuloy-tuloy na pumasok ng banyo.

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon