Part 70

1.8K 56 0
                                    

MAGKATABI kami ng condo unit ni Jessica? Hindi pa rin makapaniwalang bulalas ni Santi habang ipinaparada ang kanyang sasakyan sa basement parking ng building. Nang makaparada ay nagmamadaling tinungo ang elevator at sumakay roon. Damn, pero pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng ulo kapag hindi pa niya nakita si Jessica sa loob ng dalawa pang minuto.

Tumapik-tapik ang mga daliri niya, naiinip sa pagbukas ng elevator. Nang sa wakas ay bumukas iyon ay malalaki at determinado ang hakbang na tinalunton niya ang unit na katabi ng sa kanya. Nang naroon na ay mariing diniinan ang doorbell. Huwag na huwag lang siyang pina-prank ng dalaga at binigyan ng maling unit. Hindi naman kasi niya alam kung alin-alin doon ang okopado o hindi dahil nga gabing-gabi na siya kung makauwi.

Bumukas ang pinto. At bumugad sa kanya ang nakangiting mukha ni Kara. Nawala sa normal ang tibok ng kanyang puso. He was mesmerized. His wife was smiling at him. Siya si Jessica, Santi! sabi ng isip niya. No, his heart told him she's Kara— his wife.

"Hi," anito.

Pumasok siya. Sa isang kisap ng mata ay hinapit ang dalaga at inangkin ang labi nito. Santi closed his eyes.

Kara... He kissed her more, deep and hungry. I love you so much, Kara.

Their kiss was wild and exciting. Parehong kinapos ng hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. He gave a soft exclamation. Hinawakan niya ang palad nito, hinila hanggang sa makaupo sila ng sofa. He stared at her.

"Bakit ganyan ka kung makatingin?" she asked.

Guilt surged through him. Nag-iwas siya ng paningin. No, hindi siya nagi-guilty kay Kara. Nagi-guilty siya para kay Jessica. Because, whenever he's with her, he was thinking of Kara. Si Kara ang iniisip niya kapag kasama niya si Jessica. Si Kara ang iniisip niyang hinahawakan niya, hinahagkan. Si Kara ang nasa isip niya tuwing aangkinin niya ang katawan nito.

Hindi niya makita ang babae bilang si Jessica. Nakikita niya ito bilang si Kara. And it's unfair. Unfair iyon sa dalaga kahit sabihin pang gusto din nito ang nangyayari. He was never been unfair to any one. Hindi siya kailan man nanggamit ng tao para sa pansariling interes niya. Pero ngayon... ngayon...

Oh, God, what to do? Nakamulat na siya pero si Kara pa rin ang nakikita niya. Paano pa kung nakapikit siya at madadama niya si Jessica?

"Hey..." ani Jessica. Ikinulong nito sa mga palad ang mukha niya. She held her eyes. "Don't think. Just don't think, Santi..." She started kissing him. God, her lips move like Kara. She tastes like Kara.

Maybe something is wrong with him. Kailangan niyang tanggapin na may mali sa kanya. Maybe he needs to see a doctor, someone who could fix him. A psychiatrist.

Pero hindi, hindi niya kayang pakawalan ang sandaling ito na nasa mga bisig uli niya ang pinakamamahal. Oh, God...

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon