Part 12

4.4K 101 0
                                    


HINDI ALAM ni Kara kung papaano pa siya nakauwi sa apartment niya. She was now on her bed; tulala habang walang tigil na umaagos ang mga luha mula sa mga mata niya.

"You have cancer, Kara. Cancer of the blood... Leukemia. Yours is called T-cell prolymphocytic. The kind that was rare and very aggressive. Sa panahon ngayon ay mataas na ang survival rate ng mga taong may leukemia. Pero ikinalulungkot ko na ang uri ng sakit mo ay mahirap gamutin. Mahirap dahil madalas ay hindi umiepekto ang mga gamot sa merkado na panglaban sa T-cell. Agresibo ito dahil mabilis itong magparami, mabilis nitong pinahihina ang immune system ng pasyente kaya kahit simpleng pneumonia lang ay pwedeng maging life threatening. I'm very sorry but it's already advanced. The cancer has invaded your central nervous system that causes the severe headache and pain."

Natulala lang si Kara. She was expecting the worst. Pero nang marinig niya, she was in denial. Oh, natatakot siya. She was in horror. She was in shock... but she can't cry. She felt numb. Maybe because her emotion was bubbling up inside her and was getting ready for one big explosion.

"Kara...?" untag sa kanya ng doctor. Siguro ay dahil tulala lang siya.

"H-how... how bad is it" lakas-loob na tanong niya.

"May mga sakit na traydor. Banayad kung umatake, malalaman mo na lang may sakit ka na, Malala na. Ironically, kung kailan ka mada-diagnose ay tsaka lamang lalabas ang iba pang symptoms." Huminga nang malalim ang doctor. "I think you need to know that the median survival time of patient with this rare kind of leukemia was 7.5 months after diagnosis."

Paulit-ulit na umaalingawngaw sa pandinig ni Kara ang mga sinabi ng doktor. It pained her. It crushed her into pieces. Nang makalabas siya sa opisina ng doctor ay saka kumawala ang mga luha niya. Saka nagkumawala ang sakit ng kalooban niya. Humagulhol siya nang iyak habang tumatakbo. Ni hindi niya alam kung saan siya pupunta. Pero dinala siya ng mga paa niya sa rooftop ng hospital. There, she cried and sobbed like a child. Malakas na humagulhol siya habang iniisip ang kinabukasan niya. Kinabukasan na biglang lumabo. Parang sa isang iglap ay naging bula ang mga pangarap na binuo niya, bula na pumutok at biglang naglaho sa kawalan. It was so devastating.

She was sick. She was terminally sick.

Paano na ang bukas niya? Paano na sila ni Santi? Paano niya sasabihin sa papa niya ang balita? Paano siya makakabangon sa pagsubok na iyon? Paano niya malalabanan ang sakit na iyon?

Hanggang sa ang pagdadalamhati niya sa rooftop ay ginambala ng isang tikhim mula sa isang estrangero. A female nurse.

"Mas makakaluwag sa dibdib kung ilalabas mo ang ano mang mabigat na alalahaning nariyan sa iyong kalooban. I'm... I'm a stranger. Someone you don't know. 'Di ba sabi nila ay mas maganda daw magbukas ng saloobin sa isang estranghero dahil masasabi mo sa kanya ang lahat at wala kang kailangang isaalang-alang?" anito.

Nang dumampi ang palad nito sa balikat niya, ewan ni Kara pero may kung anong... paano ba niya ipapaliwanag— energy? Yeah, something like that. Parang may kakaibang energy na nagpasikdo sa puso niya. It was so strange, yet it was very noticeable.

Kaya nag-angat siya ng mukha. Sa kabila ng pagdaramdam, napansin ni Kara na parang pamilyar sa kanya ang babae. No, hindi ang babae... kundi ang mga mata nito. It was as if she had already seen those pair of eyes.

Hanggangsa matagpuan na lang ni Kara ang sarili na nagbubukas ng saloobin sa babae.Hindi niya alam kung dahil ba tama ito at kailangan niya ng makakausap sasandaling iyon, o dahil palagay ang loob niya rito. Kara could feel aconnection between them."I...I'm d-dying," nagsisikip ang dibdib na sabi niya at hindi napigilan ang paghagulhol. Pakiramdam ni Kara ay pasan-pasan niya ang bigat ng mundo sa mga balikat niya. At parang hindi niya kakayanin. The weight was too heavy and it was crushing her to the ground.

Nanginginig ang labi na nagkuwento siya.

Patuloy na umaagos ang mga luha niya. Parang mga preso ito na nabigyan ng pagkakataong makalaya kaya nag-uunahan sa paglabas sa mata niya. It felt like... like god has decided to knock her off. Para bang sinasabi na; "Hoy, Kara, masyado kang masaya, masyadong perpekto ang buhay mo kaya 'eto ang sa 'yo. Tingnan ko lang kung makakangiti ka pa pagkatapos nito."

She started hitting her chest. Napakasakit at napakasikip kasi ng dibdib niya. Hindi niya kaya. Hindi siya makahinga nang maayos.

The stranger stopped her and held her hand. Saglit na natigilan si Kara. She almost gasped. Pamilyar na pamilyar ang init ng palad nito sa palad niya. Parang kilala niya iyon. Katulad ng kung paanong kilala niya ang init ng palad ng papa niya o ng mama niya. The stranger's hand had that kind of effect on her.

"S-sige, ha. A-aalis na ako. S-salamat sa p-pakikinig mo," sabi ni Kara pagkatapos magkuwento. Tumayo na siya at dali-daling umalis.

"Magkikita pa tayo, Kara."

Natigilan siya. Nagtataka. "H-hindi ko naman sinabi sa 'yo kung sino ako, 'di ba?" Sigurado siya, hindi siya nagpakilala sa nurse.

Ngumiti ito. That eyes... that eyes... saan ko ba nakita ang mga matang iyan? Bakit napaka-pamilyar ng babaeng ito? 

Magkikita uli tayo, Kara, at sa muling pagkikita natin gagawa ka ng isang malaking desisyon.

  Nanlaki ang mga mata ni Kara. Bumuka pa ang bibig niya sa pagkabigla. Narinig niya ito sa isip niya! Hindi bumuka ang labi nito para magsalita, and yet, narinig niya ito sa isip niya! What was that?

 

  Angnagri-ring na cell phone niya ang pumukaw sa naglalakbay niyang isip.

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon