Part 23

3.7K 96 4
                                    

NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Santi mula sa kanyang mga magulang patungo sa ama ni Kara. Ipinatawag niya ang mga ito dahil may sasabihin siya. Isang importanteng announcement na hindi niya maipagpapaliban pa.

Lahat ay tahimik, tila naumid ang dila sa kanyang sinabi.

Ipinatong ni Santi ang mga tuhod niya sa ibabaw ng mga hita bago sinalo ng mga palad ang mukha. He closed his eyes and took deep breaths. Agad din naman siyang umayos ng upo. "Wala ba kayong sasabihin...?" tanong niya. "Pakakasalan ko na si Kara. I will make her my wife, my better half. I will give her my name," pag-ulit niya sa sinabi kanina. "Inaasahan n'yo na rin naman na doon ang punta namin ni Kara, pinaaga ko lang. L-life never goes exactly as planned," nabasag ang boses niya dahil sa sinabi.

Nagbago ang buhay niya, nila, mula nang ma-diagnose si Kara na may cancer. It was so hard. Parang siya ang biglang tinaningan ng buhay dahil bigla-bigla naging malabo ang bukas. Nagpapakatatag lang siya, but damn... damn.

"Son..." anang kanyang ina. Hinagilap nito ang palad ng kanyang ama na katabi nito at mahigpit na humawak roon.

"H-hindi na kayo makapaghintay na maging anak ninyo si Kara, hindi ba, Mommy?" tanong niya. Naging madalas ang pagpikit ni Santi, sa pag-asam na mapigilan ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata.

"I'm afraid, hindi gumagana ang treatment at gamot kay Kara. It's like, nagawa ng cancer cells na bumuo ng immune system para labanan ang ano mang drugs na ginagamit namin kay Kara. I'll be very honest with you Santi, kalaban na natin ang oras," iyon ang sabi sabi sa kanya ng doctor. Hindi niya iyon matanggap. Hindi kailanman matatanggap.

"Tinanong mo na ba si Kara?" His father asked.

"Not yet. Gusto ko munang ipaalam sa inyo ang plano ko at hingin ang blessings ninyo kung maaari." Binalingan niya ang mga magulang ng dalaga. "Tito, gusto kong hingin na sa inyo ang kamay ni Kara. Hindi ko siya sasaktan. Pangako."

"Hindi mo siya sasaktan. P-pero ikaw... i-ikaw m-masasaktan ka niya..." anang nanginginig na boses ng ama ni Kara. At alam niya ang gusto nitong ipakahulugan. Na malaki ang posibilidad na iiwan siya ni Kara.

Nag-iwas ng mga mata si Santi. He tried to blink the tears away. Naninikip ang dibdib niya, nananakit ang lalamunan. "I...I d-don't know if I'll be ready," parang sasabog ang dibdib na sabi niya. He won't be ready. He will never be. "A-ang alam ko lang ay hindi lang sa saya at kalusugan ang pagmamahal ko kay Kara. Gagawa ako ng isang malaking desisyon at alam kung wala akong pagsisisihan sa bandang huli."

"Then marry her. Marry her katulad ng pangako mo noong mga bata pa kayo. Nasa likod mo kami, Son," anang kanyang ama na nangingislap sa luha ang mga mata. Tumango ito at ngumiti.

Kinagat ni Santi ang kanyang dila para pigilan ang umaalong emosyon. "T-thank you."  

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon