PAKIRAMDAM NI Santi niya ay nasa ilalim siya ng dagat at kailangang-kailangan na niyang sumagap ng hangin. Kaya desperadong lumangoy siya paibabaw para ilutang ang ulo niya. He was desperate for air. When he finally did it, malakas na suminghap siya. Sunod-sunod na huminga si Santi at pinuno ang baga ng hangin.
"Oh, my God. Oh, my God..."
"Santi, son. You're back. Thank God you're back."
Santi was disoriented. Iginala niya ang paningin sa paligid. His parents were crying. He realized he was in a hospital. Pero bakit? Ano'ng nangyari? Hindi siya makapag-isip. Parang blangkong-blangko ang utak niya.
"Santi, it's me, mommy," humahagulhol na sabi ng mommy niya.
"Son, kumusta ang pakiramdam mo? Nakikilala mo ba kami?"
Yes, nakikilala niya ang mga ito. Naging malikot ang mga mata niya. Hindi siya mapalagay. It feels as if there was something he should remember. "W-what happened?"
"Naaksidente ka sa may zigzag. Ayon sa mga pulis, nakatulog daw ang driver ng kotse, pagliko niya sa may zigzag ay tuloy-tuloy na tumumbok sa inyo ang sasakyan. The driver didn't make it."
Okay, nababalaghang sabi niya sa isipan. Pero parang may importanteng piraso ng puzzle na nawawala. He needed that piece of puzzle to complete him. Napatingin siya sa mga bulaklak sa bedside table. His eyes widened as if he could see beyond the flowers. Nakikita niya ang isang malaparaisong lugar. May dalawang tao doon at—
His eyes grew big. "Ka—ra!" bulalas niya. Automatic na nag-init ang mga mata sa pagbabalik ng alaala. "Mom, dad, where's Kara? Ano'ng nangyari kay Kara?" hindi magkandatutong tanong niya. Gusto niyang bumangon. He felt so hysterical. Kasama niya si Kara sa aksidente. Ano'ng nangyari kay Kara? Huwag naman sana na... na— no! hindi p'wedeng mangyari ang iniisip niya.
"K-Kara was..." nalilito at naaalarma ang mommy niya. Kumapit pa ito sa braso ng daddy niya. "Your wife was... was— Santi bakit ba hinahanap mo pa si Kara. H-hindi ba at—Ooh!" humagulhol ang mommy niya.
Ah, oo nga pala. Hindi niya dapat hinahanap si Kara dahil 'patay' na ito. "Y-yung babaeng kasama ko sa aksidente? Si Jessica? Where is she? What happened to her? Safe ba siya?" sunod-sunod at natatarantang tanong niya. Kahit nang dumating ang mga doctor ay hindi niya initindi ang mga ito.
Lumapit ang doctor. "Mister de Angelo—"
"I'm fine!" iritadong sabi niya. Binalingan niya ang ina. He was impatient. "Mom, answer me."
"Do you know her?" tanong ng mommy niya.
"Yes!" desperadong sagot niya. Tears stung his eyes. "Y-yes, mom. I know her. I know her..." buong emosyong sabi niya. I know her, mom. Wala akong ibang babaeng minahal kundi siya. Nalaglag ang mga luha.
Nagkatinginan ang mga magulang niya. "Please, son, kailangang matingnan ka muna ng doctor. You were in coma for a month at—"
Marahas na umiling siya. "I want answers first. Ano'ng nangyari kay Jessica? Where is she? Is she safe?" He was in coma for a month? God! He was having goosebumps. "Mom, si J-Jessica... I love her. Naiintindihan n'yo po ba? I love her!"
Natutop ng mommy niya ang bibig. Maging ang daddy niya ay nagulat. Pero sa kabila ng paggulat, kita niya ang saya sa mga ito. Siguro iniisip ng mga ito na... finally nagmahal uli siya. Finally he will live again.
Kung alam lang nila ang totoo.
BINABASA MO ANG
One Love, One Soul (completed)
RomanceMula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namaya...