Part 41

3.7K 92 2
                                    


BINUKSAN ni Jessica ang kanyang mga mata. Sumalubong sa paningin niya ang kulay puting kisame at ang incandescent lamp na nakakabit roon.

"Welcome back, Jess," sabi ng pambabaeng tinig. Ipinaling niya ang paningin sa pinagmulan ng tinig. Nakita niya ito sa bandang kanan niya, nakaupo sa isang silya na malapit sa kama. Nang makaramdam si Jessica ng pagpisil sa kanyang palad saka lang niya napagtuunan ng pansin na hawak nito ang palad niya. Masuyo at may bahid ng saya ang pagkakangiti nito tulad kanina. Mangiyak-ngiyak pa nga ang mga mata. Sa likod ng babae ay nakatayo ang isang lalaki na siya ring nakita niya kanina. Sa isang bahagi ng silid naroon at nakatayo ang dalawang doctor.

"Kumusta ang pakiramdam mo? K-kailangang turukan ka ng pampakalma ng mga doctor kaya nakatulog ka uli," anang babae.

Lumunok siya para pawiin ang panunuyo ng kanyang lalamunan. Sinubukan niyang magsalita pero wala pa ring boses na lumalabas sa kanyang lalamunan. Muli siyang naging emosyonal.

Lumapit ang mga doctor. Ang isa ay naupo sa gilid ng kama. Ang babae naman ay nagbigay-daan sa doctor. Binitiwan ng babae ang palad niya, ang sunod na namalayan niya ay ibang palad na ang may hawak sa palad niya. "Miss Franklin, ako si Doctor Bawer, we need you to cooperate with us para mas malaman namin ang kondisyon mo, okay?"

Luhaan man, nagawa pa rin ni Jessica na tumango. Yeah, according to then she was Jessica.

"I'll ask you a few questions. Kapag 'oo' ang sagot mo wala kang ibang gagawin kundi pisilin ang palad ko. Naiintindihan mo?"

Pinisil niya ang palad nito.

"Good," nasisiyahang tugon ng doctor. "Okay. Simulan na natin. Kilala mo ba sila?" Iminuwestra ng doctor ang babaeng bakas ang pag-aalala para sa kanya at ang kasama nitong lalaki.

The doctor waited for her answer pero hindi niya pinisil ang palad nito.

"Hindi mo sila kilala?" Sa tanong na iyon ay pinisil niya ang palad nito. Nagkatinginan ang dalawang doctor. "How about yourself. Kilala mo ba ang sarili mo?"

Hindi siya sumagot.

"Wala kang naalala kahit na ano tungkol sa iyon at kung bakit ka narito sa hospital?" Pinisil niya ang palad nito bilang pagsagot ng 'oo'.

"Okay," anang doktor. Itinigil na nito ang pagtatanong. Inabot ang chart na nasa bedside table at saglit na tiningnan iyon bago muling ibinalik sa kanya ang atensiyon. "Ikaw si Jessica Franklin."

Jessica Franklin. Napatingin siya sa babaeng umiiyak. "Ako si Lucille, kaibigan mo at kasama sa bahay. Siya naman si Vernon. A-asawa ko," anito.

Sinubukan niyang alalahanin ang mga ito. But, God! Kahit anong pilit niya na umalala ay walang nangyayari. Wala ni katiting na alaala sa kanyang isipan.

"More likely you're suffering from memory loss, Miss Franklin. Amnesia kung tawagin," sabi ng isa pang doctor. "Ang totoo ay inaasahan na namin ito dahil sa mga head injuries mo. Head injuries na nagkataong naroon sa bahagi ng utak mo kung saan nakaimbak ang mga alaala."

Oh, God! Napapikit siya. Pero bakit siya naaksidente? Ano ang nangyari? Bakit hindi siya makapagsalita? Bakit para siyang paralisado?

"Huwag kang matakot kung hindi ka makapagsalita, o kung hindi mo masyadong maigalaw ang mga paa at kamay mo. Don't worry, everything will be back to normal. May mga therapist at espesyalista na tutulong sa 'yo. Matagal mo kasi silang hindi nagamit kaya nagkaganyan. Pero huwag kang mag-alala, babalik din ang lahat sa normal."

Matagal na hindi nagamit? Ano ang ibig nitong sabihin roon. She knew anxiety was written all over her face.

"Hindi ka dapat binibigla sa mga impormasyon, Miss Franklin pero sa nakikita ko mas makabubuti kung malalaman mo na ang lahat ngayon. Are you sure you wanted to hear everything?"

Tumango siya. Sinenyasan naman ng doctor ang babae na Lucille ang pangalan. Muli itong naupo sa gilid ng kama. Lucille held her hand. "N-naaksidente ka, Jess. At..." Lumunok si Lucille. "A-anim na taon na ang...ang nakakaraan mula ng maaksidente ka. Y-you're in coma for six years."

Bumuka ang labi ni Jessica. Lumabas doon ang malakas na singhap. Naging malikot naman ang kanyang mga mata. Coma? Six years?! Saglit siyang natulala. Hindi maproseso sa isipan ang narinig. Anim na taon siyang natulog sa hospital na ito? Nanayo ang mga balahibo niya. Iyon ba ang sinasabi ng doctor kanina na dahilan kung bakit wala siyang boses at kung bakit para siyang paralisado? Because she was just there sleeping kaya kumbaga parang nangalawang ang boses at katawan niya?

Tumulo ang mga luha ni Jessica. Anim na taon ang nawala sa buhay niya. Ano ang mga na-miss niyA? What happened while she was sleeping? At si Lucille na kaibigan umano niya ang narito at nag-aalala para sa kanya. Bakit? Nasaan ang pamilya niya? Sino ba talaga ang isang Jessica Franklin?


One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon