NASA KOTSE na si Santi pero hindi pa rin niya magawang paandarin ang makina niyon. Natutulala siya sa nangyari. Hanggang sa mapasinghap siya ng maalala ang isang partikular na pangyayari anim na taon na ang nakakaraan. Noong kapistahan ng San Ildefonso. Siya at si Kara ay nasa plaza. Nang biglang lapitan sila ng isang babaeng taong-grasa at titigan nito si Kara.
"Ang ganda mo. Ang ganda-ganda mo," sabi nito.
She'd been protective of Kara then. Minsan kasi noong magsimba sila ng mommy niya ay makita silang babae na sinasabunutan ng namamalimos. Kaya sinikap niyang ilayo si Kara sa desimuladong paraan pero pinigilan siya ng asawa. Si Kara na noon ay payat at maputla na ay ngumiti lang. "Salamat. Gusto mong kumain? Doon?" Itinuro ni Kara ang isang stand ng ihaw-ihaw.
Akala ni Santi ay agad itong sasang-ayon sa alok na pagkain. Pero nanatili itong nakatitig kay Kara. "Sa pag-ulan ng mga bulalakaw, aalis at babalik ka," iyon lang at umalis na ito.
"Oh, God..." nananayo ang balahibo na usal ni Santi sa alaalang iyon. Nanunuyo ang kanyang lalamunan. Kinuha niya ang cell phone niya at nag-type sa Google ng mga salitang Soul Switching at Walk-Ins. Agad lumabas ang maraming link. Mayroon ding link ng testimonies tungkol sa Walk Ins at Soul Switching. Binasa niya ang ilan...
—Walk-in is a new-age concept of a person whose original soul has departed his or her body and has been replaced with a new soul, either temporarily or permanently...
—Believers maintain that it is possible for the original soul of a human to leave a person's body and for another soul to "walk in". Souls are said to "walk-in" usually during an accident or trauma.
—Walk-in can be a soul exchange in which a new soul takes up residence in the body of a soul that walks out–one who has completed a mission on Earth or is ready to leave due to unbearable life circumstances. The walk-in soul agrees to complete the contract left by the walk-out soul. Rather than having a body die in order to release the soul from its incarnation, another soul steps in and picks up where the previous soul left off.
—In Soul Switching, an advanced Soul walks into a body that was formed by another Soul during the body's childhood years as a karmic matrix for the advanced Soul's greater development.
—In cases of Soul Switching, "someone else" occupies the body. Know that there was a reason why the Soul Switching was agreed to in the first place.
Santi couldn't breath. Parang puputok ang dibdib sa emosyong nagsisisiksikan roon. Hanggang sa manlabo ang mga mata niya. Namuo roon ang mga luha at tuloy-tuloy iyong pumatak.
Bumalik si Kara. Binalikan siya ni Kara...
That's the reason why Jessica felt so right in his arms. The reason why he could see Kara in her. Because she was his Kara.
Pinunasan ni Santi ang luha sa mga mata. He started the engine of his car. Alam niya kung saan makikita ang asawa.
BINABASA MO ANG
One Love, One Soul (completed)
RomansaMula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namaya...