Part 26

3.6K 95 0
                                    


"MRS. SANTINO de Angelo..." anang boses ni Santi habang pumulupot sa katawan niya ang braso nito. Sumandal naman siya sa malapad na dibdib nito. He planted a soft kiss on her head. "How does that sound? Hmm?"

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. "Sounds s—o wonderful," aniya bago patagilid na tiningala ang asawa. Asawa. Kasal na sila. Nagkaroon na ng katuparan ang pangako at pangarap na nabuo noong mga bata pa sila. Nagsalo sila sa isang malagkit na titig at masuyong ngiti. Nang mangalay ang kanyang leeg ay ibinalik na niya ang paningin sa tanawing hinahangaan. Pagkatapos ng seremonyas ay agad na silang umalis at pumunta sa rest house. Napag-usapan na nila ni Santi na doon sila pansamantalang titira. She loves it there. There was a man-made lake at the backyard! Ang malawak na terrace sa likod ay nasa dulo na ng lawa. Mula naman sa terrace ay may malapad na tulay patungo sa kabilang dulo. In fact, naroon siya ngayon sa tulay na iyon at pinagmamasdan ang makukulay na isdang Koi na kasama ang halamang lotus. Sa dulo ng tulay at hangganan ng lake ay nakahilera ang mga punong nagbibigay lilim sa isang duyan at rocking chairs. 

"This is simply paradise, Santi. Kahit noon pa gustong-gusto ko na dito. Puwedeng lumipas ang maghapon ko rito na hindi ako mababagot."

"As planned, dito muna tayo titira pansamantala. Pero siyempre, gusto kong..." bumuntong-hininga ito. "...gusto kong sa Maynila tayo tumira para malapit sa pinakamagagandang hospital na may pinakamagagaling na doktor—alam mo na. At uhm, since wala pa akong trabaho. Binigyan ako ni Daddy ng authorization para ma-access ang trust fund ko para makatulong sa pagsisimula natin."

Humarap siya sa asawa. Ikinawit niya ang mga braso niya sa balikat nito at pinagsalikop ang mga palad sa likod ng batok nito. Ang mga palad naman ni Santi ay humawak sa magkabila niyang baywang. "Kung ano sa palagay mo ang makabubuti para sa atin," aniya bago ngumiti ng matamis. "Pero gusto kong ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo. Magiging maayos naman ako sa bahay. Naroon lang ako at maghihintay sa guwapo kong asawa."

"Okay. Your wish is my command."

"Okay."

"Pagod ka na ba?"

"Not yet."

"Sigurado ka?"

"Oo nga. Bakit ba?"

Inilapit ni Santi ang mukha sa kanyang mukha, hanggang sa magbungguan ang kanilang mga ilong. Tumawa ito. Napahagikhik din siya. Hanggang sa mawala ang halakhak at hagikhik at mapalitan iyon ng maiinit na sulyap at pilyong ngiti.

Mas inilapit ni Santi ang mukha. Umanggulo ito hanggang sa halos dumadampi na sa labi niya ang labi nito. Kara took deep breathes. She filled her lungs with his husband's sweet and warm breath. Then his lips finally touched her lips in a feather-light caress. Bumuka ang labi niya at hindi napigilan ang singhap sa pagdagsa ng masarap na sensasyon sa kanyang katawan. Para iyong mumunting alon na humahampas sa bawat himaymay ng kanyang katawan. And to think that it was only a light kiss. "I love you, Kara," anas ng asawa niya. "You're my life..."

"I love you, too," she answered, panting. Nang muling umabante ang mukha ni Santi para angkinin ang labi niya ay uhaw na sinalubong niya ito. They kiss hungrily and passionately.

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon