Part 29

3.7K 95 0
                                    


Marakaraan pa ang ilang minuto saka humupa ang sakit na nararamdaman ni Kara. Humihikbing isinubsob nalang ni Kara ang mukha nito sa dibdib niya.

"Shhh..." Patuloy na hinahaplos ni Santi ang likod ng asawa. "Sleep now, sweetheart," sabi niya nanag makitang unti-unting hinihila ng antok si Kara. She was so tired. Bakas na bakas sa mukha ang pinagdaanang hirap. "Hu—huwag kang matakot, babantayan kita. Hindi kita iiwan. I—I promise." Garalgal ang boses na pangako niya. Ah! Pakiramdam niya ay puputok na ang dibdib niya dahil punong-puno na iyon ng pinipigilang emosyon. Gusto rin niyang sumigaw ng pagkalakas-lakas para pagaanin ang namimigat niyang kalooban pero pinigilan niya ang sarili. He had to be strong for her. Sa kanya kakapit si Kara, he'll be her only anchor when she's in pain. Kailangang maging matatag siya para rito. Kailangan niyang itago ang sarili niyang pagdurusa, iiyak na lamang siya at maghihinagpis kapag wala ng nakakakita sa kanya.

"L-life is so unfair..." muling ungol nito, para siyang tinadyakan ng paulit ulit nang makitang tumutulo pa rin ang mga butil ng luha sa mga mata nito kahit nakapikit ito. Maging sa pagtulog ay umiiyak ito. Gaano kasakit na makita iyon ng tulad niya na nagmamahal pero walang magawa para pawiin ang pagdurusa nito.

Maingat na niyakap niya ang asawa. "I-Indeed... Life is indeed unfair. So unfair." Tahimik na umiyak si Santi. No. Hindi siya susuko. He will fight for her. Kahit na napababa ng percentage ng mga nakakaligtas sa ganoong uri ng leukemia, patuloy siyang aasa, maniniwala, at magdarasal na makakaligtas si Kara.

Sa nakalipas na mga buwan ay siya ang nasa tabi ng asawa kapag nagpapa check up ito. Noong huling check up ay inirekomenda na ng doctor ang isang klase ng theraphy, ang radiation theraphy. Kung saan sa pamamagitan ng radiation ay papatayin ang mga cancer cells. Napapatay naman ang karamihan. Subalit sadyang agrisibo ang uri ng leukemia ni Kara. Mabilis pa rin ang pagdami ng mga immature white blood cells sa katawan ng iyong asawa. It became chronic. Ang mga immature cells ay mabilis na nagmamature at nagiging T-Cell Leukemia. As I've said, this rare kind of leukemia is aggressive and has predilection for blood, bone marrow, lymph nodes, liver, and spleen, and skin. Dahil sa kaagrisibuhan nito ay patuloy na nasisira ang sistema ng iyong asawa, anang doctor noong huling check up ni Kara.

"Kung hindi epektibo ang radiation theraphy at chemotherapeutic drugs. Subukan natin ang iba, Doc. Subukan natin ang kahit na ano. How about bone marrow transplant?"

"Kapag malakas na si Kara at kaya na ng katawan niya, isasailalim natin siya sa stem cell transplantation."

Marami ng treatments ang sinubukan tulad ng purine analogues, chlorambucil, at kung ano-anong uri ng chemotheraphy pero hindi niyon magawang labanan o puksain ang mga cancers cells ni Kara. Maging ang gamot na Alemtuzumab na umaatake sa mga white blood cells ay hindi rin gaanong epektibo dahil parang nai-immune nga ang mga cancer cells. It was just so devastating kapag hindi sila nakakakuha ng positibong resulta. Para bang ipinapahiwatig niyon na wala na silang magagawa. Pero hindi, hindi siya susuko. Patuloy na hahanap siya ng lunas para sa asawa.



BINUKSAN NI Jessica/Vaya ang kanyang mga mata. Agad nawala sa balintataw niya ang eksena ni Kara at Santi. Pinahid niya ang luhang namalibis sa magkabila niyang pisngi. Ah, nitong mga nakaraang araw ay nagiging napakabigat na sa dibdib na panoorin ang mga nangyayari kay Kara. It was breaking her heart. Patuloy na lumalala ang kondisyon ni Kara. At si Santi...nakakadama siya ng habag sa lalaki. Nagpapakatatag lamang ito pero sa loob ay wasak na wasak na.

Mamamatay si Kara. Walang medisina o siyensa na makakapagsalba rito. Kara will die. It was inevitable. At si Santi ay maiiwang miserable.

Bumigat ang puso ni Jessica/Vaya.

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon