Part 46

3.5K 99 14
                                    


ILANG SAGLIT pa at ipinarada na ni Santi ang sasakyan sa parking lot ng hospital. "Magiging mabilis lang ako. Kung gusto mo, doon ka na muna sa coffee shop. I'll give you a ring kapag paalis na tayo."

"Sige, Boss."

Hinubad ni Santi ang suot na sunglasses at inilagay iyon sa dashboard. Kinuha niya ang susi ng sasakyan, pati na rin ang cellphone niya bago siya mabilis na umibis ng sasakyan. Pagkuwa'y malalaki ang hakbang na tinungo niya ang entrada ng hospital. His cousin is in the tenth floor. Paglabas sa elevator ay tumunog ang cell phone niya. Santi checked his phone. Nang makitang si Rigor ang tumatawag ay tinanggap niya ang tawag.

"Rig," aniya.

"Santi, hey, buddy, magkakaroon ng party sa company. Be there, alright?"

Lumiko siya sa isang hallway. "Tingnan ko muna ang schedule ko at—"

"Oh, come on, man!" putol nito sa kanya. "Find time. Make time."

Santi sighed subtly. "Okay," aniya. "Asahan mo ako."

"Cool. See you there."

Narating niya ang silid ng pinsan. Dahil hindi pa sila tapos mag-usap ni Rigor ay hindi na muna siya pumasok. Nang matapos ang tawag ay nag warning knock muna siya bago pinihit ang seradura ng pinto at tuloy-tuloy nang pumasok. Pero natigilan siya nang mapagtanto niyang ibang silid ang napasok niya. Imbes na ang pinsang lalaki ang nakahiga sa hospital bed ay ibang tao ang naroon. Babae. Nakatayo ito sa may paanan ng kama, gamit ang stainless walker. Nakayuko ito kaya nakakurtina ang mahabang buhok sa mukha.

Pagkatapos ay tila slow motion na nag-angat ito ng mukha sa direksiyon niya. And... Santi was shaken. Tila may kung anong pumitik sa puso niya.

"K-Kara?!" bulalas niya kasabay ng paglukob ng kung anong malamig na hangin sa katawan. Parang binigyan ng matinding electric shock ang walang buhay niyang puso. So his heart was now beating and wildly pumping against his chest. Adrenaline rushed through every vein, through every fiber of his being. Pakiramdam ni Santi ay bumangon siya mula sa kanyang hukay at nagkaroon ng pangalawang buhay. He saw light, he saw life, he saw love. He saw his Kara...

Subalit bago siya tuluyang matulala ay natuklasan niya na dinadaya lang siya ng kanyang paningin. Sa pagkisap ng mata ay nakita niya na hindi iyon si Kara.

Of course, she isn't my Kara... Muling bumigat at sumikip ang dibdib ni Santi.

 

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon