Part 58

1.6K 57 0
                                    


"WELCOME HOME, Ma'am Jessica!" sabay-sabay na pagbati kay Kara ng mga kasambahay nang makababa siya ng kotse.

Kara gave them a cheerful smile. She finally recovered. Nakakalakad na siya at nakakapagsalita nang maayos. Normal na ang lahat sa kanya. At ngayon ay lumabas na siya ng hospital. The doctor said she was as good as new. 

"Maraming salamat sa inyong lahat," sagot niya bago itinuon ang paningin sa mansiyong nasa kanyang harapan.

Wow, she uttered in amazement. The mansion was breathtaking. Hindi pumayag ang mag-asawang Lucille at Vernon na hindi siya roon tumuloy. At least ay doon daw muna siya ng mga ilang buwan lalo pa at vulnerable pa siya dahil sa nawawala niyang alaala. Kapag daw nakapagdesisyon siya na gusto na niyang bumukod ay wala umanong problema.

"Come on, Tita Ninang, let's go inside," excited na wika ni Jordan sa kanya kasabay ng paghawak nito sa palad niya. "I'll show you your room."

Nilingon niya sina Vernon at Lucille. "Welcome home," anang mga ito. Nagpasalamat siya.

"Let's go na po, Tita Ninang." Nagpatianod si Kara nang hilahin siya ni Jordan papunta sa porch ng bahay hanggang sa makapasok sa sala.

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon