Part 77

2.1K 84 27
                                    


SAN ILDEFONSO, rest house

NAKARATING AT nakapasok si Kara sa bahay ng walang aberya. Sa kabilang lupain kasi siya dumaan at hindi sa properties ng mga de Angelo. Thank God wala namang naging problema.

And she cried a river nang makita niyang maayos ang rest house. Iyon pa rin ang ayos ng rest house na iniwan niya anim na taon na ang nakararaan. Maging ang mga gamit niya ay naroon pa rin. Walang ginalaw, walang inalis o binago ng posisyon. Her pictures were there. Hindi niya maiwasang maiyak sa tuwing makikita niya ang bawat sulok ng bahay. All the memories were there; buhay na buhay, iniingatan.

It's been a week since her revelation. Sa isang resort siya tumutuloy. At ilang beses na rin niyang nakita ang papa niya sa bayan. Gusto niyang lumapit pero hindi niya alam kung papaano. Maging ang mga magulang ni Santi at mga kaibigan nila ay nakikita niya. Hindi nga lang talaga niya alam kung papaano lalapit. It was so hard. Really hard. Salamat na lang at isolated ang rest house. Walang ibang tao na nakakakitang naroon siya.

Huminga siya nang malalim. Isinaksak ni Kara sa TV ang flash drive na nakita niya sa silid ni Santi, ang silid nila noon. Naupo siya sa sofa. Pinindot niya ang remote control at pl-in-ay iyon. Bumulaga sa TV screen ang isang babae. Siya iyon, si Kara. In her old body. Naglilipat siya ng halaman sa isang paso.

"Gaano mo ako kamahal?" sabi ng boses panlalaki sa video bagamat nananatiling nakatutok sa kanya ang camera. Automatic na nag-init ang mga mata ni Kara. Si Santi iyon. He was filming her.

Tumingin ang babae sa camera. Bagaman maputla at halatang may iniindang karamdaman ay nagawa pa ring ngumiti nang matamis. The love was shining in her eyes. It was so bright. So unmistakeable. "Mahal na mahal na mahal."

Tuluyang naiyak si Kara. Ang maiinit na luha ay nalaglag mula sa mga mata at namaybay sa kanyang mga pisngi.

Gumalaw ang camera. Ang sunod na nakita niya ay ang mukha ni Santi. Itinutok nito sa sarili ang camera.

"Heard that? Mahal na mahal na mahal daw niya ako," anito, obvious na ang lalaki ang may hawak ng video cam. Lumigid ito sa tabi ng babae, siniguradong nakatutok pa rin ang video cam bago hinagkan ang babae.

"God, Santi..." Kara cried. She couldn't control her tears. Sumisikip ang dibdib niya. Dali-daling pinatay niya ang TV at humagulhol.

Natigil lang siya sa pag-iyak nang marinig ang kanyang cell phone na nagri-ring. Tumahip ang kanyang dibdib. Sa kung anong dahilan ay alam niyang ang kanyang asawa iyon. Kinalma ni Kara ang sarili. She checked her phone. Si Santi nga. Bumuga ng hangin si Kara, ilang beses na tumikhim bago tinanggap ang tawag.

Hindi siya nagsalita. Hindi rin naman agad nagsalita si Santi. Then she heard him sighed. "I'm sorry..." anito. Kara bit her tongue to suppress her raging emotion. Gusto na naman niyang humagulhol ng iyak. "J-Jessica, I'm sorry about what I did to you. God, I'm so sorry. Hindi ko sinasadya. Nadala ako ng galit ko. Patawarin mo ako, Jess..."

"N-naiintindihan ko naman," basag ang boses na sagot niya. Namaybay ang mainit na luha sa mga pisngi niya.

"Jess, w-where are you?" tanong nito, kalakip ng boses ang pangungulila. "W-wala ka sa unit mo. Ayaw namang ituro ni Lucille kung nasaan ka. Where are you? Magkita tayo, mag-usap tayo."

"S-sabihin mo na kung... k-kung ano ang gusto mong sabihin."

"Jess..." daing nito, halatang nahihirapan. "C-can we start over? Hindi kaila sa 'yo na mahal ko pa rin si Kara pero... I don't know I'm missing you—"

"H-hindi si Jessica ang nami-miss mo kundi si Kara," putol niya dito.

"Well, yeah. I..." malalim ang buntong-hininga na pinakawalan ni Santi. "M-magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi. B-but... I want to give us a try. G-gusto kung subukan na makita ka bilang ikaw. At hindi bilang si Kara. Give me a chance. Magsimula uli tayo, Jess. I'll try so hard this time. At—"

"Ako si Kara," putol niya rito.

"Jessica!" mataas ang delikadong tinig na sabi nito, may pagbabanta roon. "I told you not to bring that subject again. Do not go that far. Please! My wife died in my arms! In my arms, Jessica!" galit na sabi nito. "Hindi pa ba sapat sa 'yo na inaalok kitang magsimula uli? Hindi pa ba iyon sapat, ha, Jessica?!"

She cried. "Alam kong mahirap paniwalaan, pero ako ito, Santi. Ako—" Wala na, pinutol na ni Santi ang tawag. Mariing napapikit siya. God, what to do? Inaalok siya ni Santi na magsimula uli, siya bilang si Jessica. God! Parang mababaliw na siya. Ano ba ang dapat niyang gawin? Tanggapin ang alok nito at magsimula uli sila bilang siya si Jessica. Dahil siya naman talaga si Kara. At sa sandaling magsimula uli sila, alam ni Kara na ang sinasabi ni Santi na damdamin nito para kay Jessica ay lalago. He will eventually love her the way he loves Kara! No. He won't love her as Jessica. He will still love her as Kara. Dahil siya naman talaga si Kara.

Hinamig niya ang sarili. Tinawagan niya ang asawa. Pero hindi ito sumasagot. Laging dumederetso sa voice mail box ang kanyang tawag.

Ayaw siya nitong sagutin? That's fine. Ayaw din naman niyang maistorbo habang nagkukuwento siya. Marami silang secret na silang dalawa lang ang nakakaalam. Ah, she knew everything about him. Tingnan lang niya kung hindi pa ito maniwala. Nagsimula siyang magsalita...

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon