Part 82

1.7K 58 1
                                    


A VAST meadow of flowers. Hanggang sa naaabot ng mga mata ni Kara ay puro bulaklak ang nakikita niya. Maaliwalas ang paligid. Humuhuni ang mga ibon. Presko at malamig ang samyo ng hangin. Kara feels so light. Bahagyang inililipad ng hangin ang buhok at laylayan ng bistida niya. Hindi niya alam kung nasaan siya pero hindi nakakabingi ang katahimikan doon. Magaan ang pakiramdam niya at—

"Kara!"

Biglang may pumintig na kung ano sa kalooban niya. It was her heart. It was beating wildly. Lumingon si Kara sa pinanggalingan ng boses. She gasped when she saw him. Nasa kabilang dulo ito ng field. Mga bulaklak ang tanging naghihiwalay sa kanila. Suddenly, all the memories came crashing back to her. That man, that was the love of her life. That was her destiny. Her soulmate.

Napahikbi siya. "S-Santi!" pagtawag niya. Tumakbo siya papalapit rito. Kung p'wede lang na lumipad, o mag-teleport ay kanina pa niya ginawa. Santi run towards her, too. He run as if he was running for his dear life. Kita niya ang butil ng mga luhang kumikislap sa mga mata nito.

He reaches for her. She reaches for him. Ramdam niya ang tibok ng sariling puso. Naririnig din niya ang tibok ng puso ng lalaking mahal. Their heart was beating as one. Nang magpang-abot ay mahigpit na niyakap nila ang isa't-isa. She just closed her eyes and savor the moment. Ah, parang umawit ang mga anghel sa naging pagtatagpo nila.

Maya-maya pa ay ikinulong ni Santi ang mukha niya sa mga palad nito. He stared at her lovingly. Muling kumislap ang luha. "K-Kara..." nanginginig ang labi na usal nito. Tumaas ang palad ni Santi at hinaplos ang pisngi niya. Idinikit naman niya ang pisngi sa humahaplos na palad nito, umaamot ng mas maraming init.

"W-we're... we're in soul form, aren't we? Naaksidente tayo." Kakatwang walang takot o pagpapanic na nararamdaman si Kara. She was just happy, so happy to be with him. "Are we already dead?"

"Maybe," sagot ni Santi. Hindi ito kumukurap sa pagtitig sa kanya. "I don't know. I don't care as long as you're with me now. I love you so much, Kara."

She sobbed. "Kung soul tayo... K-kung ganoon nakikita mo ang tunay na Kara?"

Tumango si Santi kasabay ng tuluyang pagtulo ng mga luha nito. "My eyes can see you now. Pero matagal ka na palang nakikita at nakikilala ng puso ko. Kaya pala, kaya pala..."

Pinahid niya ang mga luha nito. She smiled at him. Ibinalik nito ang ngiti niya. They were so in love na walang ibang sumusungaw sa mga mata nila kundi pagmamahal. And the tears, they're tears of joy.

Then they start playing at the field. Parang bata na naghabulan sila't nakipaglaro sa mga ibon. Their laughters echoed across the meadow. Their love painted the surroundings in red. Nasa mga palad nila ang mundo sa sandaling iyon. They felt complete and peaceful. Walang pakialam sa oras. Walang pakialam kung nasaan sila... ang mahalaga ay magkasama sila.

"Gusto mong malaman kung papaano nangyari ang lahat? Kung papaanong nabuhay ako bilang si Jessica?" she asked grinning.

"Yes. Yes, please."

Hinawakan niya ang palad ng asawa. They started walking in the field of flowers. Hindi alam kung saan sila pupunta. "It all started with Jessica's accident..."


One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon