Part 62

1.9K 84 10
                                    


KARA BIT her lower lip. Hindi lang niya gustong makita ang asawa. Gusto niya itong yakapin at halikan. Gusto niyang umiyak sa dibdib nito. She wanted to share a laugh with him. Ah, marami siyang gustong gawin, maraming gustong sabihin. But because she had a complicated situation her hands were tied and her lips were sealed.

Pero nakaisip na siya ng paraan. Siya ang lalapit nang lalapit kay Santi. Kung kailangang maging agrisibo siya... then so be it. Ang mahalaga ay mapasok niya ang mundo ng asawa bilang si Jessica. And then she'll test the water. Kapag lulong na sa kanya ang asawa at sa tingin niya ay kaya na nito na intindihin ang lahat, at saka niya ipagtatapat dito ang totoo. Yes, sasabihin din niya rito ang totoo. He deserves to know the truth. In due time...

"At bakit mo naman ako gustong makita?" tanong ni Santi. Hindi sigurado si Jessica kung amusement ba iyong kislap na nakikita niya sa mga mata nito. Suddenly, his formidable expression was turning into something hot. God, he is so gorgeous.

Ipinatong niya ang siko niya sa ibabaw ng mesa at nangalumbaba siya, ang mga daliri niya ay tumapik-tapik sa kanyang pisngi habang nakatitig rito. Hindi nakaligtas sa kanya nang matigilan si Santi at mapatitig sa ginawa niya. She knew why. Dahil isa sa mga mannerisms ni 'Kara' ang nakita nito. Napapansin nito ang lahat ng bagay na may kinalaman kay Kara. Hindi niya malaman kung matutuwa o malulungkot. Pero nakakaramdam siya ng pagpisil sa puso niya. This man was still loving her all these years that she was 'dead'. Anim na taon siyang nawala pero ni minsan hindi siya nawala sa puso at isipan ng asawa. Masaya siya, oo. Pero nakakalungkot dahil hindi niya ma-imagine ang lungkot at pagdurusang nasa dibdib ng asawa. Pinapangako niya si Santi na hindi nito sasaktan ang sarili, na patuloy itong mabubuhay kahit wala na siya. But look at him now... he was living, yes, but he's also miserable. Pinipilit nito iyong itago pero kilala niya ito. Alam niya kung papaano ito mag-isip. Alam niya ang kahulugan ng bawat kibot ng katawan nito.

Oh, God...

"Hey..." ang naaalarmang boses ni Santi ang nagpabalik sa naglalakbay niyang isip. "Are you okay?"

Kara gathered herself. Saka lang niya na-realize na nanlalabo ang mga mata niya. She was about to cry, for Pete's sake. "I... I'm okay. I'm sorry..." natatarantang tumayo siya. Gusto niyang pigilin ang mga luha niya pero mukhang hindi iyon paaawat. God! Nagsisikip ang dibdib niya. She wanted to reach for him, kiss him and hug him, and tell him that's everything's gonna be okay now. Na narito na siya. Bumalik na siya. Na hindi na nito kailangang mangulila sa kanya dahil narito na siya. "I... I h-have to go. Sa-salamat sa oras mo." Shit! Tuluyan na ngang nalaglag ang mga luha niya. Napahikbi pa siya. Mabilis na tumalikod siya at halos takbuhin ang pintuan.

"J-Jessica!" pagtawag ni Santi.

Natigil siya sa tuluyang pagpihit ng door knob. Pinahid niya ang mga luha bago humarap dito. Nakita niya ang pagkalito sa guwapong mukha ng asawa. Nakatayo na ito at aktong hahabulin siya.

Oh, God, what to do?

The logic in her mind shuts down. Mas nangibabaw ang isinisigaw ng puso niya. Bumalik siya. Malalaki ang hakbang na binalikan niya si Santi. Lumigid siya sa likod ng desk nito. And before she knew it, her hands were already cupping his face. She didn't catch him off-guard dahil hindi naman niya agad inangkin ang labi nito. She stared at him. Binigyan niya ng pagkakataon ang sarili na pagmasdan ang asawa ng ganoon kalapit. Nasa mga mata pa rin nito ang pagkalito. Para bang gusto nitong bitiwan siya pero nagtatalo ang isipan nito.

It's me, Santi. Ako ito si Kara. Ako ito... Hear your heart. Hear your soul... sabi niya sa isipan.

Bumaba ang tingin ni Kara sa labi ng asawa. Lumunok si Santi. His Adams apple was moving up and down. Nangingibabaw na ang antisipasyon sa mga mata nito. As if he wanted, and can't wait to kiss her, too.

Ikiniling ni Kara ang ulo at bahagyang umabante. Hanggang sa mapasinghap na lang siya nang haklitin ni Santi ang baywang niya papalapit sa katawan nito. Naging balisa ang mga mata nito. "The warmth of your body... why? Why?" nalilitong bulong nito na mukhang para lang dapat sa sarili ang mga tanong na iyon pero nabigyan ng boses. And she gets it. Ang init ng katawan niya ay nagpapaalala rin dito kay Kara. Oh, well, everything about her will remind of Kara. Because she's Kara! Damn it.

Hindi siya nakatiis at inangkin na ang labi nito. Muntikan pa itong mapasinghap, but his gasp was trapped in her mouth. She kissed him. Her lips move against his lips lightly. To her amazement, his lips move and returned her kisses. Sinabayan ni Santi ang banayad na galaw ng labi niya. Banayad sa una. Nananantiya. Hanggang sa unti-unting lumalim ang halik. Hinalikan niya ito nang buong pangungulila at buong pagmamahal. Naging madalas at tila uhaw na hindi makapaghintay si Santi.

God, her heart and soul was crying. Finally! Finally she was in his arms again. He was in her arms again.

"Kara," may pangungulilang usal ni Santi sa pagitan ng paghalik. "Kara..."

She cried. Yes, it's me. It's me... sagot niya sa isipan.

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon