CHAPTER 1

8.8K 329 38
                                    

Megan's POV

Tumunog ang bell hudyat ng lunck break. Napatingin ako kay krystal dahil nilahad nito ang kaniyang palad sa aking harapan.

"Sabay kana sa'min kumain megan." Nakangiti nitong sabi. Napatingin ako sa paligid. Wala ng estudyante at kami na lang. Napatango na lang ako, wala din naman akong kasama. Ayoko din kumain mag isa. Hindi naman ako loner. Nawawalan din ako ng gana kapag wala akong kasabay minsan.


"Okay." Naglakad na kaming tatlo patungong cafeteria. Umupo kami sa isang mesa sa bandang gitna.

"Anong gusto mo megan? Libre ko na dahil unang araw mo naman dito." Alok sa'kin ni Alice.

"Hindi okay lang. May pera naman ako para makabili." Sagot ko na ikinasimangot niya. Hindi ko alam kung nasaktan ba siya sa sinabi ko o ano.

"Sige na kasi pumayag kana megan. Ngayon lang naman to." pilit nito. Mukhang hindi siya papapigil.

"Alright." tanging nasagot ko. Napangiti ito. Ang babaw niya. Tss.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong muli nito.

"Fried chicken, adobo, bicol express, two rice, hhmmmm tsaka gatas. Meron ba non dito?" Tanong ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa pagtawa niya ng mahina.

"Anong nakakatawa?" Irita kong tanong. Natahimik siya. "S-sorry, natatawa lang ako kasi matakaw ka pala." Napataas ang kilay ko.

"Thank you, I consider that as a compliment." Sagot ko sa iritadong boses.

"At lahat ng sinabi mo meron dito. May gusto ka paba?" Muli nitong tanong.

"May leche flan ba dito? O kaya cake? Gusto ko non eh." Sabi ko. Napatango naman siya. Sinabi din ni krystal 'yong gusto niyang kainin. Teka? Madadala ba niya lahat ng yun? Tatayo sana ako para tulungan si Alice kaso hinawakan ni krystal ang braso ko.


"Kaya na ni Alice yun tsaka marami naman na tutulong sa kanya." Nakangiting sabi ni krystal. Umupo na lamang ako ulit at napatingin kay Alice na naglalakad.

Akala ko pipila siya pero dumiretso siyang counter. Nakita ko ang estudyante na napapatabi sa pagdaan niya. Okay? Anong meron kay Alicia at okay lang sa kanila na mauna siya kahit na hindi na ito pumila?

Nang matapos si Alice sa pagsasalita ay mabilis na lumapit ang ilang kalalakihan at binuhat ang tray na may lamang pagkain. Tumaas ng kilay ko sa pagtataka. Anong meron? Bakit nila tinutulungan si alicia samantalang 'yong iba naman hindi?

"Here's your order."

Nakangiting sabi ni Alice pagkarating sa table namin. Nginitian naman ako ng mga lalaking naghatid at simangot lang ang ginanti ko sa kanila.

Naupo na si Alice at nagpasalamat sa tumulong sa kaniya. Tatanungin ko sana siya kaso nagugutom na talaga ako.

"Hinay hinay lang megan." Natatawang komento ni krystal habang nakatingin sa'kin. Inirapan ko lang siya kaya lalo siyang natawa. Problema ba nila?

"Uy ang daming pagkain ah? Pwedeng makisalo?." Napatingin ang mata ko sa lalaking kakarating lang. Yong kambal ni krystal.

Kukuhanin sana niya ang gatas at dahil hindi ko pa ito naiinuman agad kong tinapik ang kamay nito.

"Don't you dare touch what is mine." Sabi ko ng hindi siya tinitignan.

"O-okay" Weird nitong sagot. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko. Ang sarap talaga. Thanks to Alice.

GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon