Helloooo ebrywan! May bago akong story at pinamagatang HOPELESS Sana basahin at suportahan niyo rin gaya ng pagsuporta niyo sa Graven University. I love you all!!! https://my.w.tt/WXsCsrghiVhttps://my.w.tt/WXsCsrghiV.
Megan's POV
Dinala niya ako sa kaniyang kotse. Pinaupo niya ako roon. Umikot siya at may kinuha sa likuran. Nakalabas ang aking paa habang nakaupo sa front seat. Nakatulala lamang ako sa sugat na natamo ko.
Ilang sandali pa ay bumalik na siya at ginamot ang aking sugat. Hinayaan ko na lamang na gamutin niya ito. Mamaya ay may rabis ang mga lobong iyon! Nilagyan niya ng benda ang binti at braso ko.
"Napakatigas ng ulo mo." Malamig nitong sabi. Hindi ako nakasagot. Alam kong mali ko naman ito. Gusto ko lang talagang makatakas at makabalik sa eskwelahan.
"I just want to go back and save my friends." Paliwanag ko. Huminga siya ng malalim at tila pinipigilan ang sarili na magalit.
"Kapag hindi ako dumating sa eksaktong oras kanina ay baka kung ano na nangyari sayo!" Naitikom ko ang aking bibig. I know, it's my fault.
"I'm sorry." Bumaba ang tingin ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong humingi ng pasensya sa lalaking ito kahit kamakailan ko lamang ito nakilala. "Gusto ko lamang na makaalis kaya ko ito nagawa." Dugtong ko.
"Huwag mo na sana ito uulitin." Inayos niya ang upo ko. Huminga ako ng malalim. Babalik na kami sa mansyon. Umikot siya at sumakay na sa loob.
Ilang beses siyang bumuga ng hangin. Parang nakikipagtalo sa sarili. Nagtataka ko lamang siyang pinagmasdan. Iniatras niya ang kotse at iniba ang ruta. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Hindi na ito ang daan sa mansyon. "Where are we going?" Takang tanong ko. Hindi siya nagsalita. Huminga ako ng malalim at hindi na lamang nagtanong pa.
Halos dalawang oras na ata kaming bumabyahe. Hindi ko alam kung saan kami tutungo. Wala pa rin itong imik simula kanina. Ayoko namang istorbohin ito sa pagmamaneho. Huminto ang sasakyan sa isang malaking bahay. Pinaghalong puti at itim ang kulay nito. Wala itong mga katabing bahay kung meron man ay napakalayo.
"Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko.
"Dito ka magpapagaling." Sagot niya. Bumaba ito ng sasakyan kaya bumaba na rin ako. Naglakad na ito papasok sa loob at nakasunod lamang ako. Nawweirduhan ako sa sarili ko dahil nagtitiwala pa rin ako sa kaniya. Namangha ako sa loob ng bahay. Napakalinis at wala gaanong mga gamit. Nilibot ko ang paningin sa mga nakasabit na painting malapit sa hagdanan.
"Magluluto lang ako. Huwag mo ng subukang tumakas muli." Saad nito at dumiretso sa kusina. Bumuga ako ng hangin. Hindi ako makakatakas sa lugar na'to. Hindi ko nga alam kung nasaan ako. Pinagmasdan ko na lamang ang napakalaking painting ng isang matandang babae. Napakasosyal nitong tignan sa litrato. Nagsusumigaw ang suot at itsura nito ng karangyaan at autoridad. Napangiti ako ng maalala iyong lalaki kanina. Siguro'y ito ang kaniyang lola. Magkapareho sila ng presensya. Sa kabilang painting naman ay litrato ng isang buong pamilya. May isang bata at kasama nito ang kaniyang magulang. Pormal na kuha ito. Pinagmasdan kong mabuti ang litrato. Pamilyar silang tatlo, parang nakita ko na kung saan. Hahawakan ko sana ngunit narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...