CHAPTER 36

4.8K 239 45
                                        

Megan's POV

"Kaya mo na ba talaga?" Nag aalalang tanong ni grey.

"Anong tingin mo sa'kin? Mahina?" Naiiritang tanong ko sa kaniya. Napakamot naman ito ng ulo.

"It's not like that, concern lang naman ako." Napaiwas ako ng tingin sa mga titig niya at tumingin na lang sa tv.

"And wait? Why are you here? Dapat ako na lang ang pumunta sa dorm mo, megs." Seryoso nitong sambit. Hindi ko siya pinakinggan at kumuha na lang ng chips.

Nasa sala kaming dalawa habang nanonood. Wala pa yung iba dahil busy sila sa kaniya kaniyang ginagawa. Hindi ko rin alam kung bakit ako mag isang pumunta sa dorm ng isang to.

"Hey? I'm asking you." May pagkairita sa boses nito.

Napabuntong hininga ako. Kaya naman talaga ako napadpad dito kasi gusto ko siyang pasalamatan. Gusto kong sabihin sa kaniya na kung di dahil sa kaniya baka may masama ng nangyari sa'kin. Hindi ko nga lang alam kung paano ko yun sasabihin sa kaniya. Damn. It's fvcking hard.

"Ahm. Grey?" Great. Nahanap ko din ang salita ko. Hindi talaga ako sanay sa ganitong sitwasyon. I know how to say thank you pero hindi ko alam kung bakit nahihirapan ako pag siya na ang kaharap ko.

"Yes?" Nakangiti nitong tanong sakin. Nakagat ko ang labi ko dahil ginapangan ako ng kiliti este kaba. Damn you grey. You make things so complicated.

"I just w-want to..." Damn. Parang ilang bultahe ng kuryente ang gumagapang sa katawan ko. Kinakabahan ako. Hindi ito kumibo at hinihintay lang ang susunod kong sasabihin. "Ano kasi, gusto kong sabihin na ano..." Oright. I'm crazy. Simple words is very difficult to say...for me.

"What is that megs? C'mon. Say it. What is it?" Sambit nito. Napapikit ako at humugot ng lakas ng loob para masabi ang gusto kong sabihin sa kaniya.

"I just want to say thank you." Sagot ko. Nagtatakang tingin ang ibinigay niya sa'kin. Okay? What's with the stares?

"That's it?" Dismayadong tanong niya. "As in yun lang? Wala ng iba? C'mon megan. I know there's more. I want to hear it from you." Nakangiti niyang tanong.

Nagpasalamat na nga demanding pa. Anong klase tao to? Pero sabagay. May iba pa talaga akong sasabihin sa kaniya.

"Gusto kitang pasalamatan sa pagliligtas mo sa'min ni alice. Kung hindi dahil sayo baka patay na ako o kami. Thank you grey, for saving our lives." Nahihiyang sabi ko. Napayuko ako dahil sa mga titig niya. Ano kayang iniisip niya? Eh bakit ba kinakabahan ako? Ano naman paki ko sa iniisip niya? Damn megan. Calm down.

"You know what megan? Wala akong pakialam kahit mamatay ako mailigtas ka lang. At hindi ko rin alam kung napapansin mo yun. Alam mo bang halos ikadurog ng puso ko yung kalagayan mo ng gabing yun? Kung pwede lang na ako na lang sana ang nandun at hindi i-ikaw." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya at ang pag galaw ng kaniyang bagang.

"Grey." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.

"Alam mo ba kung anong nararamdaman ko sa mga oras na wala ka? Tangina. Lagi akong kinakabahan. Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa'yo o kung sinasaktan ka ba nila. At tangina nila. Tangina ng black na yan! Kung pwede lang na mamatay siya sa mismong mga kamay ko. P-pero papayagan kita na ikaw ang tumapos sa buhay ng gagong yun!" Tuloy tuloy niyang sabi. Tinignan ko siya. Nanginginig na ito at tila pinipigilan lang ang kaniyang sarili. Bakit ba ganito ka grey? Nong isang gabi ka pa. Pinapakilig mo ko.


GRAVEN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon