Megan's POV
Sinama ako nitong lalaking to sa dining area para kumain. Aayaw sana ako ngunit umaapaw ang autoridad sa kaniyang katawan. Wala akong gaanong nakikiting tagasilbi sa paligid. "What do you want to eat?" Tanong nito sa'kin pagkarating namin sa magarbong kusina ng mansyon.
"Any, will do." Sagot ko. Sandali kaming nagkatinginan hanggang sa ako na ang umiwas. Nagsisimula na rin siya sa kaniyang ginagawa habang ako'y inoobserbahan ang bawat galaw niya. Parang sanay na sanay ito sa kusina, mula sa pagmamaniobra ng mga kagamitan para sa pagluluto hanggang sa paghihiwa ng pagkain. Bawat galaw ay mas nadedepina ang laki ng kaniyang katawan. Hindi na siya naka tuxedo at naka simpleng puting tshirt at khaki short na lamang ito. He looks good on it. Damn!
Humalimuyak ang amoy ng niluluto niya sa buong kusina. Ang bango! Amoy palang masarap na. I want to taste it now. "Matagal pa ba yan?" Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Nilingon niya ako ng may ngiti sa kaniyang labi. Oh, no! Nakakahiya. Nang nakita kong malapit na itong matapos ay ako na ang nagpresinta na magayos ng mga plato na gagamitin. Inayos ko ito sa lamesa. Umupo agad ako pagkatapos. Inilapag naman niya ang pagkain sa harapan ko. Oh god!
"Carbonarra!" Lumapad ang ngiti ko sa nakita. Ang ganda tignan ng carbonarra na gawa niya. Ngumuso ako ako. Damn!
"Let's eat." Sinalinan ako nito sa plato. Nakatingin lamang ako sa ginagawa niya. "Go! Eat it." Tumango ako at tinikman na. Nahihiya tuloy ako dahil nakatitig lamang ito habang tinitikman ko ang niluto niya.
"How's it?" Tumingin ako sa kaniya at binigyan siya ng isang thumbs up. Ngumiti ito at nagsimula na ring kumain. Napaparami na ang kain ko. Hindi kasi ako nakakain kagabi dahil sa nangyari. Hanggang sa pinakadulo ng carbonarra ay walang palya. Busog na busog ako pagkatapos naming kumain. Magppresinta sana akong maghugas ngunit naunahan na ako nito. Hindi na lamang ako umalma at hinayaan siya.
Hinatid niya ako sa aking kwarto at binigyan ng damit upang makaligo at makapagbihis. Nagbabad ako sa bathtub. Binalot ng kaba ang aking puso ng maalala ang mga naiwan sa eskwelahan. Ano na kayang nangyayari sa kanila? Halos mag tatatlong araw na akong nawawala. Paniguradong hinahanap na nila ako. Nagaalala na si grey sa'kin.
Ano ba kasing binabalak ng mga taong nasa likod ng pagkuha sa'kin? Kung may masama silang balak bakit malaya akong nakakalakad sa mansyong ito? Lumubog ako sa tubig. Sana'y maging maayos na ang lahat.
Nang matapos ako'y agad akong nagbihis. Wala iyong lalaki sa kwarto pagkalabas ko. Umupo ako sa kama at sinuklay ang buhok. Ano ng gagawin ko ngayon? Kung mananatili pa ako dito baka kung anong mangyari sa kanila. Gusto kong malaman kung ano ng kalagayan nila doon. I need to do something. Hindi pwedeng nandito lang ako at walang ginagawa.
Dahan dahan kong dinungaw ang aking ulo sa labas ng kwarto at sinuri ang kabuuan. Walang tao. Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumabas. Komportable naman ako sa suot ko kung sakaling mapalaban ako. Sisiguraduhin kong hindi nila maituturok sa katawan ko ang mga bagay na iyon.
Bumaba ako sa napakalaki at engrande nilang hagdanan. Iyon lamang ang nagiisang daan paibaba. May isang tagasilbi ang naglalakad patungo sa isang kwarto kaya agad akong nagtago sa malaking pader. Mabuti na lang at spanish style ang mansyon. Maraming maaaring pagtaguan. Nang nawala na ay naglakad na akong muli. Pinapakiramdaman kung may paparating. Nasa pintuan na ako ng nagulat ako sa bumungad sa'kin.
"At saan ka pupunta?" Seryoso nitong tanong. Hindi ako makapagsalita. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko masagot ang tanong niya.
"I want to e-escape." Oh, right! Damn it megan! Kumunot ang noo nito sa sinabi ko.
"You cannot escape here." May pagbabanta ang tono ng kaniyang boses.
![](https://img.wattpad.com/cover/125924680-288-k112872.jpg)
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Misteri / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...