A/N: WALA NA ITONG EDIT EDIT PA HUHU
Megan's POV
Hindi na ako nagulat sa naging sagot niya. Alam kong hindi niya ako gusto. Kahit sino ay magkakaroon ng galit sa pamilyang sumira sa sarili mong pamilya. Nakakatawa dahil nong iwan kami ng aking ina para sa ibang lalaki ay labis ang sakit na aking naramdaman. Naiintidihan ko kung ganoon din ang nararamdaman niya para sa'kin. Hindi ko siya masisisi sa namuong galit nito sa puso. I can't blame her.
"Sapat na ba 'yon para gawin mo ito sa'kin?" tanong ko. Tinalikuran niya ako.
"Sapat na dahilan megan para maghirap ka." Hindi ako kumibo. Hinayaan ko siyang magsalita at ilabas ang lahat ng galit niya sa'kin at kay papa. "You stole everything from me." Mariin nitong sabi. Pumikit ako at inalala lahat ng nangyari noon. "Nang dahil sa papa mo ay nasira ang pamilya ko. Nagkahiwalay si mama at papa! I don't have a choice but to come with my mother. Nasira niyong dalawa ang masayang litratong pinapangarap ko para sa isang pamilya. You too ruined everything. Ang matagal ko ng pinapangarap na masayang pamilya." Hindi ako makatingin sa kaniya. May punto siya at hindi ko maipagkakaila na tama si ate. We ruined everything. I ruined everything.
"I-Im sorry..." Iyan lamang ang kaya kong sabihin sa kaniya. Hindi ko mahanap ang mga salita ko. Alam kong kasalanan ito ni papa pero kung hindi inagaw ni papa si mama sa kanila baka wala ako ngayon, baka hindi isinilang sa mundong ito. Pumatak ang aking luha. "I'm so sorry that we're ruined your family.........I'm so sorry." Nakayuko kong sabi. Hindi ko kayang makita ang kaniyang mukha. Hindi ko kayang salubungin ang galit sa kaniyang mga mata. Hindi ako kailanman naging mahina sa harap ng ibang tao maliban noong iniwan rin kami ni mama. Hindi ko inaasahan na mararanasan ko ang pait na naramdaman niya—Ang mawalan ng isang ina.
"Your sorry doesn't matter anymore. Nangyari na ang dapat mangyari. All I can do is to get my revenge," Puno ng pait at pagkamuhi nitong bigkas. Inangat niya ang aking panga upang makita ko ang ekspresyon ng kaniyang mga mata. "To you and to your damn father."
![](https://img.wattpad.com/cover/125924680-288-k112872.jpg)
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Misterio / SuspensoIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...