Grey's POV
Nasa dorm na kami ngayon ng mga babae at sa tingin ko ay malabong dito sila dalhin. Marami pa rin ang nandito at buhay. Nasa kaniya kaniyang dorm sila.
"G-grey?" Napalingon ako sa babaeng tumawag sa'kin. Napaawang ang bibig ko ng makita ang itsura niya. Kulay pula na ang puti nitong damit. May ilang parte din na napunit na at alam kong dahil yun sa kung anong patalim. May hiwa din ang kaniyang pisngi at natalsikan na din ito ng dugo. May benda ang kaniyang kaliwang hita at ganun din sa kaliwang braso. Hindi nakaligtas sa'king paningin ang hiwa niya sa leeg na gawa ng kung anong patalim. Napababa ang tingin ko sa hawak niyang baril.
"I'm tired." Bulong nito. Lumapit ako sa kaniya.
"Are you okay?" Tanong ko. Napabuntong hininga ako dahil natawa ito ng mapait.
"Kidding again, grey? Kita mo naman na sugatan ako at may mga benda diba? Mukha ba akong okay? Srsly?" Sarkastiko nitong sambit. Napailing na lamang ako dahil sa kapilosopihan niya.
"Magpahinga ka na sa dorm mo!" I suggest. Napailing ito.
"Magpahinga? Sa ganitong oras? Loko ka din!" Hinampas pa ako nito ng bahagya dahilan ng pagkunot ng noo ko. "Pero pwede din naman kung sasamahan mo'ko?" Nakangiti nitong sambit at marahan na hinaplos ang buhok ko. Napaatras ako sa ginawa niya.
"Maurine." Mariin na sambit ko sa pangalan niya. Napasimangot ito.
"Alright!" Pagsuko nito. "Saan ba ang punta niyo?" Tanong niya. Wala sana akong balak na sagutin ang tanong niya ng sumigaw bigla si bryle.
"Wala sila megan dito pare!" Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon ni maurine.
"Megan? Again." Dismayado nitong sambit.
"Maiwan ka na rito, maurine. We need to go." Napailing siya sa sinabi ko.
"No! I will join. Not for megan but for you. Ayokong may mangyaring masama sa'yo dahil lang sa babaeng yun!" Sa tono ng boses nito ay hindi siya magpapatalo. Kilala ko na siya matagal na at alam kung wala na akong magagawa pa. Napauntong hininga ako at pumayag na lamang.
"But, be sure not to get yourself hurt. Again." Paalala ko.
Niyakap naman ako nito at napakalapad na ngiti ang iginanti. Hinalikan pa ako nito sa pisngi.
"Maurine!" Irita kong tawag sa pangalan niya.
"What?" Pagmamaang maangan nito.
"Let's go." Utos ko sa kanila.
"Where?" Takang tanong ni west.
"Forest." Seryoso kong sambit. Napatahimik sila dahil sa sinabi ko. Yun na lamang ang natitirang bahagi ng lugar na ito na hindi namin napupuntahan. Hindi din yun punatahan ng mga estudyante. Hindi na rin ako nagpupunta doon.
"Mukhang kailangan muna nating magpahinga grey." Napatingin ako kay akira dahil sa sinabi nito.
"We don't have time." Paalala ko.
"Pero kailangan namin ng sapat na lakas." Muli nitong sambit.
Napatingin ako sa kasamahan ko. Duguan na rin si akira, bryle, at west. Halos maligo na sila sa sarili nilang dugo. Tama si akira. We need to rest. Ayokong lumaban sila ng ganiyan ang kalagayan nila.

BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...