DEDICATED: kookiekyut Salamat sa pagbabasa nito. Sana suportahan mo pa hanggang dulo. Lovelots 😘
Megan's POV
"Para ipaalala ko din sayo hindi ako nagpayakap sayo, ikaw ang kusang gumawa nun!" Irita kong sabi upang hindi mahalata na naapektuhan ako sa sinabi ng asungot nato.
"Pero hindi mo ako pinigilan." Ngumiti ito sakin na nakapag palambot ng aking tuhod.
Shit.
Ano bang problema ko? Nanghihina naba ang katawan ko? Ganun naba ako kahina ngayon? Sa isang ngiti lang bibigay na ang tuhod ko?
Damn you grey!
Hindi na ako sumagot at naglakad na upang pumila. Naiinis talaga ako sa lalaking yun. Kelangan pabang ipaalala sakin ang nangyari kagabi? At ginagawa niya pa talagang pang blackmail sakin yung pagyakap niya.
May saltik talaga ang isang yun.
Sinabi ko lahat ang order ko sa babaeng nasa counter. Napatingin ako sa mga pagkain na nasa harapan ko. Paano ko naman ito dadalhin lahat? Pahamak talaga ang isang yun.
"Tulungan ko na po kayo." Prisinta ng isang lalaki ng makita ang pagkain na dadalhin ko.
"I can handle this." Pagtanggi ko.
"Sigurado kaba?" Tanong nito. Nag alinlangan ako kung aayawan ko ang alok nito o hindi.
"Fine, I need your help." Sabi ko dito at ngumiti naman ito bilang tugon.
Dinala nito ang ibang pagkain na inorder ko. Dinala namin ito sa lamesa kung saan ang lokong si grey. Inilapag ng kasama ko ang pagkain.
Mag tthank you sana ako ng kumaripas na ito ng takbo.
"What happen to him?." Tanong ko sa sarili ko. Napatingin ako kay grey na nakangiti. Napaiwas ako agad ng tingin.
"Thank you." Nakangiti pa rin ito. Ang weird niya ngayon. Ilang beses ko na itong nakitang ngumiti.
Umupo na rin ako at nagsimulang kumain. Pero naiilang ako dahil sa bawat pag galaw ng aking bibig ay tila sinusubaybayan niya.
"Ang ganda mo talaga." Nasamid ako dahil sa mga katagang binaggit niya. Nataranta ito at ibinigay sakin ang mango shake niya.
"Shit! Magdahan dahan ka nga megan!" Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa sinabi niya. Kasalan ko pa? Eh siya naman ang may dahilan ng pagkasamid ko.
"Badtrip talaga." Bulong ko. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa na ikinainis ko pa lalo. Inaasar talaga ako ng isang to. Pathetic.
Nang matapos na kami kumain ay tumayo na ako at naglakad. Sumabay naman sa akin si grey. Hindi ko siya nilingon. He act's weird all this time.
Lumiko ako upang pumuntang banyo. Kumunot ang noo ko ng tawagin ako ni grey.
"Megs? San ka pupunta?" He ask.
"Ano bang pakialam mo kung saan ako pupunta?" Tanong ko dito. Halata ang pagkabigla nito pero agad din nawala.
"Fine. Basta bilisan mo at dumiretso kana sa klase." Inilagay nito ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa at naglakad na papalayo sakin. Nakatingin lang ako sa likod nito at tila kada hakbang niya ay sinasaksak ang aking puso. Napapikit ako at humakbang na palalayo.
Pagpasok ko sa banyo ay naalala ko lahat. Lahat ng nangyari na nakapapalito sa akin. Yung mga sinabi niya, yung naramdaman kong galit. Yung sampal niya sakin na puno ng poot at galit. Sino ba talaga ang babaeng yun? Alam kong kilala niya ako. May parte sa akin na naniniwala sa mga pinagsasabi niya.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
