Megan's POV
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Nasasaktan ako ng sobra. Nasasaktan ako dahil manggagaling na mismo sa kaniya ang pinakamasakit na lihim.
"M-megan, I'm sorry." Malungkot niyang sabi. Mas tumulo ang mga luha ko sa paghingi niya ng patawad. Nakumpirma ko na.
"Shit!" Hindi ko na napigilan ang mura na kumawala sa aking bibig. I'm hurt. I am fvcking hurt. So...........hindi niya nga ako mahal? Plano lang 'yon? Plano lang lahat ng 'yon? Paano niya to nagawa sa'kin? Minahal ko siya. Tangina!
"I'm so sorry, megan." Aniya at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko siya magawang itulak palayo sa'kin. Nawala lahat ng lakas ko. Humagulgul ako sa sobrang sakit. Gustong gusto ko siyang saktan dahil sa ginawa niya sa'kin. Pinagmukha niya akong tanga. Nagpakatanga naman ako. Damn it!
"I'm sorry. Sorry. Please. Megan. I-I'm sorry." Mas lalo lang akong naiyak sa tono ng boses niya. Walang salitang lumabas sa bibig ko. Tanging paghikbi lang ang maririnig sa loob ng silid. Hindi na rin siya nagsalita at niyakap lang ako.
"H-hindi mo ba talaga ako m-minahal, grey?" Tanong ko sa pagitan ng yakap niya. Magsasalita sana siya ng kumalas na ako at tumingin sa mga mata niya. Nagulat siya sa ginawa ko. "Kahit konti? Hindi mo'ko minahal? Mula umpisa? It was all fvcking lie?" Sunod sunod kong tanong. Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. Ofcourse, yes! Puro 'yon kasinungalingan. Lahat ng ipinakita niya sa'kin, lahat 'yon plano lang ng kung sino mang sinusunod niya. Dapat hindi ko na 'yon tinanong pa. Ang tanga tanga ko!
"N-no!" Nanlaki ang mga mata ko sa isinagot niya.
"What?" Hindi ako makapaniwala. "W-what do you mean?" Dugtong ko.
"Yes, plano nilang paibigan kita. Pinlano nila na kapag napaibig na kita, mas lalaki ang kapangyarihan nila. Dahil pinlano nilang kunin ang loob mo, maaaring masabi mo sa'min kung nasaan ang box." Kumunoo ang noo ko.
"Wait, anong box?" Nagtataka kong tanong. Naiwala ko sa isipan ng nauna kong tanong. Nacurious ako sa box na sinasabi niya. Anong box? Maraming klase ng box? At ano namang meron sa box?
"Hindi ko alam kung nalaman mo nang nawalan ka ng alaala?" Nag aalinlangan ito. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Natawa ako ng sarkastiko. Alam niya ngang nawalan ako ng alaala, mas lalo akong natawa at ilang beses na umiling. Sinamantala niya ang pagkakataon dahil sa nawalan ako ng alaala. What a man!
"Yes, I knew it already, grey." Nakangiti kong sagot. Hindi man lang makikitaan ng pagkabigla ang kaniyang mukha. Siguro ay alam na niyang alam ko na nawalan ako ng alaala.
"kailan pa? kailan mo pa nalaman?" Seryoso niyang tanong sa'kin. Umayos ako ng upo bago siya sagutin.
"Noong birthday ni schy..." Tinignan niya ako ng seryoso. Tinignan ko rin siya pabalik. Hindi ako natinag. Hindi dapat ako matinag.
"Are you serious?" Tanong niya sa'kin na para bang hindi siya makapaniwala. Oh well, mabuti at nagbago ang reaksyon niya. Mukhang hindi niya inaasahan na ganon ko kaaga nalaman. Ngumiti ako sa kaniya ng matamis.
"Yes, surprise?" Natatawa kong tanong. Bumuntong hininga lang siya at umiling. "Anong meron sa box? Importante ba 'yon? Ganon ba 'yon ka importante to the point na lokohin mo'ko?" Hindi ko mapigilan na maging sarkastiko. Napaiwas siya ng tingin dahil sa mga tanong ko.
"Yes, the box was so important, megan. Nandun sa box ang mga ebidensya na magpapatunay na ang eskwelahan na ito ay isang walang kwentang paaralan. Nandun sa box ang mga identity ng mga pinakamatataas, lahat ng baho nila nandun sa box na 'yon. And you're mother stole that shit! We all want to fvcking get the box or we all fvcking die here!" Nanlaki ang mga mata ko. Is he serious? Si mama? Yung babaeng 'yon? Nasa kaniya nag box? Ninakaw niya? How? Why? Shit. "Naiintindihan mo ba ako, megan? Tangina! Dahil sa kagaguhan ng nanay mo, mapapahamak kaming lahat!" Lumakas ang tono ng boses niya. Hindi ko alam kung bakit pero nasampal ko si grey. Hindi ko iyon inaasahan ganon din siya. Oo, galit ako kay mama pero masakit pa rin na manggaling sa ibang tao ang masasakit na salita.
"Wala akong alam dyan! Wala akong alam tungkol sa box na 'yan! Bakit ako? Bakit!" Hindi ko na mapigilang mapasigaw. Naiinis ako.
"What? Walang alam? Hindi mo pa rin ba naalala ang lahat? This is your fault, megan. This is your all fvcking fault!" Sigaw niya rin sa'kin pabalik. Ito ata ang unang pagkakataon na nag away kami ng ganito. Ang sakit. Sobrang sakit. Sinisigawan niya ako. Ito ba talaga siya? Ganito ba talaga siya? Damn it! Sa bawat salita niya, nasasaktan ako ng sobra. I love him. I love him more than my self. Fvck. "Where's the box? Nasa'yo ang box. Nasayo! Ibigay mo na sa'kin, megan." Hindi ako makapagsalita dahil sa bara sa lalamunan ko. "Ibigay mo na sa'kin ang box para wala ng problema." Pinunasan ko ang mga luha na pumapatak sa pisngi ko.
"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko? I don't know where's the box, grey. Damn it! Hindi ko alam!" Sabi ko.
"Hindi mo alam? Huwag mo nga akong gawing tanga!" Mas dumoble ang sakit na naramdaman ko dahil sa mga salitang binibitawan niya. This is really him. Ngayon nakikita ko na ang totoo niyang kulay. He don't like me. Hindi niya ako gusto at hindi niya ako nagustuhan. Pagpapanggap lamang lahat 'yon. "Nagbalik na ang alala mo, hindi ba? Bakit di mo maalala kung nasan ang box? kung san mo tinago! Fvck. Huwag mo na akong pahirapan pa! Sabihin mo na!" Umiwas na ako ng tingin. Hindi ko na kaya. Para akong sinasaksak ng dahan dahan dahil sa kaniya. Damn it, grey! Paano mo ito nagawa sa'kin? Paano? I love you. Mahal na mahal kita. Gustong gusto kong sabihin iyon pero hindi ko kaya. Papahiyain niya lang ako. Mapapahiya lang ako kapag sinabi kong mahal ko siya, na mahal na mahal ko pa rin siya kahit ganito ang ginagawa niya. Kahit nalaman ko lahat noon at napatunayan ko ngayon, ni katiting walang nagbago sa pagmamahal ko para sa kaniya. Oo, nasasaktan ako. Pero, anong magagawa ko? Mahal ko eh. Mahal na mahal.
Galit na galit ang reaksyon ng mukha ni grey habang nakatingin sa'kin. Walang pagmamahal, walang makikitang awa sa kaniya. Naglakas loob akong hawakan ang mukha niya ngunit tinabig niya lang ang kamay ko. Sinubukan ko ulit. Nagbabakasakali pa rin akong minahal niya ako kahit alam kong wala naman talaga.
"I'm s-so sor-ry grey..." Sabi ko sa basag na boses. Hindi natinag ang reaksyon niya. Humagulgul ako habang paulit ulit na humihingi ng tawad sa kaniya.
"Megan!" Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si schyler. Anong ginagaw niya dito? Paano niya nalaman na nandito ako? Who told him? Hindi pa ako nakakamove on sa biglaan niyang pagdating ng agad agad siyang lumapit at hinila ako palayo kay grey. Gusto ko sanang umangal ngunit wala na akong lakas. Nilingon ko si grey habang hinihila ako ni schy. Nakatingin lang siya ng seryoso sa'kin. Wala siyang balak humabol. Wala siyang balak pigilan si schy sa pagkuha sa'kin. Damnit!
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking humila sa'kin palayo sa taong mahal ko. Lumulutang ang isip ko sa nangyari kanina. Lahat ng sinabi ni grey, mula sa pagsigaw, sa walang reaksyon niyang mga mata, hanggang sa mga masasakit na salitang binitawan niya. Sariwang sariwa pa rin sa'kin.
"Megan..." Muling nakuha ni schy ang atensyon ko. Tumingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit malungkot ang kaniyang mga mata. Malulungkot ito na tila nahihirapan rin kagaya ko. Nalulungkot at nasasaktan. "Ayos ka lang ba?" Punong puno ng pagaalalang tanong nito. Hindi ako sumagot. Natawa suya sa sarili niyang tanong. "How stupid, schy. Ofcourse she's not!" Sagot niya sa kaniyang sariling tanong. Nginitian niya ako. Bumuntong hininga siya at ngumiti ulit. "Inamin na ni grey sa'yo?" Tanong niya sa'kin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at dahan dahan na tumango. Nararamdaman ko na naman ang traydor kong mga luha.
"Sinabi niya bang hindi ka niya........" Hindi maituloy ni schy ang kung ano man ang dapat niyang sabihin. Kahit hindi niya dugtungan alam ko kung anong sasabihin niya. Tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Napamura si schy dahil 'don.
"Tangina naman!"
"Napakagago talaga ng gagong 'yon!"
"Damn it!"
Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Niyakap ko din siya pabalik. Humagulgul ako sa dibdib ni schy. Lagi na lang si schy ang nandito sa tabi ko kapag sa ganitong sitwasyon. Ni hindi siya nagrereklamo kapag umiiyak ako sa dibdib niya o kahit nasisigawan ko na siya. Napaka komportable na ang sarap sa feeling. Hindi siya humihingi ng kapalit sa mga kabutihang ginawa niya para sa'kin. Mukha lang siyang manloloko at walang pakialam kapag sa maraming tao pero ang totoo mabait at maalalahanin siya.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...