Megan's POV
Nagulat ako sa sinabi ni grey. Hindi ko alam kung galit siya o hindi. Bakit kasi ang cold ng boses niya? Ang cold niya din.
Pero bakit ganun? Parang feeling ko....
Nagseselos ba si grey?
Napailing ako ng ilang beses dahil sa iniisip ko. Medyo kabaliwan dahil imposible naman kung magselos siya. Hindi niya nga ako pinapansin at kapag nagpapansinan naman kami madalas sinusungitan niya lang ako.
"A-ano bang p-pinagsasabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tinitigan lang ako nito na para bang napaka slow kong tao.
"Nevermind." tumayo ito at naglakad papalayo. Nakatingin lang ako sa maskuladong katawan nito. Bakit ganun? Parang galit siya? Ano na naman kaya ang ginawa ko?
Grey's POV
Naglakad na ako papalayo dahil sa katangahan ng babaeng yun. Ang sarap niyang batukan para naman magising siya sa katotohanan.
Napailing na lang ako dahil sa mga sinabi ko kanina. Hindi ko na naman napigilan ang nararamdaman ko. Ang sarap tapalan ng bibig ko para tumikom.
Napatingin ako sa paligid at magsisimula na ang party na hinanda ng nakatataas.
Ano na naman kaya ang larong gagawin nila ngayong gabi?
Kahit ako hindi alam ang mangyayari pero nasisigurado ko na magiging masaya ito.
Lumabas muna ako upang magpahangin. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin ngunit hindi ko na malanghap yun dahil sa impyernong lugar na ito.
"H-hi grey?" Kumunot ang noo ko ng may isang babae ang lumapit sakin. Hindi ko ito pinansin ngunit lumapit siya.
"Ang g-gwapo mo t-talaga" Puri nito at hinahaplos ang aking balat. Nairita ako sa ginawa niya kaya sinakal ko ito ng mahigpit.
"H-hindi a-a-ako makahinga" Reklamo nito ngunit napangisi lamang ako. Ito ang napapala ng mga lumalapit sakin basta basta.
"You already choose your death" Inilabas ko ang kutsilyo sa bulsa ko at sinaksak ang mata nito. Sumirit ang dugo nito kaya napalayo ako. Ayokong madumihan. Kinuha ko muli ang kutsilyo niya na nakatarak sa kanang mata nito at sinaksak siya sa dibdib upang siguraduhin na patay na ito.
Gusto ko sanang magpahinga pero nawala dahil sa babaeng malanding yun. Alam naman nila na ayoko sa mga katulad nila.
Naglakad lakad ako sa labas at lumayo sa maiingay na tao sa loob ng gymanasium.
Naalala ko na naman ang mukha ng babaeng yun. Megan Lee. Ang mala anghel niyang mukha pero laging nakasimangot. Pero bakit ganun? Kahit sa simpleng galaw lang ng mukha niya ay kakaibang impact ang tama nito sakin. Kahit sa simpleng galaw niya lang ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko. At yun ang iniiwasan ko.
Sa lugar na ito imposible ang iniisip ko.
Sinipa ko ang isang lata ng can juice dahil sa bumibilis ang tibok ng puso ko. Yung napakaganda niyang mukha, yung matangos niyang ilong, at ang mapupula niyang labi na ang sarap halikan.
Shit.
Asshole!
Why I am being like this?
Hindi ako ganito. At ayoko ng ganito. Hindi ako makapag focus. Naiinis ako sa sarili ko.
Paano kung lumala ito? Ano ang mangyayari? Alam kong hindi magiging maganda ang kakalabasan ng katangahan kong yun.
Kailangan ko ng pigilan ito bago lumala ang lahat.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Misteri / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
