Megan's POV
Nasa field ako ngayon at nagpapahangin. Kailangan ko ng sariwang hangin para makapag isip.
Muhang narealize kong mahal ko si grey kanina habang hinahalikan siya ni maurine.
Natawa ako dahil sa kakaibang pakiramdam. Hindi ako tanga para hindi alam kung ano man ito. Nagseselos ako. Nagseselos ako kay maurine. Napailing ako sa kadahilanang wala naman akong karapatan para magselos. Hindi akin si grey at mukhang malabong mapasakin siya lalo na't mukhang may kaugnayan sila ng babaeng yun.
Pero yung naramdaman ko kanina? Parang naramdaman ko na dati. Napailing na lang ako sa naiisip ko. Paano ko naman mararamdaman yun eh wala pa naman akong minahal? Bukod sa kaniya.
Naalala ko na naman kung pano halikan ni maurine si grey. Kung paano magdikit ang kanilang mga labi. Yung babaeng yun!.
Queen bee? Really.
Reyna ng mga bubuyog? Yeah, right. Malaki ang tyansa. Natawa ako ng mahina.
"Bakit ka tumatawa mag isa? Miss?." Napatingin ako sa lalaking nakasalamin na malaki pero may angkin na kagwapuhan.
Matangos ang kaniyang ilong at mahahaba din ang pilik mata. Mapupula ang kaniyang pisngi at ang kaniyang labi. Masasabi mong isa itong artista.
"Alam kong gwapo ako, huwag mo naman ipaalam ng ganiyan." Napairap ako dahil sa kayabangan nito.
"Kung saksakin kaya kita tapos ihagis sa gitna ng field?." Inis kong tanong na ikinatawa lang nito.
"Alam ko naman na hindi mo kaya." Saad nito. Nag smirk lang ako.
"Schyler Ford." Inilahad nito ang kamay at tumitig sa akin. Tinitigan ko ito.
Tumayo ako at naglakad papalayo sa lalaking yun. Wala akong oras para makipagkilala sa kaniya.
"Nice meeting you, Megan!." Napahinto ako dahil sa pagbanggit nito ng aking pangalan. Paano niya nalaman? Pero sabagay paano ako hindi makikilala eh inaway ko lang naman ang queen bee nila. Malamang isa yun sa nagkakandarapa kay maurine.
Bumangon ako sa sobrang sakit ng aking likod. Pagdilat ko ay nasa sahig pala ako at nahulog. Napakamot ako ng ulo dahil sa nangyari.
"Ang sakit ng likod ko."
Reklamo ko sa sarili ko. Nag inat ako ng konti at tsaka pumuntang kusina. Napatingin ako sa upuan ni krystal.
Mukhang nasanay na rin ako na wala ito.
Ano kaya ang maganda gawin ngayon?. It's saturday. At walang pasok. Kumuha ako ng pagkain at kumain. Wala na si Alice ng magising ako. Asan kaya ang bruhang yun.
Kung pumunta kaya akong library at maghanap muli ng impormasyon. Oras na siguro para simulan ko ulit. Marami na akong katanungan pero hindi pa rin ito masagot sagot.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumiretso na ako sa library. Naghanap ako muli ng pwedeng mabasa na mapagkukunan ko ng impormasyon.
Napadako ang aking mata sa isang makapal na libro. Kulay itim ito. Kinuha ko at inilapag sa may lamesa. Sa dulong parte ng library ako pumwesto upang walang makapansin.
'Graven University'
Ibinuklat ko ang unang pahina hanggang pangalawa pero wala naman kakaiba dito. Puro lamang pagpapaliwanag kung ano ang school na ito. Kaso may napansin ako sa libro. May nakausli itong papel kaya naman ibinuklat ko ito. May isang piraso ng papel na halatang napunit kung saan man itong parte ng libro. Pero hindi ito dito dahil magkaiba ng laki ang papel.
BINABASA MO ANG
GRAVEN UNIVERSITY
Mystery / ThrillerIt was the story of a woman (Megan) and her journey to hell school that full of mystery. Then, things became complicated as she doesn't expected to happen. What if love can conquer everything? Is it love can be your weakness?. Do you want love can b...
